Jonas 1
Ang Biblia, 2001
Si Jonas ay Tumakas Patungo sa Tarsis
1 Ang(A) salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na anak ni Amitai, na nagsasabi,
2 “Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking lunsod na iyon, at sumigaw ka laban doon; sapagkat ang kanilang kasamaan ay umabot sa harapan ko.”
3 Ngunit si Jonas ay bumangon upang tumakas patungo sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon. Siya'y lumusong sa Joppa at nakatagpo ng barkong patungo sa Tarsis. Nagbayad siya ng pamasahe at lumulan upang sumama sa kanila sa Tarsis papalayo sa harapan ng Panginoon.
4 Ngunit ang Panginoon ay naghagis ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, anupa't ang barko ay nagbantang mawasak.
5 Nang magkagayo'y natakot ang mga magdaragat at tumawag ang bawat isa sa kanya-kanyang diyos; at kanilang inihagis sa dagat ang mga dala-dalahang nasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Samantala, si Jonas ay nasa ibaba sa pinakaloob na bahagi ng barko na doon ay nakahiga siya at nakatulog nang mahimbing.
6 Sa gayo'y dumating ang kapitan at sinabi sa kanya, “Ano ang ibig mong sabihin, at natutulog ka pa? Bumangon ka, tumawag ka sa iyong diyos! Baka sakaling alalahanin tayo ng diyos upang huwag tayong mamatay.”
7 Sinabi nila sa isa't isa, “Pumarito kayo at tayo'y magpalabunutan upang ating malaman kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin.” Kaya't nagpalabunutan sila, at ang nabunot ay si Jonas.”
8 Nang magkagayo'y sinabi nila sa kanya, “Sabihin mo sa amin, dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin? Ano ang iyong hanapbuhay? At saan ka nanggaling? Ano ang iyong lupain? Sa anong bayan ka?”
9 Kanyang sinabi sa kanila, “Ako'y isang Hebreo. Ako'y may takot sa Panginoon, sa Diyos ng langit na gumawa ng dagat at ng tuyong lupain.”
10 Nang magkagayo'y lubhang natakot ang mga tao, at sinabi sa kanya, “Ano itong iyong ginawa?” Sapagkat nalaman ng mga tao na siya'y tumatakas mula sa harapan ng Panginoon, sapagkat sinabi niya sa kanila.
Si Jonas ay Itinapon sa Dagat
11 At sinabi nila sa kanya, “Anong gagawin namin sa iyo upang ang dagat ay tumahimik sa atin?” Sapagkat ang dagat ay lalong nag-aalimpuyo.
12 Sinabi niya sa kanila, “Buhatin ninyo ako at ihagis ninyo ako sa dagat. Sa gayo'y ang dagat ay tatahimik para sa inyo, sapagkat alam ko na dahil sa akin ay dumating ang malaking unos na ito sa inyo.”
13 Gayunman, ang mga lalaki ay sumagwan ng mabuti upang maibalik ang barko sa lupa, ngunit hindi nila magawa sapagkat ang dagat ay lalo pang nag-aalimpuyo laban sa kanila.
14 Kaya't sila'y tumawag sa Panginoon, at nagsabi, “Nagmamakaawa kami sa iyo, O Panginoon, huwag mo kaming ipahamak dahil sa buhay ng lalaking ito. Huwag mong iatang sa amin ang walang salang dugo; sapagkat ginawa mo, O Panginoon, ang nakakalugod sa iyo.”
15 Kaya't kanilang binuhat si Jonas at inihagis siya sa dagat; at ang dagat ay tumigil sa pagngangalit nito.
16 Nang magkagayo'y lubhang natakot ang mga tao sa Panginoon; at sila'y naghandog ng isang alay sa Panginoon at gumawa ng mga panata.
17 At(B) naghanda ang Panginoon ng isang malaking isda upang lunukin si Jonas; at si Jonas ay nasa tiyan ng isda sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi.
Jonas 1
Ang Dating Biblia (1905)
1 Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay Jonas na anak ni Amittai, na nagsasabi,
2 Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagka't ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko.
3 Nguni't si Jonas ay bumangon upang tumakas na patungo sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon; at siya'y lumusong sa Joppe, at nakasumpong ng sasakyan na patungo sa Tarsis: sa gayo'y nagbayad siya ng upa niyaon, at siya'y lumulan, upang yumaong kasama nila sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon.
4 Nguni't ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, na anopa't ang sasakyan ay halos masira.
5 Nang magkagayo'y nangatakot ang mga taong dagat at dumaing ang bawa't tao sa kanikaniyang dios; at kanilang inihagis sa dagat ang mga daladalahang nangasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Nguni't si Jonas ay bumaba sa pinakaloob na bahagi ng sasakyan; at siya'y nahiga at nakatulog ng mahimbing.
6 Sa gayo'y lumapit sa kaniya ang puno ng sasakyan, at sinabi sa kaniya, Ano ang inaakala mo, O matutulugin? bumangon ka, tumawag ka sa iyong Dios, baka sakaling alalahanin ng Dios tayo, upang huwag tayong mangamatay.
7 At sinabi ng bawa't isa sa kanila sa kaniyang kasama, Magsiparito kayo at tayo'y mangagsapalaran, upang ating maalaman kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin. Sa gayo'y nangagsapalaran sila, at ang palad ay nahulog kay Jonas.
8 Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Isinasamo namin sa iyo na iyong saysayin sa amin, kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin; ano ang iyong hanap-buhay? at saan ka nanggaling? ano ang iyong lupain? at taga saang bayan ka?
9 At kaniyang sinabi sa kanila, Ako'y isang Hebreo; at ako'y natatakot sa Panginoon, sa Dios ng langit, na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupain.
10 Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao, at sinabi sa kaniya, Ano itong iyong ginawa? Sapagka't talastas ng mga tao na siya'y tumatakas mula sa harapan ng Panginoon, sapagka't isinaysay niya sa kanila,
11 Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Anong gagawin namin sa iyo, upang ang dagat ay tumahimik sa atin? sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos.
12 At sinabi niya sa kanila, Ako'y inyong buhatin, at ihagis ninyo ako sa dagat; sa gayo'y ang dagat ay tatahimik sa inyo: sapagka't talastas ko na dahil sa akin dumating ang malaking unos na ito sa inyo.
13 Gayon ma'y ang mga lalake ay nagsisigaod na mainam upang bumalik sa lupa; nguni't hindi nila magawa; sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos laban sa kanila.
14 Kaya't sila'y nagsidaing sa Panginoon, at nangagsabi, Ipinamamanhik namin sa iyo, Oh Panginoon, ipinamamanhik namin sa iyo, huwag mo kaming ipahamak dahil sa buhay ng lalaking ito, at huwag mong ihulog sa amin ang walang salang dugo; sapagka't ikaw, Oh Panginoon, iyong ginawa ang nakalulugod sa iyo.
15 Sa gayo'y kanilang binuhat si Jonas, at inihagis sa dagat; at ang dagat ay tumigil sa kaniyang poot.
16 Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao sa Panginoon; at sila'y nangaghandog ng isang hain sa Panginoon, at nagsipanata.
17 At inihanda ng Panginoon ang isang malaking isda upang lamunin si Jonas; at si Jonas ay napasa tiyan ng isda na tatlong araw at tatlong gabi.
Jonas 1
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Hindi Sumunod si Jonas sa Panginoon
1 Nagsalita ang Panginoon kay Jonas na anak ni Amitai. Sinabi niya, 2 “Pumunta ka agad sa Nineve, ang malaking lungsod, at bigyan mo ng babala ang mga taga-roon, dahil umabot na sa aking kaalaman ang kanilang kasamaan.” 3 Pero tumakas agad sa Panginoon[a] si Jonas at nagpasyang pumunta sa Tarshish. Pumunta siya sa Jopa at nakakita siya roon ng barkong paalis papuntang Tarshish. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko kasama ng mga tripulante at ng iba pang mga pasahero upang tumakas sa Panginoon.
4 Nang nasa laot na sila, nagpadala ang Panginoon ng napakalakas na hangin at halos mawasak na ang barko. 5 Kaya natakot ang mga tripulante, at ang bawat isa sa kanila ay humingi ng tulong sa kani-kanilang dios. Itinapon nila ang kanilang mga kargamento sa dagat para gumaan ang barko.
Si Jonas naman ay nakababa na noon sa ilalim na bahagi ng barko, humiga siya at nakatulog nang mahimbing. 6 Pinuntahan siya ng kapitan ng barko at sinabi sa kanya, “Nagagawa mo pang matulog sa ganitong kalagayan? Bumangon ka at humingi ng tulong sa iyong dios! Baka sakaling maawa siya sa atin, at iligtas niya tayo sa kamatayan.”
7 Nag-usap-usap ang mga tripulante, “Magpalabunutan na lang tayo upang malaman natin kung sino ang dahilan ng pagdating ng sakunang ito sa atin.” At nang magpalabunutan na sila, nabunot ang pangalan ni Jonas. 8 Kaya kinausap nila siya, “Gusto naming malaman kung sino ang dahilan ng pagdating ng sakunang ito. Sabihin mo kung ano ang iyong hanapbuhay at kung saan ka nanggaling. Sabihin mo rin sa amin kung taga-saan ka at anong lahi mo.” 9 Sumagot si Jonas, “Ako ay Hebreo at sumasamba sa Panginoon, ang Dios sa langit[b] na lumikha ng dagat at ng lupa.” 10 Kaya lubhang natakot ang mga tripulante, dahil sinabi na sa kanila ni Jonas na tumatakas siya sa Panginoon. Sinabi nila sa kanya, “Ano itong ginawa mo!”
11 At nang lalo pang lumakas ang hangin, sinabi ng mga tripulante kay Jonas, “Ano ang gagawin namin sa iyo para kumalma ang dagat at nang makaligtas kami sa kapahamakan?” 12 Sumagot si Jonas sa kanila, “Buhatin ninyo ako at ihagis sa dagat, at kakalma ito. Sapagkat alam kong ako ang dahilan kung bakit dumating ang napalakas na hangin na ito.” 13 Hindi nila sinunod si Jonas, sa halip, sinikap ng mga tripulante na sumagwan papunta sa dalampasigan, pero nahirapan sila dahil lalo pang lumakas ang hangin. 14 Kaya tumawag sila sa Panginoon. Sinabi nila, “O Panginoon, nakikiusap po kami sa inyo, huwag nʼyo kaming hayaang mamatay dahil sa gagawin namin kay Jonas. Huwag po ninyo kaming singilin sa aming pagpatay sa kanya na hindi pa naman namin natitiyak kung siya nga ay nagkasala. Pero alam po namin na ang mga nangyayaring ito ay ayon sa inyong kalooban.” 15 Kaya binuhat nila si Jonas at inihagis sa nagngangalit na dagat, at kumalma nga ito. 16 Dahil sa pangyayaring ito, nagkaroon ng malaking paggalang ang mga tao sa Panginoon. Kaya naghandog sila at nangakong ipagpapatuloy ang paglilingkod at paghahandog sa kanya.
17 Samantala, nagpadala ang Panginoon ng isang malaking isda para lunukin si Jonas. Tatlong araw at tatlong gabi siya sa tiyan ng isda.
Jonah 1
New Catholic Bible
Recalcitrant Prophet[a]
Chapter 1
1 The word of the Lord came to Jonah, son of Amittai: 2 “Go immediately to the great city of Nineveh and denounce it, for their wickedness has revealed itself to me.” 3 But Jonah decided to run away from the Lord and flee to Tarshish.[b] He went down to Joppa, where he found a ship that was about to sail to Tarshish. He paid his fare and boarded the ship to journey with the sailors to Tarshish, and away from the presence of the Lord.
4 However, the Lord caused a violent wind to stir up the sea, and such a furious storm arose that the ship seemed to be on the verge of breaking up. 5 The sailors were terror-stricken, and each of them cried out to his god. They also lightened the weight of the ship by throwing the cargo overboard.
Meanwhile, Jonah had gone down into the hold of the ship and was lying there fast asleep. 6 The captain found him there and said, “What are you doing there, sound asleep? Get up and call upon your God. Perhaps he will take pity on us and not allow us to perish.”
7 The sailors then said to each other, “Let us cast lots so that we can discover who is to blame for bringing us this bad luck.” Therefore, they cast lots, and the lot fell on Jonah. 8 Then they said to him, “Tell us why this calamity has come upon us. What is your occupation? Where do you come from? What is your country? What is your nationality?” 9 Jonah replied, “I am a Hebrew. I worship the Lord, the God of heaven, who made the sea and the dry land.”
10 On hearing this, the sailors were even more terrified, and they said to him, “How could you have done this to us?” For they knew that he was fleeing from the Lord because he had told them so. 11 Then they said, “What shall we do with you to make the sea calm down for us?” For the sea was becoming increasingly more turbulent. 12 Jonah replied, “Pick me up and throw me overboard. Then the sea will calm down for you. I know it is my fault that this great storm has struck you.”
13 Even so, the sailors rowed with all their might to reach the shore, but they were unable to do so inasmuch as the sea was becoming increasingly turbulent. 14 Finally they cried out to the Lord, “Do not allow us to perish, Lord, for taking this man’s life. Do not hold us responsible for causing the death of an innocent man. For you yourself, O Lord, have brought this all about.” 15 Then they picked up Jonah and threw him into the sea, and the raging of the sea subsided. 16 On witnessing this, the men were seized by a great fear of the Lord, and they offered a sacrifice to the Lord and made vows to him.
Footnotes
- Jonah 1:1 The story of the whale resembles stories told among all the coastal peoples of the Mediterranean basin. It serves simply to end the whole episode, in the atmosphere of the marvelous, that pervades the entire account. Jesus will use Jonah’s experience with the whale as an image of his own burial and resurrection (see Mt 12:39-40; Lk 11:29-30).
- Jonah 1:3 Tarshish: perhaps Tartessos in Spain, a seaport that marked the outer limits of communication. Joppa: the Mediterranean port for Jerusalem.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®

