Job 20
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Nagsalita si Zofar
20 Pagkatapos, sumagot si Zofar na taga-Naama, 2 “Kailangang magsalita na ako dahil hindi ako mapakali. 3 Sinaway mo ako ng may halong pangungutya at may nag-uudyok sa isip kong ikaw ay sagutin.
4 “Tiyak na alam mo na mula pa noong unang panahon, simula nang likhain ang tao sa mundo, 5 ang ligaya ng taong masama ay sandali lang. Totoong hindi nagtatagal ang kasiyahan ng taong hindi naniniwala sa Dios. 6 Kahit na kasintaas ng langit at ulap ang tingin niya sa kanyang sarili, 7 mawawala rin siya magpakailanman katulad ng kanyang dumi. Ang mga kakilala niyaʼy magtataka kung nasaan na siya. 8 Mawawala siya na parang isang panaginip o pangitain sa gabi at hinding-hindi na matatagpuan. 9 Hindi na siya makikita ng mga nakakakilala sa kanya at mawawala siya sa dati niyang tirahan. 10 Ang mga anak niya ang magbabayad ng mga ninakaw niya sa mga dukha. 11 Malakas at bata pa siyang mamamatay at ililibing.
12 “Ang paggawa niya ng masama ay parang pagkaing matamis sa kanyang bibig 13 na nginunguyang mabuti at ninanamnam. 14 Pero pagdating sa tiyan, ito ay nagiging maasim at lalason sa kanya na parang kamandag ng ahas. 15 Isusuka niyang parang pagkain ang kayamanang ninakaw niya. Ipapasuka ito ng Dios sa kanya kahit itoʼy nasa tiyan na niya. 16 Sisipsipin niya ang kamandag ng mga ahas at ang pangil[a] ng ahas ang papatay sa kanya. 17 Hindi na niya matitikman ang saganang langis, gatas, at ang pulot na dumadaloy na parang batis o ilog. 18 Hindi siya gagantimpalaan para sa kanyang pinaghirapan o matutuwa man sa kanyang kayamanan. 19 Sapagkat inapi niya at pinabayaan ang mga dukha, at inagaw ang mga bahay na hindi sa kanya.
20 “Hindi niya mapapakinabangan ang kanyang pinaghirapan. Lahat ng magugustuhan niya ay hindi makakaligtas sa kanya. 21 Wala ng matitira sa kanya na makakain niya dahil mawawala ang kanyang kayamanan. 22 Sa kanyang kasaganaan, darating sa kanya ang kahirapan. Labis na paghihirap nga ang darating sa kanya. 23 Bubusugin siya ng Dios ng paghihirap. Patitikimin siya ng Dios ng kanyang matinding galit, at pauulanan ng parusa. 24 Maaaring makatakas siya sa sandatang bakal pero tatamaan din siya ng panang tanso. 25 Tutusok ito sa kanyang apdo at tatagos sa kanyang katawan. At makakaramdam siya ng takot. 26 Mawawala ang kanyang kayamanan sa kadiliman. Susunugin siya ng apoy na hindi tao ang nagpaningas, pati na ang lahat ng naiwan sa kanyang tirahan.[b] 27 Ihahayag ng langit ang mga kasalanan niya at sasaksi naman ang lupa laban sa kanya. 28 Tatangayin ng baha ang bahay niya sa araw na ibuhos ng Dios ang kanyang galit. 29 Iyan ang kapalaran ng taong masama ayon sa itinakda ng Dios sa kanya.”
Job 20
New International Version
Zophar
20 Then Zophar the Naamathite(A) replied:
2 “My troubled thoughts prompt me to answer
because I am greatly disturbed.(B)
3 I hear a rebuke(C) that dishonors me,
and my understanding inspires me to reply.
4 “Surely you know how it has been from of old,(D)
ever since mankind[a] was placed on the earth,
5 that the mirth of the wicked(E) is brief,
the joy of the godless(F) lasts but a moment.(G)
6 Though the pride(H) of the godless person reaches to the heavens(I)
and his head touches the clouds,(J)
7 he will perish forever,(K) like his own dung;
those who have seen him will say, ‘Where is he?’(L)
8 Like a dream(M) he flies away,(N) no more to be found,
banished(O) like a vision of the night.(P)
9 The eye that saw him will not see him again;
his place will look on him no more.(Q)
10 His children(R) must make amends to the poor;
his own hands must give back his wealth.(S)
11 The youthful vigor(T) that fills his bones(U)
will lie with him in the dust.(V)
12 “Though evil(W) is sweet in his mouth
and he hides it under his tongue,(X)
13 though he cannot bear to let it go
and lets it linger in his mouth,(Y)
14 yet his food will turn sour in his stomach;(Z)
it will become the venom of serpents(AA) within him.
15 He will spit out the riches(AB) he swallowed;
God will make his stomach vomit(AC) them up.
16 He will suck the poison(AD) of serpents;
the fangs of an adder will kill him.(AE)
17 He will not enjoy the streams,
the rivers(AF) flowing with honey(AG) and cream.(AH)
18 What he toiled for he must give back uneaten;(AI)
he will not enjoy the profit from his trading.(AJ)
19 For he has oppressed the poor(AK) and left them destitute;(AL)
he has seized houses(AM) he did not build.
20 “Surely he will have no respite from his craving;(AN)
he cannot save himself by his treasure.(AO)
21 Nothing is left for him to devour;
his prosperity will not endure.(AP)
22 In the midst of his plenty, distress will overtake him;(AQ)
the full force of misery will come upon him.(AR)
23 When he has filled his belly,(AS)
God will vent his burning anger(AT) against him
and rain down his blows on him.(AU)
24 Though he flees(AV) from an iron weapon,
a bronze-tipped arrow pierces him.(AW)
25 He pulls it out of his back,
the gleaming point out of his liver.
Terrors(AX) will come over him;(AY)
26 total darkness(AZ) lies in wait for his treasures.
A fire(BA) unfanned will consume him(BB)
and devour what is left in his tent.(BC)
27 The heavens will expose his guilt;
the earth will rise up against him.(BD)
28 A flood will carry off his house,(BE)
rushing waters[b] on the day of God’s wrath.(BF)
29 Such is the fate God allots the wicked,
the heritage appointed for them by God.”(BG)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

