Font Size
Joel 3:18-21
Magandang Balita Biblia
Joel 3:18-21
Magandang Balita Biblia
18 Sa panahong iyon, mapupuno ng ubasan ang mga kabundukan;
bakahan ang makikita sa bawat burol,
at sasagana sa tubig ang buong Juda!
Dadaloy mula sa Templo ni Yahweh ang isang batis,
na didilig sa Libis ng Sitim.
19 “Magiging disyerto ang Egipto,
at magiging tigang ang lupain ng Edom,
sapagkat sinalakay nila ang lupain ng Juda
at pinatay ang mga mamamayang walang kasalanan.
20-21 Ipaghihiganti ko[a] ang lahat ng nasawi;
paparusahan ko ang sinumang nagkasala.
Ang Juda at ang Jerusalem ay pananahanan magpakailanman,
at ako ay mananatili sa Bundok ng Zion.”
Footnotes
- Joel 3:20 Ipaghihiganti ko: Sa ibang manuskrito'y Ipahahayag kong walang sala .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.