Joel 3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Parurusahan ang mga Bansa
3 Sinabi ng Panginoon, “Sa panahong iyon na ibabalik ko ang mabuting kalagayan ng Juda at Jerusalem,[a] 2 titipunin ko ang mga bansa at dadalhin ko sila sa Lambak ni Jehoshafat.[b] Doon ko sila hahatulan dahil sa kanilang ginawa sa mga Israelita na aking mamamayan na pag-aari ko. Pinangalat nila ang mga Israelita sa ibaʼt ibang bansa at pinaghati-hatian ang aking lupain. 3 Nagpalabunutan sila para paghati-hatian ang aking mga mamamayan, at ipinagbili nila bilang alipin ang mga batang lalaki at babae, upang ibili ng alak at ibayad sa babaeng bayaran.
4 “Kayong mga taga-Tyre, taga-Sidon, at ang lahat ng lugar ng Filistia, ano ba itong ginagawa ninyo laban sa akin? Ginagantihan ba ninyo ako sa mga bagay na aking ginawa? Kung ganoon, gagantihan ko agad kayo sa inyong ginagawa.[c] 5 Sapagkat kinuha ninyo ang aking mga ginto at pilak at iba pang mamahaling bagay at dinala ninyo ito roon sa inyong mga templo. 6 Ipinagbili ninyo sa mga Griego ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem bilang mga alipin, upang mailayo ninyo sila sa sarili nilang bayan. 7 Pero tutulungan ko silang makaalis sa mga bayang sa mga bayang pinagbilhan ninyo sa kanila, at gagawin ko sa inyo ang inyong ginawa sa kanila. 8 Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa mga taga-Juda, at ipagbibili naman nila ang mga ito sa mga taga-Sabea[d] na nakatira sa malayong lugar.” Mangyayari nga ito, dahil ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.
9 Ipaalam ito sa mga bansa: Humanda kayo sa pakikipagdigma. Tawagin ninyo ang inyong mga sundalo upang sumalakay. 10 Gawin ninyong mga espada ang sudsod ng inyong mga araro at gawin ninyong mga sibat ang inyong mga panggapas. Kahit ang mahihina ay kailangang makipaglaban. 11 Pumarito kayo, lahat kayong mga bansang nasa paligid, at magtipon kayo doon sa Lambak ni Jehoshafat. Panginoon, papuntahin nʼyo na po roon ang inyong hukbo.[e]
12 Sinabi ng Panginoon, “Kailangang hikayatin ang mga bansa sa paligid na pumunta sa Lambak ni Jehoshafat, dahil doon ko sila hahatulan. 13 Para silang mga aanihin na kailangan nang gapasin dahil hinog na, o parang ubas na kailangan nang pisain dahil puno na ng ubas ang pisaan. Ubod sila ng sama; ang kanilang kasalanan ay parang katas ng ubas na umaapaw sa sisidlan nito.”
14 Napakaraming tao ang naroon sa Lambak ng Paghatol, dahil malapit nang dumating ang araw ng pagpaparusa ng Panginoon. 15 Magdidilim ang araw at ang buwan, at hindi na magliliwanag ang mga bituin. 16 Aatungal na parang leon ang Panginoon mula sa Zion;[f] dadagundong ang kanyang tinig mula sa Jerusalem. Kaya mayayanig ang lupa at langit. Pero ang Panginoon ang matibay na kanlungan para sa mga Israelita na kanyang mamamayan.
Ang mga Pagpapalang para sa mga Mamamayan ng Dios
17 Sinabi ng Panginoon, “Malalaman ninyong mga taga-Juda na ako, ang Panginoon na inyong Dios, ay nakatira sa Zion, ang aking banal na bundok. Magiging banal muli ang Jerusalem; hindi na ito muling lulusubin ng ibang bansa. 18 Sa panahong iyon, pagpapalain ko kayo. Magiging sagana ang inyong bagong katas ng ubas na mula sa maraming ubas sa mga bundok. Magiging sagana rin ang inyong gatas mula sa maraming baka at kambing na nanginginain sa mga burol. At hindi na matutuyuan ang inyong mga sapa at ilog. At may bukal mula sa templo ng Panginoon na dadaloy sa lambak na may mga punong akasya.[g]
19 “Ang Egipto ay magiging malungkot na lugar at ang Edom ay magiging ilang, dahil pinagmalupitan nila ang mga taga-Juda; pinatay nila ang mga taong walang kasalanan. 20 Pero ang Juda at ang Jerusalem ay titirhan magpakailanman. 21 Ipaghihiganti ko ang mga pinatay sa aking mga mamamayan. Parurusahan ko ang mga gumawa nito sa kanila.[h] Ako, ang Panginoon na nakatira sa Zion.”
Footnotes
- 3:1 ibabalik … Jerusalem: o, pababalikin ko ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem sa kanilang lupain mula sa pagkabihag.
- 3:2 Jehoshafat: Ang ibig sabihin, naghahatol ang Panginoon.
- 3:4 Ang ginagawa ng mga bansang ito laban sa Israel ay para na rin nilang ginagawa laban sa Panginoon.
- 3:8 Sabea: Isang lugar sa timog-kanluran ng Arabia.
- 3:11 Panginoon … hukbo: Sa Syriac, At doon ay lilipulin ng Panginoon ang inyong mga kawal.
- 3:16 Zion: Isa sa mga tawag sa Jerusalem.
- 3:18 na may mga punong akasya: o, ng Shitim.
- 3:21 Ipaghihiganti … sa kanila: Ito ang nasa Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, Ituturing ko na walang kasalanan ang mga pinatay sa kanila na hindi ko pa naituring na walang kasalanan. O, Patatawarin ko ang mga pagpatay nila na hindi ko pa napapatawad.
Joel 3
King James Version
3 For, behold, in those days, and in that time, when I shall bring again the captivity of Judah and Jerusalem,
2 I will also gather all nations, and will bring them down into the valley of Jehoshaphat, and will plead with them there for my people and for my heritage Israel, whom they have scattered among the nations, and parted my land.
3 And they have cast lots for my people; and have given a boy for an harlot, and sold a girl for wine, that they might drink.
4 Yea, and what have ye to do with me, O Tyre, and Zidon, and all the coasts of Palestine? will ye render me a recompence? and if ye recompense me, swiftly and speedily will I return your recompence upon your own head;
5 Because ye have taken my silver and my gold, and have carried into your temples my goodly pleasant things:
6 The children also of Judah and the children of Jerusalem have ye sold unto the Grecians, that ye might remove them far from their border.
7 Behold, I will raise them out of the place whither ye have sold them, and will return your recompence upon your own head:
8 And I will sell your sons and your daughters into the hand of the children of Judah, and they shall sell them to the Sabeans, to a people far off: for the Lord hath spoken it.
9 Proclaim ye this among the Gentiles; Prepare war, wake up the mighty men, let all the men of war draw near; let them come up:
10 Beat your plowshares into swords and your pruninghooks into spears: let the weak say, I am strong.
11 Assemble yourselves, and come, all ye heathen, and gather yourselves together round about: thither cause thy mighty ones to come down, O Lord.
12 Let the heathen be wakened, and come up to the valley of Jehoshaphat: for there will I sit to judge all the heathen round about.
13 Put ye in the sickle, for the harvest is ripe: come, get you down; for the press is full, the fats overflow; for their wickedness is great.
14 Multitudes, multitudes in the valley of decision: for the day of the Lord is near in the valley of decision.
15 The sun and the moon shall be darkened, and the stars shall withdraw their shining.
16 The Lord also shall roar out of Zion, and utter his voice from Jerusalem; and the heavens and the earth shall shake: but the Lord will be the hope of his people, and the strength of the children of Israel.
17 So shall ye know that I am the Lord your God dwelling in Zion, my holy mountain: then shall Jerusalem be holy, and there shall no strangers pass through her any more.
18 And it shall come to pass in that day, that the mountains shall drop down new wine, and the hills shall flow with milk, and all the rivers of Judah shall flow with waters, and a fountain shall come forth out of the house of the Lord, and shall water the valley of Shittim.
19 Egypt shall be a desolation, and Edom shall be a desolate wilderness, for the violence against the children of Judah, because they have shed innocent blood in their land.
20 But Judah shall dwell for ever, and Jerusalem from generation to generation.
21 For I will cleanse their blood that I have not cleansed: for the Lord dwelleth in Zion.
Joel 3
New Catholic Bible
The Advent of New Times
Chapter 3
I Will Pour Out My Spirit on All Mankind[a]
1 After this,
I will pour out my Spirit on all mankind.
Your sons and your daughters will prophesy;
your old men shall dream dreams,
and your young men shall see visions.
2 Even on the male and female slaves
I will pour out my Spirit in those days.
3 I will show portents
in the heavens and on the earth,
blood and fire and columns of smoke.
4 The sun will be turned to darkness
and the moon to blood
before the coming of the day of the Lord,
that great and terrible day.
5 Then everyone will be saved
who calls on the name of the Lord.
For on Mount Zion
there will be a remnant,
as the Lord has said,
and in Jerusalem there will be survivors
whom the Lord will call.
Footnotes
- Joel 3:1 On Pentecost, Peter will tell the Jews that the gift of tongues received by the Apostles is the complete fulfillment of this prophecy (Acts 2:17-21).
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
