Add parallel Print Page Options

17 Manangis ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, (A)sa pagitan ng portiko at ng dambana, at kanilang sabihin, Maawa ka sa iyong bayan, Oh Panginoon, at huwag mong ibigay ang iyong bayan sa kakutyaan, na ang mga bansa baga'y magpuno sa kanila: (B)bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan, Saan nandoon ang kanilang Dios?

Ang Panginoon ay nagpakita ng habag at pagtulong.

18 Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain, at nahabag sa kaniyang bayan.

19 At ang Panginoon ay sumagot, at nagsabi sa kaniyang bayan, Narito, ako'y magdadala sa inyo ng trigo, at (C)alak, at langis, at inyong kabubusugan; at hindi ko na gagawin pa kayo na kakutyaan sa gitna ng mga bansa;

Read full chapter