Add parallel Print Page Options

38 Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi,

Sino ito na nagpapadilim ng payo sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman?

Bigkisan mo ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake: sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin.

Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.

Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan?

Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon;

Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan?

O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat, nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata?

Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon, at ang salimuot na kadiliman na pinakabalot niyaon,

10 At aking itinatag doon ang aking pasiya, at nilagyan ko ng mga halang at mga pinto,

11 At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas: at dito'y titigil ang iyong mga palalong alon?

12 Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan, at ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako;

13 Upang humawak sa mga wakas ng lupa, at ang masasama ay maugoy doon?

14 Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak; at lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan:

15 At sa masama ay inalis ang kanilang liwanag, at ang mataas na kamay ay mababali.

16 Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat? O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman?

17 Nangahayag ba sa iyo ang mga pintuan ng kamatayan? O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan?

18 Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa? Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat.

19 Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag, at tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon;

20 Upang iyong madala sa hangganan niyaon, at upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon?

21 Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon, at ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami?

22 Pumasok ka ba sa mga tipunan ng nieve, o nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo,

23 Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan, laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma?

24 Sa aling daan naghiwalay ang liwanag, o sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa?

25 Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig, o ng daanan ng kidlat ng kulog;

26 Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao, sa ilang na doon ay walang tao.

27 Upang busugin ang giba at sirang lupa; at upang pasibulin ang sariwang damo?

28 May ama ba ang ulan? O sinong nanganak sa mga patak ng hamog?

29 Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo? At ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino?

30 Ang mga tubig ay nakukubling gaya ng bato, at ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno.

31 Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade, o makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion?

32 Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak?

33 Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa?

34 Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap, upang takpan ka ng saganang tubig?

35 Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon, at magsabi sa iyo: Nangarito kami?

36 Sinong naglagay ng karunungan sa mga pinakaloob na bahagi? O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip?

37 Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan? O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit,

38 Pagka ang alabok ay napuputik, at ang mga bugal ay nanganinikit na maigi?

39 Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon,

40 Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga, at nagsisitahan sa guwang upang bumakay?

41 Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya, pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios, at nagsisigala sa kakulangan ng pagkain.

The Lord Answers Job

38 Then the Lord (A)answered Job out of the whirlwind and said:

“Who is this that (B)darkens counsel by words (C)without knowledge?
(D)Dress for action[a] like a man;
    I will question you, and you make it known to me.

“Where were you when I (E)laid the foundation of the earth?
    Tell me, if you have understanding.
Who determined its measurements—surely you know!
    Or who stretched the line upon it?
On what were its bases sunk,
    or who laid its cornerstone,
when the morning stars (F)sang together
    and all (G)the sons of God (H)shouted for joy?

“Or who (I)shut in the sea with doors
    when it burst out from the womb,
when I made clouds its garment
    and (J)thick darkness its swaddling band,
10 and prescribed (K)limits for it
    and set bars and doors,
11 and said, ‘Thus far shall you come, and no farther,
    and here shall your (L)proud waves be stayed’?

12 “Have you (M)commanded the morning since your days began,
    and caused the dawn to know its place,
13 that it might take hold of (N)the skirts of the earth,
    and the wicked be (O)shaken out of it?
14 It is changed like clay under the seal,
    and its features stand out like a garment.
15 From the wicked their (P)light is withheld,
    and (Q)their uplifted arm is broken.

16 “Have you (R)entered into the springs of the sea,
    or walked in the recesses of the deep?
17 Have (S)the gates of death been revealed to you,
    or have you seen the gates of (T)deep darkness?
18 Have you comprehended the expanse of the earth?
    Declare, if you know all this.

19 “Where is the way to the dwelling of light,
    and where is the place of darkness,
20 that you may take it to its territory
    and that you may discern (U)the paths to its home?
21 You know, for (V)you were born then,
    and the number of your days is great!

22 “Have you entered (W)the storehouses of the snow,
    or have you seen (X)the storehouses of the hail,
23 which I have reserved (Y)for the time of trouble,
    (Z)for the day of battle and war?
24 What is the way to the place where the light is distributed,
    or where the east wind is scattered upon the earth?

25 “Who has cleft a channel for the torrents of rain
    and (AA)a way for the thunderbolt,
26 to bring rain on (AB)a land where no man is,
    on (AC)the desert in which there is no man,
27 to satisfy the waste and desolate land,
    and to make the ground sprout with (AD)grass?

28 “Has (AE)the rain a father,
    or who has begotten the drops of dew?
29 From whose womb did (AF)the ice come forth,
    and who has given birth to (AG)the frost of heaven?
30 The waters become hard like stone,
    and the face of the deep is (AH)frozen.

31 “Can you bind the chains of (AI)the Pleiades
    or loose the cords of (AJ)Orion?
32 Can you lead forth the Mazzaroth[b] in their season,
    or can you guide (AK)the Bear with its children?
33 Do you know (AL)the ordinances of the heavens?
    Can you establish their rule on the earth?

34 “Can you lift up your voice to the clouds,
    that (AM)a flood of waters may cover you?
35 Can you send forth lightnings, that they may go
    and say to you, ‘Here we are’?
36 Who has (AN)put wisdom in (AO)the inward parts[c]
    or given understanding to the mind?[d]
37 Who can number the clouds by wisdom?
    Or who can tilt the waterskins of the heavens,
38 when the dust runs into a mass
    and (AP)the clods stick fast together?

39 “Can you hunt the prey for the lion,
    or (AQ)satisfy the appetite of the young lions,
40 when they crouch in their (AR)dens
    or lie in wait (AS)in their thicket?
41 Who provides for (AT)the raven its prey,
    when its young ones cry to God for help,
    and wander about for lack of food?

Footnotes

  1. Job 38:3 Hebrew Gird up your loins
  2. Job 38:32 Probably the name of a constellation
  3. Job 38:36 Or in the ibis
  4. Job 38:36 Or rooster