Add parallel Print Page Options

15 Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya at sumigaw na sinasabi, “Siya ang tinukoy ko nang sabihin kong, ‘Siya na dumarating kasunod ko ay higit kaysa akin, sapagkat siya'y nauna sa akin.’ ” 16 At tumanggap tayong lahat mula sa kanyang kapuspusan; kagandahang-loob na sinundan pa ng kagandahang-loob. 17 Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises; ang kagandahang-loob at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

Read full chapter