Joel 2
Ang Biblia (1978)
Ang kabagsikan ng pagdalaw.
2 (A)Hipan ninyo ang pakakak (B)sa Sion, at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain: sapagka't (C)ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, sapagka't malapit na;
2 Araw ng kadiliman (D)at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya (E)ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi.
3 Isang apoy ang sumusupok sa harap nila; at sa likuran nila'y isang liyab ang sumusunog: ang lupain ay parang (F)halamanan sa Eden sa harap nila, at sa likuran nila'y isang sirang ilang; oo, at walang nakatanan sa kanila.
4 Ang anyo nila ay (G)parang anyo ng mga kabayo; at kung paano ang mga mangangabayo, gayon sila nagsisitakbo.
5 Parang ingay ng mga karo sa mga taluktok ng mga bundok nagsisilukso sila, parang hugong ng liyab ng apoy na sumusupok sa dayami, parang isang matibay na bayan na humahanay sa pagbabaka.
6 Sa kanilang harapan ay nangahihirapan ang mga bayan; lahat ng mukha ay (H)nangamumutla.
7 Sila'y nagsisitakbong parang mga malakas na lalake; sila'y nagsisipagalambitin sa kuta na parang mga lalaking mangdidigma; at sila'y nagsisilakad bawa't isa ng kanikaniyang mga lakad, at hindi nila binabago ang kanilang mga hanay.
8 Ni nagtutulakan mang isa'y isa; sila'y lumalakad bawa't isa sa kanikaniyang landas; at sila'y magsisisagupa sa mga almas, at hindi sila malalansag.
9 Kanilang nilulukso ang bayan; kanilang tinatakbo ang kuta; kanilang pinagaalambitinan ang mga bahay; sila'y nagsisipasok sa mga dungawan na parang magnanakaw.
10 Ang lupa ay nayayanig (I)sa harap nila; ang langit ay nanginginig; (J)ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap:
11 At pinatutunog ng Panginoon ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo; sapagka't ang kaniyang kampamento ay totoong malaki; sapagka't malakas na nagsasagawa ng kaniyang salita; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot; at (K)sinong makatatahan?
Ang tawag sa pagaayuno at pananalangin.
12 Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, (L)magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na (M)may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan:
13 At (N)papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; (O)sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan.
14 Sinong nakakaalam kung siya'y hindi magbabalik-loob, (P)at magsisisi, at magiiwan ng isang (Q)pagpapala sa likuran niya, (R)ng handog na harina, at ng inuming handog sa Panginoon ninyong Dios?
15 (S)Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: (T)magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan;
16 Tipunin ninyo ang bayan, (U)banalin ang kapisanan, pisanin ang mga matanda, tipunin ang mga bata, at yaong mga pasusuhin; (V)lumabas ang bagong kasal na lalake sa kaniyang silid, at ang bagong kasal na babae sa kaniyang silid.
17 Manangis ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, (W)sa pagitan ng portiko at ng dambana, at kanilang sabihin, Maawa ka sa iyong bayan, Oh Panginoon, at huwag mong ibigay ang iyong bayan sa kakutyaan, na ang mga bansa baga'y magpuno sa kanila: (X)bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan, Saan nandoon ang kanilang Dios?
Ang Panginoon ay nagpakita ng habag at pagtulong.
18 Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain, at nahabag sa kaniyang bayan.
19 At ang Panginoon ay sumagot, at nagsabi sa kaniyang bayan, Narito, ako'y magdadala sa inyo ng trigo, at (Y)alak, at langis, at inyong kabubusugan; at hindi ko na gagawin pa kayo na kakutyaan sa gitna ng mga bansa;
20 Kundi aking ihihiwalay na malayo sa inyo (Z)ang hukbo sa hilagaan, at aking itataboy siya sa isang lupaing basal at sira, ang kaniyang unaha'y (AA)sa dagat silanganan, (AB)at ang kaniyang pinakahuling bahagi ay sa dagat kanluran; at ang kaniyang baho ay aalingasaw, at ang masamang amoy ay iilanglang, sapagka't siya'y gumawa ng mga malaking bagay.
21 Huwag kang matakot, Oh lupain, ikaw ay matuwa at magalak; sapagka't ang Panginoon ay gumawa ng dakilang mga bagay.
22 Huwag kayong mangatakot, kayong mga hayop sa parang; sapagka't (AC)ang mga pastulan sa ilang ay lumalago, sapagka't ang punong kahoy ay nagbubunga, ang puno ng higos at ang puno ng ubas ay nagbubunga.
23 Kayo nga'y mangatuwa, kayong mga anak ng Sion, at mangagalak sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat, (AD)at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo, ang maagang ulan at ang huling ulan, sa unang buwan.
24 At ang mga lapag ay mangapupuno ng trigo, at (AE)ang mga kamalig ay aapawan ng alak at langis.
25 At aking isasauli sa inyo ang mga taon (AF)na kinain ng balang, ng uod, at ng kuliglig, at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo sa gitna ninyo.
26 At kayo'y magsisikaing sagana, at mangabubusog, at inyong pupurihin ang pangalan ng Panginoon ninyong Dios, na gumawa ng kababalaghan sa inyo; at (AG)ang aking bayan ay hindi mapapahiya kailan man.
27 At inyong malalaman na ako'y (AH)nasa (AI)gitna ng Israel, at ako ang Panginoon ninyong Dios, at wala nang iba; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man.
Ipinangako ang pagbubuhos ng Espiritu ng Panginoon.
28 At mangyayari pagkatapos, na (AJ)ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at (AK)ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain:
29 At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu.
30 At (AL)ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok.
31 (AM)Ang araw ay magiging kadiliman, (AN)at ang buwan ay dugo, bago (AO)dumating ang (AP)dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
32 At mangyayari na ang (AQ)sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagka't (AR)sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng sinabi ng Panginoon, at sa (AS)nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon.
Joel 2
Ang Biblia, 2001
Babala ng Araw ng Panginoon
2 Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion,
patunugin ninyo ang hudyat sa aking banal na bundok!
Manginig ang lahat ng naninirahan sa lupain,
sapagkat ang araw ng Panginoon ay dumarating, ito'y malapit na;
2 isang araw ng kadiliman at pagkulimlim,
araw ng mga ulap at makapal na dilim!
Gaya ng bukang-liwayway na kumakalat sa mga bundok,
isang dakila at makapangyarihang hukbo ang dumarating;
hindi nagkaroon kailanman ng gaya nila,
ni magkakaroon pa man pagkatapos nila,
hanggang sa mga taon ng maraming salinlahi.
3 Isang apoy ang tumutupok sa harapan nila;
at sa likuran nila'y isang nagliliyab na apoy.
Ang lupain ay parang halamanan ng Eden sa harapan nila,
ngunit sa likuran nila'y isang sirang ilang;
at walang nakatakas sa kanila.
4 Ang(A) anyo nila ay parang anyo ng mga kabayo;
at sila'y tumatakbong gaya ng mga kabayong pandigma.
5 Gaya ng rumaragasang karwahe
ay lumulukso sila sa tuktok ng mga bundok,
gaya ng hugong ng liyab ng apoy
na tumutupok sa dayami,
gaya ng isang makapangyarihang hukbo na nakahanda sa labanan.
6 Sa kanilang harapan ay nagdadalamhati ang mga tao,
lahat ng mukha ay namumutla.
7 Sila'y sumasalakay na gaya ng mga mandirigma,
kanilang iniakyat ang pader na gaya ng mga kawal.
Bawat isa'y patungo sa kanya-kanyang lakad,
at hindi sila lumilihis ng kanilang mga daan.
8 Hindi sila nagtutulakan sa isa't isa;
bawat isa'y lumalakad sa kanya-kanyang landas;
kanilang sinasagupa ang mga sandata,
at hindi sila mapahinto.
9 Kanilang nilulukso ang lunsod;
kanilang tinatakbo ang mga pader;
kanilang inaakyat ang mga bahay;
sila'y pumapasok sa mga bintana na gaya ng magnanakaw.
10 Ang(B) lupa ay nayayanig sa harap nila,
ang langit ay nanginginig.
Ang araw at ang buwan ay nagdidilim
at ang mga bituin ay nawawalan ng kanilang kaningningan.
11 Pinatutunog(C) ng Panginoon ang kanyang tinig
sa unahan ng kanyang hukbo;
sapagkat ang kanyang hukbo ay napakalaki,
siya na nagsasagawa ng kanyang salita ay makapangyarihan.
Sapagkat ang araw ng Panginoon ay dakila at kakilakilabot;
sinong makakatagal?
Isang Panawagan upang Magsisi
12 “Gayunma'y ngayon,” sabi ng Panginoon,
“manumbalik kayo sa akin nang inyong buong puso,
na may pag-aayuno, at may pagtangis, at pagdadalamhati.
13 At punitin ninyo ang inyong mga puso at hindi ang inyong mga damit.”
Manumbalik kayo sa Panginoon ninyong Diyos;
sapagkat siya'y mapagbiyaya at mahabagin,
hindi magagalitin, at sagana sa tapat na pag-ibig
at nalulungkot sa kasamaan.
14 Sinong nakakaalam kung siya'y hindi magbabalik-loob, at malulungkot,
at mag-iiwan ng isang pagpapala sa likuran niya,
ng handog na butil at handog na inumin
sa Panginoon ninyong Diyos?
15 Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion;
magtakda kayo ng isang ayuno,
tumawag kayo ng isang taimtim na pagtitipon.
16 Tipunin ninyo ang bayan.
Pakabanalin ang kapulungan;
tipunin ang matatanda,
tipunin ang mga bata,
at ang mga sanggol na pasusuhin.
Lumabas ang bagong kasal na lalaki sa kanyang silid,
at ang bagong kasal na babae sa kanyang silid.
17 Tumangis ang mga pari, ang mga lingkod ng Panginoon
sa pagitan ng portiko at ng dambana,
at kanilang sabihin, “Maawa ka sa iyong bayan, O Panginoon,
at huwag mong gawing katatawanan ang iyong mana,
na hinahamak ng mga bansa.
Bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan,
‘Nasaan ang kanilang Diyos?’”
Ibinalik ng Panginoon ang Katabaan ng Lupain
18 At ang Panginoon ay nanibugho para sa kanyang lupain,
at nahabag sa kanyang bayan.
19 At ang Panginoon ay sumagot at sinabi sa kanyang bayan,
“Narito, ako'y magpapadala sa inyo ng trigo, alak, at langis,
at kayo'y mabubusog;
at hindi ko kayo gagawing
isang kahihiyan sa gitna ng mga bansa.
20 “Aking ilalayo nang malayo sa inyo ang mula sa hilaga,
at itataboy ko siya sa tuyo at sirang lupain,
ang kanyang unaha'y sa dagat silangan,
at ang kanyang hulihan ay sa dagat kanluran;
ang kanyang baho at masamang amoy ay aalingasaw,
sapagkat siya'y gumawa ng malalaking bagay.
21 “Huwag kang matakot, O lupa,
ikaw ay matuwa at magalak;
sapagkat ang Panginoon ang gumawa ng mga dakilang bagay!
22 Huwag kayong matakot, kayong mga hayop sa parang;
sapagkat ang mga pastulan sa ilang ay sariwa;
ang punungkahoy ay nagbubunga,
ang puno ng igos at ang puno ng ubas ay saganang nagbubunga.
23 “Kayo'y matuwa, O mga anak ng Zion,
at magalak sa Panginoon ninyong Diyos;
sapagkat kanyang ibinigay ang maagang ulan para sa inyong ikawawalang-sala,
kanyang ibinuhos para sa inyo ang isang masaganang ulan,
ang maaga at ang huling ulan, gaya nang dati.
24 Ang mga giikan ay mapupuno ng trigo,
at ang mga sisidlan ay aapawan ng alak at langis.
25 “Aking isasauli sa inyo ang mga taon
na kinain ng kuyog na balang,
ng gumagapang na balang, at ng maninirang balang, at ng nagngangatngat na balang
na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo laban sa inyo.
26 “Kayo'y kakain nang sagana at mabubusog,
at inyong pupurihin ang pangalan ng Panginoon ninyong Diyos,
na gumawa ng kababalaghan sa inyo;
at ang aking bayan ay hindi na muling mapapahiya.
27 At inyong malalaman na ako'y nasa gitna ng Israel,
at ako ang Panginoon ninyong Diyos, at wala nang iba;
at ang aking bayan ay hindi na muling mapapahiya.
Ang Araw ng Panginoon
28 “At(D) mangyayari pagkatapos nito,
na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman;
at ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ay magsasalita ng propesiya,
ang inyong matatanda ay mananaginip ng mga panaginip,
ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain.
29 At maging sa mga lingkod na lalaki at babae
ay ibubuhos ko sa mga araw na iyon ang aking Espiritu.
30 “At ako'y magbibigay ng mga tanda sa langit at sa lupa, dugo, apoy, at mga haliging usok.
31 Ang(E) araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay magiging dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na araw ng Panginoon.
32 At(F) mangyayari na ang sinumang tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagkat sa bundok ng Zion at sa Jerusalem ay pupunta ang mga nakatakas, gaya ng sinabi ng Panginoon, at kabilang sa mga naligtas ay yaong mga tinatawag ng Panginoon.
Joel 2
Complete Jewish Bible
2 “Blow the shofar in Tziyon!
Sound an alarm on my holy mountain!”
Let all living in the land tremble,
for the Day of Adonai is coming! It’s upon us! —
2 a day of darkness and gloom,
a day of clouds and thick fog;
a great and mighty horde is spreading
like blackness over the mountains.
There has never been anything like it,
nor will there ever be again,
not even after the years
of many generations.
3 Ahead of them a fire devours,
behind them a flame consumes;
ahead the land is like Gan-‘Eden,
behind them a desert waste.
From them there is no escape.
4 They look like horses,
and like cavalry they charge.
5 With a rumble like that of chariots
they leap over the mountaintops,
like crackling flames devouring stubble,
like a mighty horde in battle array.
6 At their presence the peoples writhe in anguish,
every face is drained of color.
7 Like warriors they charge,
they scale the wall like soldiers.
Each one keeps to his own course,
without getting in the other’s way.
8 They don’t jostle each other,
but stay on their own paths;
they burst through defenses unharmed,
without even breaking rank.
9 They rush into the city,
they run along the wall,
they climb up into the houses,
entering like a thief through the windows.
10 At their advance the earth quakes,
and the sky shakes,
the sun and moon turn black,
and the stars stop shining.
11 Adonai shouts orders to his forces —
his army is immense, mighty,
and it does what he says.
For great is the Day of Adonai, fearsome,
terrifying! Who can endure it?
12 “Yet even now,” says Adonai,
“turn to me with all your heart,
with fasting, weeping and lamenting.”
13 Tear your heart, not your garments;
and turn to Adonai your God.
For he is merciful and compassionate,
slow to anger, rich in grace,
and willing to change his mind about disaster.
14 Who knows? He may turn, change his mind
and leave a blessing behind him,
[enough for] grain offerings and drink offerings
to present to Adonai your God.
15 “Blow the shofar in Tziyon!
Proclaim a holy fast,
call for a solemn assembly.”
16 Gather the people; consecrate the congregation;
assemble the leaders; gather the children,
even infants sucking at the breast;
let the bridegroom leave his room
and the bride the bridal chamber.
17 Let the cohanim, who serve Adonai,
stand weeping between the vestibule and the altar.
Let them say, “Spare your people, Adonai!
Don’t expose your heritage to mockery,
or make them a byward among the Goyim.
Why should the peoples say, ‘Where is their God?’”
18 Then Adonai will become jealous for his land
and have pity on his people.
19 Here is how Adonai will answer his people:
“I will send you grain, wine and olive oil,
enough to satisfy you;
and no longer will I make you
a mockery among the Goyim.
20 No, I will take the northerner away,
far away from you,
and drive him to a land
that is waste and barren;
with his vanguard toward the eastern sea
and his rearguard toward the western sea,
his stench and his rottenness will rise,
because he has done great things.”
21 Don’t fear, O soil; be glad! rejoice!
for Adonai has done great things.
22 Don’t be afraid, wild animals;
for the desert pastures are green,
the trees are putting out their fruit,
the fig tree and vine are giving full yield.
23 Be glad, people of Tziyon!
rejoice in Adonai your God!
For he is giving you
the right amount of rain in the fall,
he makes the rain come down for you,
the fall and spring rains — this is what he does first.
24 Then the floors will be full of grain
and the vats overflow with wine and olive oil.
25 “I will restore to you the years that the locusts ate,
the grasshoppers, shearer-worms and cutter-worms,
my great army that I sent against you.
26 You will eat until you are satisfied
and will praise the name of Adonai your God,
who has done with you such wonders.
Then my people will never again be shamed.
27 You will know that I am with Isra’el
and that I am Adonai your God,
and that there is no other.
Then my people will never again be shamed.
Joel 2
New International Version
An Army of Locusts
Let all who live in the land tremble,
for the day of the Lord(D) is coming.
It is close at hand(E)—
2 a day of darkness(F) and gloom,(G)
a day of clouds(H) and blackness.(I)
Like dawn spreading across the mountains
a large and mighty army(J) comes,
such as never was in ancient times(K)
nor ever will be in ages to come.
3 Before them fire(L) devours,
behind them a flame blazes.
Before them the land is like the garden of Eden,(M)
behind them, a desert waste(N)—
nothing escapes them.
4 They have the appearance of horses;(O)
they gallop along like cavalry.
5 With a noise like that of chariots(P)
they leap over the mountaintops,
like a crackling fire(Q) consuming stubble,
like a mighty army drawn up for battle.
6 At the sight of them, nations are in anguish;(R)
every face turns pale.(S)
7 They charge like warriors;(T)
they scale walls like soldiers.
They all march in line,(U)
not swerving(V) from their course.
8 They do not jostle each other;
each marches straight ahead.
They plunge through defenses
without breaking ranks.
9 They rush upon the city;
they run along the wall.
They climb into the houses;(W)
like thieves they enter through the windows.(X)
10 Before them the earth shakes,(Y)
the heavens tremble,(Z)
the sun and moon are darkened,(AA)
and the stars no longer shine.(AB)
11 The Lord(AC) thunders(AD)
at the head of his army;(AE)
his forces are beyond number,
and mighty is the army that obeys his command.
The day of the Lord is great;(AF)
it is dreadful.
Who can endure it?(AG)
Rend Your Heart
12 “Even now,” declares the Lord,
“return(AH) to me with all your heart,(AI)
with fasting and weeping and mourning.”
13 Rend your heart(AJ)
and not your garments.(AK)
Return(AL) to the Lord your God,
for he is gracious and compassionate,(AM)
slow to anger and abounding in love,(AN)
and he relents from sending calamity.(AO)
14 Who knows? He may turn(AP) and relent(AQ)
and leave behind a blessing(AR)—
grain offerings and drink offerings(AS)
for the Lord your God.
15 Blow the trumpet(AT) in Zion,(AU)
declare a holy fast,(AV)
call a sacred assembly.(AW)
16 Gather the people,
consecrate(AX) the assembly;
bring together the elders,(AY)
gather the children,
those nursing at the breast.
Let the bridegroom(AZ) leave his room
and the bride her chamber.
17 Let the priests, who minister(BA) before the Lord,
weep(BB) between the portico and the altar.(BC)
Let them say, “Spare your people, Lord.
Do not make your inheritance an object of scorn,(BD)
a byword(BE) among the nations.
Why should they say among the peoples,
‘Where is their God?(BF)’”
The Lord’s Answer
19 The Lord replied[a] to them:
“I am sending you grain, new wine(BI) and olive oil,(BJ)
enough to satisfy you fully;(BK)
never again will I make you
an object of scorn(BL) to the nations.
20 “I will drive the northern horde(BM) far from you,
pushing it into a parched and barren land;
its eastern ranks will drown in the Dead Sea
and its western ranks in the Mediterranean Sea.
And its stench(BN) will go up;
its smell will rise.”
Surely he has done great things!
21 Do not be afraid,(BO) land of Judah;
be glad and rejoice.(BP)
Surely the Lord has done great things!(BQ)
22 Do not be afraid, you wild animals,
for the pastures in the wilderness are becoming green.(BR)
The trees are bearing their fruit;
the fig tree(BS) and the vine(BT) yield their riches.(BU)
23 Be glad, people of Zion,
rejoice(BV) in the Lord your God,
for he has given you the autumn rains
because he is faithful.(BW)
He sends you abundant showers,(BX)
both autumn(BY) and spring rains,(BZ) as before.
24 The threshing floors will be filled with grain;
the vats will overflow(CA) with new wine(CB) and oil.
25 “I will repay you for the years the locusts(CC) have eaten(CD)—
the great locust and the young locust,
the other locusts and the locust swarm[b]—
my great army(CE) that I sent among you.
26 You will have plenty to eat, until you are full,(CF)
and you will praise(CG) the name of the Lord your God,
who has worked wonders(CH) for you;
never again will my people be shamed.(CI)
27 Then you will know(CJ) that I am in Israel,
that I am the Lord(CK) your God,
and that there is no other;
never again will my people be shamed.(CL)
The Day of the Lord
28 “And afterward,
I will pour out my Spirit(CM) on all people.(CN)
Your sons and daughters will prophesy,(CO)
your old men will dream dreams,(CP)
your young men will see visions.
29 Even on my servants,(CQ) both men and women,
I will pour out my Spirit in those days.(CR)
30 I will show wonders in the heavens(CS)
and on the earth,(CT)
blood and fire and billows of smoke.
31 The sun will be turned to darkness(CU)
and the moon to blood
before the coming of the great and dreadful day of the Lord.(CV)
32 And everyone who calls
on the name of the Lord(CW) will be saved;(CX)
for on Mount Zion(CY) and in Jerusalem
there will be deliverance,(CZ)
as the Lord has said,
even among the survivors(DA)
whom the Lord calls.[c](DB)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 1998 by David H. Stern. All rights reserved.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

