John 8
The Message
To Throw the Stone
8 1-2 Jesus went across to Mount Olives, but he was soon back in the Temple again. Swarms of people came to him. He sat down and taught them.
3-6 The religion scholars and Pharisees led in a woman who had been caught in an act of adultery. They stood her in plain sight of everyone and said, “Teacher, this woman was caught red-handed in the act of adultery. Moses, in the Law, gives orders to stone such persons. What do you say?” They were trying to trap him into saying something incriminating so they could bring charges against him.
6-8 Jesus bent down and wrote with his finger in the dirt. They kept at him, badgering him. He straightened up and said, “The sinless one among you, go first: Throw the stone.” Bending down again, he wrote some more in the dirt.
9-10 Hearing that, they walked away, one after another, beginning with the oldest. The woman was left alone. Jesus stood up and spoke to her. “Woman, where are they? Does no one condemn you?”
11 “No one, Master.”
“Neither do I,” said Jesus. “Go on your way. From now on, don’t sin.”]
Note: John 7:53–8:11 [the portion in brackets] is not found in the earliest handwritten copies.
You’re Missing God in All This
12 Jesus once again addressed them: “I am the world’s Light. No one who follows me stumbles around in the darkness. I provide plenty of light to live in.”
13 The Pharisees objected, “All we have is your word on this. We need more than this to go on.”
14-18 Jesus replied, “You’re right that you only have my word. But you can depend on it being true. I know where I’ve come from and where I go next. You don’t know where I’m from or where I’m headed. You decide according to what you can see and touch. I don’t make judgments like that. But even if I did, my judgment would be true because I wouldn’t make it out of the narrowness of my experience but in the largeness of the One who sent me, the Father. That fulfills the conditions set down in God’s Law: that you can count on the testimony of two witnesses. And that is what you have: You have my word and you have the word of the Father who sent me.”
19 They said, “Where is this so-called Father of yours?”
Jesus said, “You’re looking right at me and you don’t see me. How do you expect to see the Father? If you knew me, you would at the same time know the Father.”
20 He gave this speech in the Treasury while teaching in the Temple. No one arrested him because his time wasn’t yet up.
21 Then he went over the same ground again. “I’m leaving and you are going to look for me, but you’re missing God in this and are headed for a dead end. There is no way you can come with me.”
22 The Jews said, “So, is he going to kill himself? Is that what he means by ‘You can’t come with me’?”
23-24 Jesus said, “You’re tied down to the mundane; I’m in touch with what is beyond your horizons. You live in terms of what you see and touch. I’m living on other terms. I told you that you were missing God in all this. You’re at a dead end. If you won’t believe I am who I say I am, you’re at the dead end of sins. You’re missing God in your lives.”
25-26 They said to him, “Just who are you anyway?”
Jesus said, “What I’ve said from the start. I have so many things to say that concern you, judgments to make that affect you, but if you don’t accept the trustworthiness of the One who commanded my words and acts, none of it matters. That is who you are questioning—not me but the One who sent me.”
27-29 They still didn’t get it, didn’t realize that he was referring to the Father. So Jesus tried again. “When you raise up the Son of Man, then you will know who I am—that I’m not making this up, but speaking only what the Father taught me. The One who sent me stays with me. He doesn’t abandon me. He sees how much joy I take in pleasing him.”
30 When he put it in these terms, many people decided to believe.
If the Son Sets You Free
31-32 Then Jesus turned to the Jews who had claimed to believe in him. “If you stick with this, living out what I tell you, you are my disciples for sure. Then you will experience for yourselves the truth, and the truth will free you.”
33 Surprised, they said, “But we’re descendants of Abraham. We’ve never been slaves to anyone. How can you say, ‘The truth will free you’?”
34-38 Jesus said, “I tell you most solemnly that anyone who chooses a life of sin is trapped in a dead-end life and is, in fact, a slave. A slave can’t come and go at will. The Son, though, has an established position, the run of the house. So if the Son sets you free, you are free through and through. I know you are Abraham’s descendants. But I also know that you are trying to kill me because my message hasn’t yet penetrated your thick skulls. I’m talking about things I have seen while keeping company with the Father, and you just go on doing what you have heard from your father.”
39-41 They were indignant. “Our father is Abraham!”
Jesus said, “If you were Abraham’s children, you would have been doing the things Abraham did. And yet here you are trying to kill me, a man who has spoken to you the truth he got straight from God! Abraham never did that sort of thing. You persist in repeating the works of your father.”
They said, “We’re not bastards. We have a legitimate father: the one and only God.”
42-47 “If God were your father,” said Jesus, “you would love me, for I came from God and arrived here. I didn’t come on my own. He sent me. Why can’t you understand one word I say? Here’s why: You can’t handle it. You’re from your father, the Devil, and all you want to do is please him. He was a killer from the very start. He couldn’t stand the truth because there wasn’t a shred of truth in him. When the Liar speaks, he makes it up out of his lying nature and fills the world with lies. I arrive on the scene, tell you the plain truth, and you refuse to have a thing to do with me. Can any one of you convict me of a single misleading word, a single sinful act? But if I’m telling the truth, why don’t you believe me? Anyone on God’s side listens to God’s words. This is why you’re not listening—because you’re not on God’s side.”
I Am Who I Am
48 The Jews then said, “That settles it. We were right all along when we called you a Samaritan and said you were crazy—demon-possessed!”
49-51 Jesus said, “I’m not crazy. I simply honor my Father, while you dishonor me. I am not trying to get anything for myself. God intends something gloriously grand here and is making the decisions that will bring it about. I say this with absolute confidence. If you practice what I’m telling you, you’ll never have to look death in the face.”
52-53 At this point the Jews said, “Now we know you’re crazy. Abraham died. The prophets died. And you show up saying, ‘If you practice what I’m telling you, you’ll never have to face death, not even a taste.’ Are you greater than Abraham, who died? And the prophets died! Who do you think you are!”
54-56 Jesus said, “If I were striving to get all the attention, it wouldn’t amount to anything. But my Father, the same One you say is your Father, put me here at this time and place of splendor. You haven’t recognized him in this. But I have. If I, in false modesty, said I didn’t know what was going on, I would be as much of a liar as you are. But I do know, and I am doing what he says. Abraham—your ‘father’—with elated faith looked down the corridors of history and saw my day coming. He saw it and cheered.”
57 The Jews said, “You’re not even fifty years old—and Abraham saw you?”
58 “Believe me,” said Jesus, “I am who I am long before Abraham was anything.”
59 That did it—pushed them over the edge. They picked up rocks to throw at him. But Jesus slipped away, getting out of the Temple.
Juan 8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Samantala, pumunta si Jesus sa Bundok ng mga Olibo. 2 Nang magmadaling-araw, nagpunta uli siya sa templo. Pumunta sa kanya ang lahat ng tao, kaya naupo siya at nagturo sa kanila. 3 Dinala sa kanya ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga Fariseo ang isang babaing nahuli sa pakikiapid, at pinatayo ito sa harapan nila. 4 Sinabi nila sa kanya, “Guro, ang babaing ito ay nahuli habang nakikiapid. 5 (A)Ngayon, inutos ng batas ni Moises na batuhin ang tulad niya. Ano ngayon ang masasabi mo?” 6 Sinabi nila ito para subukin siya, upang sa gayon, mayroon silang gamitin laban sa kanya. Yumuko si Jesus at nagsulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri. 7 (B)At habang nagpapatuloy sila sa pagtatanong sa kanya, tumayo siya at sinabi sa kanila, “Sinuman sa inyo na walang kasalanan, siyang unang bumato sa kanya.” 8 At muli siyang yumuko at nagsulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri. 9 Matapos nilang marinig ito, isa-isa silang nagsialis, simula sa pinakamatanda. Naiwang mag-isa si Jesus kasama ang babaing nakatayo sa harap niya. 10 Tumingala si Jesus at sinabi sa kanya, “Ginang, nasaan sila? Wala bang humusga sa iyo?” 11 At sinabi ng babae, “Wala, Ginoo.” At sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita huhusgahan; humayo ka, at huwag nang magkasala.”
12 (C)At muling nagsalita sa kanila si Jesus, “Ako ang ilaw ng sanlibutan; ang sumusunod sa akin kailanma'y hindi mamumuhay sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay.” 13 (D)Kaya sinabi sa kanya ng mga Fariseo, “Nagpapatotoo ka para sa iyong sarili; hindi tunay ang iyong patotoo.” 14 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Kahit na nagpapatotoo ako para sa aking sarili, ang patotoo ko ay tunay, sapagkat alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta, ngunit hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. 15 Humuhusga kayo nang naaayon sa laman, ako'y hindi humuhusga kanino man. 16 Ngunit kahit na humusga ako, ang paghuhusga ko ay totoo, sapagkat hindi lang ako mag-isang humuhusga, kundi ako at siya na nagsugo sa akin. 17 (E)Nakasulat sa inyong batas na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo. 18 Nagpapatotoo ako sa sarili ko, at ang Ama na nagsugo sa akin ang nagpapatotoo tungkol sa akin.” 19 Dahil dito ay sinabi nila sa kanya, “Nasaan ang iyong Ama?” Sumagot si Jesus, “Hindi ninyo ako nakikilala, maging ang aking Ama; kung kilala ninyo ako, kilala ninyo rin sana ang Ama ko.” 20 Ito ang mga salitang sinabi niya sa may kabang-yaman habang siya ay nagtuturo sa templo. Walang humuli sa kanya dahil ang oras niya ay hindi pa dumarating. 21 Kaya muli'y sinabi niya sa kanila, “Aalis ako, at hahanapin ninyo ako at mamamatay kayo sa inyong kasalanan. Hindi kayo makapupunta sa pupuntahan ko.” 22 Sinabi ng mga Judio, “Papatayin ba niya ang kanyang sarili, dahil sinasabi niyang, ‘Hindi kayo makapupunta sa pupuntahan ko’?” 23 Sinabi niya sa kanila, “Kayo ay mula sa ibaba, ako ay mula sa itaas; kayo ay tagasanlibutang ito, ako ay hindi tagarito. 24 Sinabi ko sa inyo na mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan; sapagkat mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan malibang maniwala kayo na Ako’y Ako Nga.” 25 Sinabi nila sa kanya, “Sino ka?” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit ba ako nakipag-usap pa sa inyo. 26 Marami pa akong sasabihin at huhusgahan tungkol sa inyo; subalit ang nagsugo sa akin ay totoo, at sinasabi ko sa sanlibutan kung ano ang narinig ko mula sa kanya.” 27 Hindi nila naintindihan na ang tinutukoy niya ay ang Ama. 28 Kaya sinabi ni Jesus, “Kapag itinaas ninyo ang Anak ng Tao, mauunawaan ninyo na ako siya, at wala akong ginagawang mula sa sarili ko, kundi, sinasabi ko ang mga bagay na ito na ayon sa itinuro sa akin ng Ama. 29 At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko. Hindi niya ako iniwang mag-isa, sapagkat lagi kong ginagawa ang bagay na nakalulugod sa kanya.” 30 Maraming nanampalataya sa kanya habang sinasabi niya ang mga bagay na ito. 31 Kaya't sinabi ni Jesus sa mga Judio na nanampalataya sa kanya, “Kung mananatili kayo sa aking salita, kayo ay mga tunay kong alagad, 32 at malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” 33 (F)Sumagot sila sa kanya, “Kami ay mga lahi ni Abraham at kailanma'y hindi naging alipin nino man. Bakit mo sinasabing, ‘magiging malaya kayo’?” 34 Sinagot sila ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sinumang nagkakasala ay alipin ng kasalanan. 35 Ang alipin ay hindi nananatili sa bahay habang buhay; ang anak ay nananatili habang buhay. 36 Kaya nga kung palalayain kayo ng Anak, magiging malaya nga kayong tunay. 37 Alam kong kayo ay mga lahi ni Abraham; pero pinagsisikapan ninyo akong patayin dahil walang lugar ang salita ko sa inyo. 38 Sinasabi ko kung ano ang nakita ko sa aking Ama, at ginagawa naman ninyo kung ano ang narinig ninyo sa inyong ama.” 39 Sumagot sila at sinabi sa kanya, “Ama namin si Abraham.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo ay mga anak ni Abraham, gagawin ninyo ang ginawa ni Abraham. 40 Subalit ngayon ay gusto ninyo akong patayin, isang taong nagsasabi sa inyo ng katotohanang narinig ko sa Diyos; hindi ito ang ginawa ni Abraham. 41 Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama.” Sinabi nila sa kanya, “Hindi kami ipinanganak sa pakikiapid, mayroon kaming isang Ama, ang Diyos.” 42 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung ang Diyos ang inyong Ama, mamahalin sana ninyo ako dahil ako ay galing sa Diyos at naparito. Hindi ako naparito dahil sa aking sariling kagustuhan, dahil isinugo niya ako. 43 Bakit hindi ninyo maunawaan ang sinasabi ko? Dahil hindi ninyo kayang pakinggan ang salita ko. 44 (G)Kayo ay mula sa inyong amang diyablo, at ang hangarin ninyo ay gawin ang mga gusto ng ama ninyo. Siya ay mamamatay-tao mula pa sa simula, at hindi naninindigan sa katotohanan sapagkat walang katotohanan sa kanya. Kapag siya ay nagsisinungaling, nangungusap siya ayon sa kanyang kalikasan, dahil siya ay sinungaling at ama ng kasinungalingan. 45 Pero dahil nagsasabi ako ng katotohanan, hindi kayo naniniwala sa akin. 46 Sino sa inyo ang makasusumbat sa akin ng kasalanan? Kung nagsasabi ako ng katotohanan, bakit hindi kayo naniniwala sa akin? 47 Ang mula sa Diyos ay nakikinig ng mga salita ng Diyos; ang dahilan kung bakit hindi ninyo pinakikinggan ang mga ito ay dahil hindi kayo nagmula sa Diyos.” 48 Sinagot siya ng mga Judio, “Hindi ba tama kami nang sabihin naming ikaw ay isang Samaritano at sinasaniban ka ng diyablo?” 49 Sumagot si Jesus, “Hindi ako sinasaniban ng diyablo. Pinaparangalan ko ang aking Ama, at sinisira ninyo ang aking karangalan. 50 Subalit hindi ako naghahanap ng karangalan para sa sarili; may isang naghahanap nito at humahatol. 51 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumutupad ng aking salita ay hindi kailanman daranas ng kamatayan.” 52 Sinabi ng mga Judio sa kanya, “Ngayon, alam na naming sinasaniban ka nga ng diyablo. Namatay rin si Abraham gaya ng mga propeta; at sinasabi mo na, ‘Sinumang tumutupad ng salita ko ay hindi kailanman makalalasap ng kamatayan.’ 53 Mas dakila ka pa ba kaysa aming amang si Abraham na namatay? Maging ang mga propeta ay namatay! Sino ka ba sa palagay mo?” 54 Sumagot si Jesus, “Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang kaluwalhatian ko ay walang saysay. Ang aking Ama ang lumuluwalhati sa akin, siya na sinasabi ninyo na inyong Diyos. 55 Hindi ninyo siya nakikilala, ngunit kilala ko siya. Kung sabihin kong hindi ko siya kilala, magiging sinungaling din ako na tulad ninyo; pero kilala ko siya at tinutupad ko ang salita niya. 56 Ang ama ninyong si Abraham ay nagalak dahil makikita niya ang araw ko. Nakita niya ito at siya ay nagalak.” 57 Sinabi ng mga Judio sa kanya, “Wala ka pang limampung taon, nakita mo na ba si Abraham?” 58 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, wala pa man si Abraham Ako’y Ako na Nga.” 59 Dahil dito pumulot sila ng bato para batuhin siya; subalit nagtago si Jesus, at lumabas ng templo.
Copyright © 1993, 2002, 2018 by Eugene H. Peterson
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
