Add parallel Print Page Options

Ang Paghahati ng Canaan

14 Ang mga lipi ng Israel ay nakatanggap ng lupang pamana nang masakop nila ang Canaan. Ang paring si Eleazar at si Josue na anak ni Nun, katulong ang mga pinuno ng angkan ng bawat lipi, ang naghati ng lupain ng Canaan para sa mga Israelita. Ang(A) paghahati ay isinagawa sa pamamagitan ng palabunutan, ayon sa utos ni Yahweh kay Moises. Siyam at kalahating lipi na lamang ang binigyan nila ng kani-kanilang bahagi sa lupain. Ang(B) dalawang lipi at kalahati'y nabigyan na ni Moises ng kanilang bahagi sa silangan ng Jordan. Hindi rin kabilang sa siyam na lipi at kalahati ang mga Levita. Hindi sila binigyan ng lupain. Sa halip, binigyan sila ng mga lunsod na matitirhan at mga kaparangan sa paligid para sa kanilang mga bakahan at mga kawan. Sa kabilang dako, ang mga nagmula sa lahi ni Jose ay pinagdalawang lipi: ang lipi ni Manases at ang lipi ni Efraim. Pinaghati-hatian nga ng mga Israelita ang lupaing iyon ayon sa utos ni Yahweh kay Moises.

Ibinigay kay Caleb ang Hebron

Lumapit(C) noon kay Josue sa Gilgal ang ilan sa lipi ni Juda. Isa sa kanila si Caleb na anak ni Jefune, na mula sa angkan ng Cenizeo. Sinabi nito kay Josue, “Alam mo ang sinabi ni Yahweh kay Moises na kanyang lingkod tungkol sa ating dalawa nang tayo'y nasa Kades-barnea. Apatnapung(D) taon pa lamang ako noon. Isinugo niya tayo buhat sa Kades-barnea upang lihim na manmanan ang lupaing ito, at iniulat ko sa kanya ang buong katotohanan. Kahit na ang bayan ay tinakot ng ibang kasama natin, buong katapatan pa rin akong sumunod kay Yahweh na ating Diyos. Kaya't(E) ipinangako sa akin noon ni Moises na dahil sa aking buong katapatan sa pagsunod kay Yahweh, magiging bahagi ko at ng aking mga anak ang lupang matapakan ng aking mga paa. 10 Apatnapu't limang taon na ang lumipas buhat nang sabihin ito ni Yahweh kay Moises. Noo'y naglalakbay pa sa disyerto ang bayang Israel. Iningatan ni Yahweh ang buhay ko hanggang ngayon. Walumpu't limang taon na ako ngayon 11 ngunit hindi pa nagbabago ang lakas ko mula nang ako'y isugo ni Moises upang siyasatin ang lupaing ito. Kaya ko pang makipaglaban at gawin ang kahit anong trabaho. 12 Kaya ibigay mo na sa akin ang kaburulang ipinangako sa akin ni Yahweh. Narinig mo rin na mga higante ang nakatira doon at matitibay ang pader ng naglalakihan nilang lunsod. Ngunit sa tulong ni Yahweh ay palalayasin ko sila sa lupaing iyon gaya ng ipinangako niya.”

13 Binasbasan nga ni Josue si Caleb na anak ni Jefune, at ibinigay sa kanya ang Hebron. 14 Ang lupain ng Hebron ay nananatili hanggang ngayon sa angkan ni Caleb na anak ni Jefune, na isang Cenizeo, sapagkat buong katapatan siyang sumunod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. 15 Noong una'y Lunsod ng Arba ang pangalan ng Hebron, bilang alaala kay Arba, ang pinakadakila sa mga Anaceo.

At nagkaroon nga ng kapayapaan sa buong lupain.

A divisão da terra ao ocidente do Jordão

14 1-2 Quanto às terras conquistadas em Canaã foram doadas às restantes nove tribos e meia de Israel. A decisão sobre a área que caberia a cada tribo foi tirada à sorte; cada uma ficou com a sua parte de acordo com a vontade do Senhor. Eleazar, o sacerdote, Josué e os líderes de cada tribo supervisionaram a distribuição. Como já foi dito, Moisés dera anteriormente às outras duas tribos e meia território na margem leste do Jordão. Aquela que deveria ter sido a tribo de José tornou-se duas tribos separadas: Manassés e Efraim. Aos levitas não foi dada nenhuma terra, exceto as cidades em que haveriam de viver, com os seus subúrbios com pastagens para o seu gado. Esta distribuição foi feita de acordo com as diretivas dadas pelo Senhor a Moisés.

Hebrom é dada a Calebe

Uma delegação da tribo de Judá, chefiada por Calebe, filho de Jefoné, o quenezeu, veio ter com Josué a Gilgal. “Lembras-te do que o Senhor disse a Moisés, homem de Deus, acerca de ti e de mim, quando estávamos em Cades-Barneia?”, perguntou Calebe a Josué. “Tinha eu nessa altura 40 anos e Moisés mandara-nos espiar a terra de Canaã. No regresso fiz o meu relato de acordo com aquilo que senti ser a verdade. Mas os nossos irmãos, que tinham ido connosco, aterrorizaram o povo e desencorajaram-no a entrar na terra prometida. Mas eu mantive-me fiel ao Senhor, meu Deus. Por isso mesmo naquele dia, Moisés disse-me: ‘Aquela área de Canaã, por onde andaste, pertencerá a ti e aos teus descendentes para sempre, porque foste fiel ao Senhor, meu Deus.’ 10 Como vês, o Senhor continuou a manter-me com vida e saúde, durante estes 45 anos, desde que atravessámos o deserto, e hoje estou com 85 anos. 11 Tenho agora tantas forças como tinha, quando Moisés nos mandou para aquela missão, e posso ainda ir, seja onde for, combater como nessa altura! 12 Por isso, peço-te que me dês a zona das colinas que o Senhor me prometeu. Certamente te recordas que, quando lá fomos como espias, encontrámos os anaquins a viver ali, em grandes cidades cercadas de altas muralhas; mas, se o Senhor for comigo, com certeza os expulsarei da terra.”

13 Então Josué o abençoou e lhe deu Hebrom como herança; 14 porque não se tinha desviado do Senhor, Deus de Israel.

15 Antes desse tempo Hebrom tinha-se chamado Quiriate-Arba, de acordo com o nome dum grande herói entre os anaquins.

Por fim, a terra descansou e não houve mais guerras.

'Josue 14 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.