Joel 3:4-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Ang(A) araw ay magdidilim,
at ang buwan ay pupulang parang dugo
bago dumating ang dakila at nakakatakot na araw ni Yahweh.
5 At(B) sa panahong iyon, ang lahat ng hihingi ng tulong kay Yahweh ay maliligtas.
Gaya ng kanyang sinabi,
may ilang makakatakas sa Bundok ng Zion
at ang aking mga pinili'y makakaligtas sa Jerusalem.”
Zacarias 9:1-2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Parusa sa mga Bansa sa Paligid
9 Ito(A) (B) ang ipinapasabi ni Yahweh: “Itinakda ko na ang parusa sa lupain ng Hadrac at sa lunsod ng Damasco. Ang mga lunsod ng Aram ay akin, kung paanong ang lahat ng lipi ni Israel ay akin. 2 Akin din ang Hamat na nasa hangganan ng Hadrac, gayon din ang Tiro at Sidon, bagaman sila'y napakarunong.
Read full chapter
Mateo 11:21-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 “Kawawa(A) kayo, mga taga-Corazin! Kawawa kayo, mga taga-Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sanang nagdamit ng sako at naupo sa abo ang mga tagaroon bilang tanda ng kanilang pagsisisi. 22 Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay mas kahahabagan pa ang mga taga-Tiro at taga-Sidon kaysa inyo.
Read full chapter
Lucas 10:13-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Babala sa mga Bayang Ayaw Magsisi(A)
13 “Kawawa(B) kayo mga taga-Corazin! Kawawa kayo mga taga-Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sanang nagdamit ng sako at naupo sa abo ang mga tagaroon bilang tanda ng kanilang pagsisisi. 14 Mas kahahabagan pa ang mga taga-Tiro at taga-Sidon kaysa inyo sa Araw ng Paghuhukom.
Read full chapter