Add parallel Print Page Options

33 “Ngayon, Job, pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko sa iyo. Handang-handa na akong magsalita, at ang mga sasabihin koʼy nasa dulo na ng aking dila. Ang sasabihin koʼy mula sa tapat kong puso at tuwiran kong sasabihin ang aking nalalaman. Ang espiritu ng Makapangyarihang Dios ang gumawa sa akin at nagbigay buhay. Sagutin mo ako, kung kaya mo. Ihanda mo ang iyong katuwiran at harapin ako. Pareho lang tayo sa harapan ng Dios. Tulad mo rin akong nagmula sa lupa. Kaya huwag kang matakot sa akin at huwag mong isipin na aapihin kita.

“Narinig ko ang mga sinabi mo. Sinabi mong, ‘Wala akong kasalanan. Malinis ako at walang ginawang masama. 10 Pero naghahanap ang Dios ng dahilan para akoʼy pahirapan. Itinuturing niya akong kaaway. 11 Kinadenahan niya ang mga paa ko at binabantayan ang lahat ng kilos ko.’

12 “Pero Job, mali ka sa mga sinabi mo. Hindi baʼt ang Dios ay higit kaysa sa tao? 13 Bakit mo siya pinararatangan na hindi niya sinasagot ang daing ng tao? 14 Ang totoo, palaging[a] nagsasalita ang Dios, kaya lang hindi nakikinig ang mga tao. 15 Nagsasalita siya sa pamamagitan ng panaginip o ng pangitain habang ang taoʼy natutulog ng mahimbing sa gabi. 16 Bumubulong siya sa mga tainga nila para magbigay ng babala, at ito ang nakapagpatakot sa kanila. 17 Ginagawa niya ito para pigilan sila sa paggawa ng kasalanan at pagmamataas, 18 at para mailigtas sila sa kamatayan. 19 Kung minsan naman, itinutuwid ng Dios ang tao sa pamamagitan ng sakit tulad ng walang tigil na pananakit ng buto, 20 at nawawalan siya ng ganang kainin kahit na ang pinakamasasarap na pagkain. 21 Kaya pumapayat siya, at nagiging butoʼt balat na lamang. 22 Malapit na siyang mamatay at mapunta sa lugar ng mga patay.

23 “Pero kung may kahit isa man sa isang libong anghel na mamamagitan sa kanya at sa Dios, at sasabihing siya ay matuwid, 24 kahahabagan siya ng Dios.[b] At sasabihin ng Dios, ‘Iligtas nʼyo siya sa kamatayan. Nakatagpo ako ng pantubos sa kanya.’ 25 Muli siyang magiging malusog. Lalakas siya tulad noong kanyang kabataan. 26 At kapag nanalangin siya sa Dios, sasagutin siya ng Dios at masayang tatanggapin, ibabalik ng Dios ang matuwid niyang pamumuhay. 27 Pagkatapos, sasabihin niya sa mga tao, ‘Nagkasala ako at gumawa ng hindi tama, pero hindi ko natanggap ang parusang nararapat sa akin. 28 Iniligtas niya ako sa kamatayan at patuloy akong nabubuhay.’

29 “Oo, lagi itong ginagawa ng Dios sa tao. 30 Inililigtas niya ang tao sa kamatayan para mabuhay ito.

31 “Job, pakinggan mo akong mabuti. Tumahimik kaʼt hayaan akong magsalita. 32 Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo, dahil gusto kong malaman kung wala ka talagang kasalanan. 33 Pero kung wala ka namang sasabihin, tumahimik ka na lang at makinig sa karunungan ko.”

Footnotes

  1. 33:14 palaging: o, iba-ibang pamamaraan.
  2. 33:24 Dios: o, anghel.

33 「約伯啊,請聽我言,
請留心聽我每一句話。
我要開口發言,
我話已在舌尖。
我的話發自正直的心,
我的口如實陳明道理。
上帝的靈創造了我,
全能者的氣賦予我生命。
如果你能,就反駁我,
站出來與我辯論。
在上帝面前,我與你無異,
也是泥土造的。
所以你不用懼怕我,
我不會對你施加壓力。

「你的話已進到我耳中,
我聽見你說,
『我純全無過,
我清白無罪,
10 上帝卻挑我的錯,
與我為敵;
11 祂給我戴上腳鐐,
鑒察我的一舉一動。』

12 「我來答覆你,你的話沒有道理,
因為上帝比世人大。
13 你為何向祂抱怨,
說祂不理會世人的話?
14 上帝一再用各種方式說話,
然而世人卻不明白。
15 人躺在床上沉睡時,
在夢境和夜間的異象中,
16 上帝開啟他們的耳朵,
用警告驚嚇他們,
17 使他們離開罪惡,
不再驕傲,
18 以免他們的靈魂墜入深坑,
他們的性命被刀劍奪去。

19 「人因受罰而臥病在床,
骨頭疼痛不止,
20 以致毫無食慾,
對佳餚心生厭惡。
21 他日漸消瘦,
只剩下骨頭。
22 他的靈魂臨近深坑,
他的生命瀕臨死亡。
23 如果一千天使中有一位能做他的中保,
指示他當行的事,
24 上帝[a]就會憐憫他,說,『別讓他下墳墓,
我已得到他的贖金。』
25 那時,他的皮肉將嫩如孩童,
他將恢復青春的活力。
26 他向上帝禱告時必蒙悅納,
他歡呼著朝見上帝,
再度被祂視為義人。
27 他會當眾歌唱說,
『我犯了罪,顛倒是非,
祂卻沒有按我的罪報應我。
28 祂救贖我的靈魂,使之免下深坑,
使我的生命得見光明。』

29 「看啊,這都是上帝的作為,
祂一次次地恩待世人,
30 從深坑救回人的靈魂,
使他沐浴生命之光。
31 約伯啊,留心聽我說,
不要作聲,我要發言。
32 你若有話,就答覆我;
你只管說,我願看到你的清白。
33 否則,請聽我言;
不要作聲,我要傳授你智慧。」

Footnotes

  1. 33·24 上帝」希伯來文是「他」,也可能指天使。
'Job 33 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.