Font Size
Joel 3:1-2
Magandang Balita Biblia
Joel 3:1-2
Magandang Balita Biblia
Hahatulan ni Yahweh ang mga Bansa
3 Sinabi ni Yahweh,
“Pagsapit ng araw na iyon,
pasasaganain kong muli ang Juda at ang Jerusalem.
2 Titipunin ko ang lahat ng bansa
at dadalhin sa Libis ng Jehoshafat.[a]
Doon ko sila hahatulan
ayon sa ginawa nila sa aking bayan.
Pinangalat nila sa iba't ibang bansa ang mga Israelita
at pinaghati-hatian ang aking lupain.
Footnotes
- Joel 3:2 LIBIS NG JEHOSHAFAT: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng mga salitang ito'y “Kapatagan ng Paghahatol ni Yahweh”.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.