Add parallel Print Page Options

12 Nang kinabukasan (A)ang isang malaking karamihan na nagsiparoon sa pista, pagkabalita nila na si Jesus ay dumarating sa Jerusalem,

13 Ay nagsikuha ng mga palapa ng mga puno ng palma, at nagsilabas na sumalubong sa kaniya, na nagsisigawan, Hosanna: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang Hari ng Israel.

14 At si Jesus, pagkasumpong sa isang batang asno, ay sumakay doon, gaya ng nasusulat,

15 Huwag kang matakot, (B)anak na babae ng Sion: narito, ang iyong Hari ay pumaparito, na nakasakay sa isang anak ng asno.

Read full chapter

Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem

12 Kinabukasan, nabalitaan ng napakaraming taong naroon sa pista na si Jesus ay pupunta sa Jerusalem. 13 (A)Kaya kumuha sila ng mga sanga ng puno ng palma at lumabas sila upang salubungin siya. Nagsigawan sila,

“Hosanna!
Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon,
    ang Hari ng Israel!”

14 Nakita ni Jesus ang isang asno at sumakay siya rito. Gaya ng nasusulat,

15 (B)“Huwag kang matakot, anak na babae ng Zion.
Narito ang iyong hari,
    dumarating na nakasakay sa batang asno!”

Read full chapter