Add parallel Print Page Options

24 At si Moises ay nagbigay sa lipi ni Gad, sa mga anak ni Gad, ng ayon sa kanilang mga angkan.

25 At (A)ang kanilang hangganan ay ang Jacer, at ang lahat na bayan ng Galaad, at (B)ang kalahati ng lupain ng mga anak ni Ammon hanggang sa Aroer na nasa tapat ng Rabba;

26 At mula sa Hesbon hanggang sa Ramath-mizpe, at sa Betonim; at mula sa (C)Mahanaim hanggang sa hangganan ng Debir.

27 At sa libis, ang Bet-haram, at ang Beth-nimra, at ang Sucoth, at ang Saphon, na labis ng kaharian ni Sehon na hari sa Hesbon, ang Jordan at ang hangganan niyaon, hanggang sa kaduluduluhang bahagi (D)ng dagat ng Cinnereth, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan.

28 Ito ang mana ng mga anak ni Gad ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.

Read full chapter