Add parallel Print Page Options

14 At (A)kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang (B)itaas ang Anak ng tao;

15 Upang ang sinomang sumampalataya ay (C)magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan.

16 Sapagka't gayon na lamang (D)ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na (E)ibinigay niya ang kaniyang (F)bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

17 Sapagka't hindi sinugo ng Dios (G)ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; (H)kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.

18 Ang sumasampalataya sa kaniya ay (I)hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.

Read full chapter