Josue 13
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Lupaing Sasakupin
13 Napakatanda na ni Josue. Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Matanda ka na at marami pang lupain ang kailangang sakupin. 2 Ito pa ang mga naiwan: ang lahat ng lupain ng mga Filisteo at Geshureo 3 na bahagi ng teritoryo ng mga Cananeo. Ito ay mula sa ilog ng Shihor sa silangan ng Egipto, hanggang sa hilagang hangganan ng Ekron kasama ang limang bayan ng mga Filisteo: Gaza, Ashdod, Ashkelon, Gat at Ekron, at ang lupain ng mga Aveo 4 sa timog; ang lahat ng lupain ng mga Cananeo mula sa Meara, na dating nasasakupan ng mga Sidoneo, hanggang sa Afek na nasa hangganan ng lupain ng mga Amoreo; 5 ang lupain ng mga Gebaleo, at ang buong Lebanon sa silangan, mula sa Baal Gad sa ibaba ng Bundok ng Hermon hanggang sa Lebo Hamat; 6 at pati ang mga kabundukan mula sa Lebanon hanggang sa Misrefot Maim, na bahagi ng nasasakupan ng mga Sidoneo.
“Sa paglusob ninyo, ako mismo ang magtataboy sa mga nakatira sa mga lugar na ito. Tiyakin mong mahahati-hati ang mga lupaing ito sa mga Israelita bilang mana nila, ayon sa iniutos ko sa iyo. 7 Isama mo ito sa paghahatiang lupain ng siyam na lahi at sa kalahating lahi ni Manase.”
8 Ang lahi ni Reuben, Gad at ang kalahating lahi ni Manase ay binigyan na ni Moises na lingkod ng Dios ng bahagi nila sa silangan ng Jordan. 9 Ang lupa nila ay mula sa Aroer sa tabi ng Lambak ng Arnon (kasama na ang bayan sa gitna nito) papunta sa buong talampas ng Medeba hanggang sa Dibon. 10 Umabot ito sa lahat ng bayan na pinamahalaan ni Sihon na Amoreo na naghari sa Heshbon, hanggang sa hangganan ng mga Ammonita. 11 Nakasama rin ang Gilead at ang mga lupaing tinirhan ng mga Geshureo at mga Maacateo at ang buong lugar na tinatawag na Bundok ng Hermon, at ang buong Bashan hanggang Saleca. 12 Nakasama rin ang kaharian ni Og na naghari sa Ashtarot at sa Edrei. Si Og ay isa sa mga naiwang Refaimeo. Silaʼy tinalo ni Moises at itinaboy sa kanilang mga lupain. 13 Pero hindi naitaboy[a] ng mga Israelita ang mga Geshureo at mga Maacateo, kaya nakatira pa rin sila kasama ng mga Israelita hanggang ngayon.
14 Hindi binigyan ni Moises ang lahi ni Levi ng lupain bilang mana. Ang matatanggap nila ay ang bahagi ng mga handog sa pamamagitan ng apoy[b] na para sa Panginoon, ang Dios ng Israel, ayon sa sinabi niya kay Moises.
15 Ito ang bahagi ng lupain na ibinigay ni Moises sa lahi ni Reuben, na hinati ayon sa bawat pamilya: 16 Ang nasasakupan nila ay mula sa Aroer na nasa tabi ng Lambak ng Arnon (kasama na ang bayan sa gitna nito) hanggang sa buong talampas ng Medeba. 17 Nakasama rin ang Heshbon at ang lahat ng bayan nito sa talampas: ang Dibon, Bamot Baal, Bet Baal Meon, 18 Jahaz, Kedemot, Mefaat, 19 Kiriataim, Sibma, Zeret Shahar (na nasa burol sa gitna ng lambak), 20 Bet Peor, ang libis ng Pisga, Bet Jeshimot, 21 at ang lahat ng bayan sa buong talampas at ang lahat ng lugar na sakop ng hari ng Amoreo na si Haring Sihon ng Heshbon. Tinalo siya ni Moises pati ang mga pinuno ng Midian na sina Evi, Rekem, Zur, Hur at Reba. Lahat sila ay naghari sa mga lupain nila sa ilalim ng pamamahala ni Haring Sihon. 22 Kasama sa mga pinatay ng mga Israelita si Balaam na manghuhula na anak ni Beor. 23 Ang Ilog ng Jordan ay ang hangganan ng lahi ni Reuben. Ito nga ang mga bayan at baryo na ibinigay sa lahi ni Reuben na hinati sa bawat sambahayan. 24 Ito naman ang bahagi ng lupain na ibinigay ni Moises sa lahi ni Gad, na hinati ayon sa bawat sambahayan: 25 Ang Jazer at ang lahat ng bayan ng Gilead, at ang kalahati ng lupain ng mga Ammonita hanggang sa Aroer malapit sa Rabba. 26 Nakasama rin ang mga lupain mula sa Heshbon hanggang sa Ramat Mizpa at Betomin, at mula sa Mahanaim hanggang sa hangganan ng Lo Debar. 27 Ang lupaing natanggap nila sa Lambak ng Jordan[c] ay ang Bet Haram, Bet Nimra, Sucot, Zafon at ang nalalabi sa kaharian ni Haring Sihon ng Heshbon. Ang hangganan sa kanluran ay ang Ilog ng Jordan hanggang sa Lawa ng Galilea. 28 Ito ang mga bayan at baryo na ibinigay sa lahi ni Gad na hinati ayon sa bawat sambahayan.
29 Ito naman ang bahagi ng lupain na ibinigay ni Moises sa kalahating lahi ni Manase, na hinati ayon sa bawat sambahayan: 30 Mula sa Mahanaim hanggang sa buong Bashan, ang buong kaharian ni Haring Og ng Bashan at ang 60 bayan ng Jair na sakop ng Bashan. 31 Nakasama rin ang kalahati ng Gilead, at ang Ashtarot at Edrei, ang mga lungsod sa Bashan kung saan naghari si Og. Ito ang lupain na ibinigay sa kalahating angkan ni Makir na anak ni Manase, ayon sa bawat pamilya.
32 Ito ang ginawang paghahati-hati ni Moises sa mga lupain sa silangan ng Jerico at Jordan nang nandoon siya sa kapatagan ng Moab. 33 Pero sa lahi ni Levi, hindi niya sila binigyan ng lupain bilang mana dahil ang mamanahin nila ay ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ayon sa ipinangako sa kanila.
约书亚记 13
Chinese New Version (Simplified)
还未攻取之地
13 约书亚老了,年纪不小;耶和华对他说:“你已经老了,年纪不小;还有很多的地有待征服。 2 还剩下来的地,就是非利士人的全境和基述人的全地, 3 从埃及东面的西曷河,向北直到以革伦的境界(这都算是迦南人的地方),由五个非利士人的首领管辖的迦萨人、亚实突人、亚实基伦人、迦特人、以革伦人的地方;并且有亚卫人, 4 他们是在南方,以及迦南人全境和属西顿人的米亚拉,直到亚弗和亚摩利人的境界; 5 还有迦巴勒人的地和东面的黎巴嫩全境,从黑门山下的巴力.迦得,直到哈马口; 6 从黎巴嫩直到米斯利弗.玛音,所有住在山地的居民,就是所有的西顿人,我必在以色列人面前把他们赶出去。你只要照着我吩咐你的,把这地抽签分给以色列人作产业。 7 现在你要把这地分给九个支派和玛拿西半个支派作产业。”
两个半支派在河东的分地
8 玛拿西另半个支派(按照《马索拉文本》,“玛拿西另半个支派”作“与它”,意思不明确;现参照《七十士译本》翻译),跟流本人和迦得人,已经得了摩西在约旦河东赐给他们的产业,是照着耶和华的仆人摩西赐给他们的, 9 就是从亚嫩谷边的亚罗珥和谷中间的城,以及米底巴的整片平原,直到底本; 10 还有在希实本作王的亚摩利人的王西宏所有的城镇,直到亚扪人的境界; 11 又有基列地、基述人和玛迦人的境界,以及整个黑门山、巴珊全地,直到撒迦; 12 另有巴珊王噩的全国,他在亚斯他录和以得来作王;他是利乏音人留下的唯一余民。这些地方的人,摩西都把他们击杀了,赶走了。 13 以色列人却没有赶走基述人和玛迦人;因此,基述人和玛迦人住在以色列人中间,直到今日。 14 只有利未支派,摩西没有把产业给他们;他们的产业就是献给耶和华以色列的 神的火祭,正如耶和华对他们所说的。
流本支派的分地
15 摩西按着流本支派的家族,把产业给了他们。 16 他们的境界是从亚嫩谷边的亚罗珥起,包括谷中间的城、靠近米底巴的整片平原、 17 希实本和平原上属希实本所有的城、底本、巴末.巴力、伯.巴力.勉、 18 雅杂、基底莫、米法押、 19 基列亭、西比玛、谷中山地上的细列哈.沙辖、 20 伯.毘珥、毘斯迦山坡、伯.耶西末、 21 平原上所有的城和亚摩利人的王西宏的全国。这西宏曾经在希实本作王,摩西把他和米甸的首领以未、利金、苏珥、户珥和利巴都击杀了。这些都是西宏的王侯,住在那地。 22 在以色列人所杀的人中,比珥的儿子占卜者巴兰也被他们用刀所杀。 23 流本人领土的疆界是约旦河,这就是流本人按着家族得着的产业所包括的众城,和属于这些城的村庄。
迦得支派的分地
24 摩西按着迦得支派的家族把产业分给迦得支派。 25 他们的境界包括雅谢和基列所有的城,以及亚扪人的一半土地,直到拉巴前面的亚罗珥; 26 从希实本直到拉抹.米斯巴和比多宁,又从玛哈念直到底璧的境界; 27 还有在谷中的伯.亚兰、伯.宁拉、疏割、撒分,就是希实本王西宏国中的余地,以约旦河作疆界,直到基尼烈海的底端,都在约旦河东。 28 这就是迦得人按着家族得着的产业所包括的城镇,和属于这些城的村庄。
玛拿西半支派的分地
29 摩西把产业分给玛拿西半个支派,是按着玛拿西半个支派的家族分给他们的。 30 他们的境界是从玛哈念起,包括巴珊全地、巴珊王噩的全国,并且在巴珊的睚珥的所有村落,共六十座城, 31 还有基列的一半和亚斯他录、以得来,就是在巴珊,噩的王国的两座城,都是按着家族分给玛拿西的儿子玛吉的孙子,就是分给玛吉的一半孙子。
32 以上这些地方是摩西在约旦河东,耶利哥对面的摩押平原所分配的产业。 33 可是利未支派,摩西却没有把产业分给他们,因为耶和华以色列的 神就是他们的产业,正如耶和华对他们所说的。
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
