Job 8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Nagsalita si Bildad
8 Sumagot si Bildad na taga-Shua, 2 “Hanggang kailan ka magsasalita ng ganyan? Nag-iingay ka lang at walang kabuluhan ang mga sinasabi mo. 3 Hindi maaaring pilipitin ng Makapangyarihang Dios ang katarungan o baluktutin ang katuwiran. 4 Nagkasala ang iyong mga anak laban sa Dios kaya nararapat lamang ang natanggap nilang kaparusahan. 5 Pero kung lalapit ka sa Makapangyarihang Dios, at magmamakaawa sa kanya, 6 at mamumuhay nang malinis at matuwid, kahit ngayon ay agad ka niyang tutulungan at ibabalik sa mabuting kalagayan. 7 At ang kayamanang ibibigay sa iyo ay higit pa kaysa sa kayamanan mo noon.
8 “Tanungin mo ang mga matatanda. Alamin mo kung ano ang natutunan[a] ng kanilang mga ninuno. 9 Sapagkat parang kailan lang tayo ipinanganak at kaunti lang ang ating nalalaman, at ang mga araw natin dito sa mundo ay tulad ng anino na hindi nagtatagal. 10 Pakinggan mo sila, at sasabihin nila sa iyo ang kanilang nalalaman.
11 “Hindi mabubuhay ang halamang tubig kung walang tubig. 12 Mamamatay iyon kahit na pasibol pa lang at hindi pa panahong putulin. 13 Ganyan din ang kahihinatnan ng lahat ng taong tumatalikod sa Dios. Ang kanyang pag-asa ay mawawala. 14 Ang lahat ng inaasahan at pinagtitiwalaan niya ay kasinrupok ng sapot ng gagamba. 15 Kapag sinandalan ito, agad nalalagot; dumidikit ngunit mahina ang kapit. 16 Kung titingnan parang mabuti ang kalagayan niya, parang tanim na sagana sa dilig at sikat ng araw. Yumayabong ito sa buong hardin 17 at kumakapit ang mga ugat nito sa mga bato. 18 Pero kapag nabunot na ito, hindi na pinapansin. 19 Ganyan ang wakas ng buhay niya, at may tanim na tutubong muli sa lugar na kanyang tinubuan.
20 “Ang totoo, hindi itinatakwil ng Dios ang taong matuwid at hindi niya tinutulungan ang taong masama. 21 Patatawanin ka niyang muli, at pasisigawin sa kagalakan. 22 Ipapahiya niya ang mga napopoot sa iyo at wawasakin ang kanilang sambahayan.”
Footnotes
- 8:8 natutunan: o, natuklasan; o, naranasan.
Job 8
King James Version
8 Then answered Bildad the Shuhite, and said,
2 How long wilt thou speak these things? and how long shall the words of thy mouth be like a strong wind?
3 Doth God pervert judgment? or doth the Almighty pervert justice?
4 If thy children have sinned against him, and he have cast them away for their transgression;
5 If thou wouldest seek unto God betimes, and make thy supplication to the Almighty;
6 If thou wert pure and upright; surely now he would awake for thee, and make the habitation of thy righteousness prosperous.
7 Though thy beginning was small, yet thy latter end should greatly increase.
8 For enquire, I pray thee, of the former age, and prepare thyself to the search of their fathers:
9 (For we are but of yesterday, and know nothing, because our days upon earth are a shadow:)
10 Shall not they teach thee, and tell thee, and utter words out of their heart?
11 Can the rush grow up without mire? can the flag grow without water?
12 Whilst it is yet in his greenness, and not cut down, it withereth before any other herb.
13 So are the paths of all that forget God; and the hypocrite's hope shall perish:
14 Whose hope shall be cut off, and whose trust shall be a spider's web.
15 He shall lean upon his house, but it shall not stand: he shall hold it fast, but it shall not endure.
16 He is green before the sun, and his branch shooteth forth in his garden.
17 His roots are wrapped about the heap, and seeth the place of stones.
18 If he destroy him from his place, then it shall deny him, saying, I have not seen thee.
19 Behold, this is the joy of his way, and out of the earth shall others grow.
20 Behold, God will not cast away a perfect man, neither will he help the evil doers:
21 Till he fill thy mouth with laughing, and thy lips with rejoicing.
22 They that hate thee shall be clothed with shame; and the dwelling place of the wicked shall come to nought.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.