Add parallel Print Page Options

Titipunin ko ang lahat ng bansa
    at dadalhin sa Libis ng Jehoshafat.[a]
Doon ko sila hahatulan
    ayon sa ginawa nila sa aking bayan.
Pinangalat nila sa iba't ibang bansa ang mga Israelita
    at pinaghati-hatian ang aking lupain.
Nagpalabunutan sila upang magpasya
    kung kanino mapupunta ang mga bihag.
Ipinagbili nila ang mga bata bilang mga alipin
    upang ang pinagbilhan ay ibili naman ng alak at ibayad sa mga babaing parausan.

“Ano(A) (B) ang ginagawa ninyo sa akin, kayong mga taga-Tiro, Sidon at Filistia? Sinusuhulan ba ninyo ako bilang kapalit ng isang bagay? Kung gayon, mabilis ko kayong gagantihan!

Read full chapter

Footnotes

  1. Joel 3:2 LIBIS NG JEHOSHAFAT: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng mga salitang ito'y “Kapatagan ng Paghahatol ni Yahweh”.