Add parallel Print Page Options

Sinabi ni Juan Tagapagbawtismo na Hindi Siya ang Mesiyas

19 Ito ang patotoo ni Juan nang isugo sa kaniya ng mga Judio ang mga saserdote at mga Levita mula sa Jerusalem. Isinugo sa kaniya ang mga saserdote at mga Levita upang tanungin siya: Sino ka?

20 Siya ay nagtapat at hindi nagkaila. Kaniyang ipinagtapat: Hindi ako ang Mesiyas.[a]

21 ? Ikaw ba si Elias?

Sinabi niya: Hindi ako.

Ikaw ba ang propeta?

Siya ay sumagot: Hindi.

22 Sinabi nga nila sa kaniya: Sino ka ba? Sabihin mo sa amin, nang sa gayon ay maibigay namin ang sagot sa nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo patungkol sa iyong sarili?

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 1:20 Ang Mesiyas ay salitang Hebreo, ang Cristo ay salitang Griyego na ang ibig sabihin ay pinahiran ng langis.

Ang Pagpapatotoo ni Juan

19 At ito ang patotoo ni Juan nang nagpadala ang mga Judio ng mga pari at mga Levita mula sa Jerusalem upang tanungin siya, “Sino ka ba?” 20 Nagpahayag siya at hindi nagkaila, kundi sinabi niya, “Hindi ako ang Cristo.” 21 (A)At tinanong nila si Juan, “Kung gayon, ikaw ba si Elias?” Sinabi niya, “Hindi ako.” “Ikaw ba ang propeta?” At sumagot siya, “Hindi.” 22 Kaya't sinabi nila sa kanya, “Sino ka? Bigyan mo kami ng kasagutang maaari naming ibigay sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa sarili mo?”

Read full chapter