Add parallel Print Page Options

Sinabi ni Sophar na ang makasalanan kahit anong yaman, ay kailangan na dumanas ng kaparusahan.

20 Nang magkagayo'y sumagot si (A)Zophar na Naamathita, at nagsabi,

Kaya't nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip,
Dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko.
Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan,
At ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin.
Hindi mo ba nalalaman ito ng una,
Mula nang ang tao'y malagay sa lupa,
(B)Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli,
At ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang?
(C)Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit,
At ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap;
Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi:
Silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya?
Siya'y mawawala na (D)gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan.
Oo, siya'y mawawala na parang pangitain sa gabi.
Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa;
Ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook.
10 Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha,
At ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan.
11 Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan,
(E)Nguni't hihiga na kasama niya sa alabok.
12 Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig,
Bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila;
13 Bagaman kaniyang patawarin,
at hindi niya ito babayaan,
Kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig;
14 Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan,
Siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya.
15 Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli:
Mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan.
16 Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas;
Papatayin siya ng (F)dila ng ulupong.
17 Hindi niya matitingnan ang mga ilog,
Ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya.
18 Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan, at hindi lalamunin;
Ayon sa pagaari na kaniyang tinangkilik, hindi siya magagalak.
19 Sapagka't kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha;
Kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay; at hindi niya itatayo.
20 Sapagka't hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya,
Hindi siya makapagliligtas ng anoman (G)sa kaniyang kinaluluguran.
21 Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal;
Kaya't ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili.
22 Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya;
Ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya.
23 Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan,
Ihuhulog ng Dios ang kaniyang (H)mabangis na poot sa kaniya.
At ibubugso sa kaniya samantalang siya'y kumakain.
24 (I)Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal,
At ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya.
25 Binubunot niya ang pana, at lumalabas sa kaniyang katawan:
Oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo;
Mga kakilabutan ang (J)sumasa kaniya.
26 Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya;
(K)Isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya:
Susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda.
27 Ihahayag (L)ng mga langit ang kaniyang kasamaan,
At ang lupa ay babangon laban sa kaniya.
28 Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon,
Ang kaniyang mga pagaari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan.
29 Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios,
At ang manang takda sa kaniya ng Dios.

'Job 20 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

20 Nang magkagayo'y sumagot si Zophar na Naamathita, at nagsabi,

Kaya't nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip, dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko.

Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan, at ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin.

Hindi mo ba nalalaman ito ng una, mula nang ang tao'y malagay sa lupa,

Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli, at ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang?

Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit, at ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap;

Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi: silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya?

Siya'y mawawala na gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan. Oo, siya'y mawawala na parang pangitain sa gabi.

Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa; ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook.

10 Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha, at ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan.

11 Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan, nguni't hihiga na kasama niya sa alabok.

12 Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig, bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila;

13 Bagaman kaniyang patawarin, at hindi niya ito babayaan, kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig;

14 Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan, siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya.

15 Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli: mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan.

16 Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas; papatayin siya ng dila ng ulupong.

17 Hindi niya matitingnan ang mga ilog, ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya.

18 Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan, at hindi lalamunin; ayon sa pag-aari na kaniyang tinangkilik, hindi siya magagalak.

19 Sapagka't kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha; kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay; at hindi niya itatayo.

20 Sapagka't hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya, hindi siya makapagliligtas ng anoman sa kaniyang kinaluluguran.

21 Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal; kaya't ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili.

22 Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya; ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya.

23 Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan, ihuhulog ng Dios ang kaniyang mabangis na poot sa kaniya. At ibubugso sa kaniya samantalang siya'y kumakain.

24 Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal, at ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya.

25 Binubunot niya ang pana, at lumalabas sa kaniyang katawan: Oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo; mga kakilabutan ang sumasa kaniya.

26 Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya; isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya: susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda.

27 Ihahayag ng mga langit ang kaniyang kasamaan, at ang lupa ay babangon laban sa kaniya.

28 Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon, ang kaniyang mga pag-aari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan.

29 Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios, at ang manang takda sa kaniya ng Dios.

Inilarawan ni Zofar ang Bahagi ng Masama

20 Nang magkagayo'y sumagot si Zofar na Naamatita, at sinabi,

“Kaya't sinasagot ako ng aking mga pag-iisip,
    dahil sa pagmamadali na taglay ko.
Aking naririnig ang saway na humihiya sa akin,
    at mula sa espiritu ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin.
Hindi mo ba nalalaman ito nang una,
    mula nang ang tao'y ilagay sa lupa,
na ang pagbubunyi ng masama ay maikli,
    at ang kagalakan ng masasama ay sandali lamang?
Bagaman ang kanyang kataasan ay pumapailanglang hanggang sa langit,
    at ang kanyang ulo ay umaabot hanggang sa mga ulap;
gayunman ay matutunaw siya magpakailanman, na gaya ng kanyang sariling dumi;
    silang nakakita sa kanya ay magsasabi, ‘Nasaan siya?’
Siya'y lilipad na papalayong gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan.
    Siya'y hahabulin na parang pangitain sa gabi.
Ang mata na nakakita sa kanya ay hindi na siya makikita pa;
    ni mamamalas pa man siya sa kanyang lugar.
10 Hahanapin ng kanyang mga anak ang lingap ng dukha,
    at ang kanyang mga kamay ay magsasauli ng kanyang kayamanan.
11 Ang kanyang mga buto ay punô ng lakas ng kabataan,
    ngunit ito'y hihiga na kasama niya sa alabok.

12 “Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kanyang bibig,
    bagaman kanyang itago sa ilalim ng kanyang dila;
13 bagaman ayaw niyang pakawalan,
    kundi iniingatan pa sa kanyang bibig;
14 gayunma'y ang kanyang pagkain ay nabago na sa kanyang tiyan,
    siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya.
15 Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kanyang isinusuka uli;
    aalisin ng Diyos ang mga iyon sa kanyang tiyan.
16 Kanyang sisipsipin ang kamandag ng mga ahas;
    papatayin siya ng dila ng ulupong.
17 Hindi niya titingnan ang mga ilog,
    ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya.
18 Kanyang isasauli ang bunga na kanyang pinagpagalan,
    at hindi niya lulunukin,
mula sa pakinabang ng kanyang pangangalakal,
    hindi siya magtatamo ng kasiyahan.
19 Sapagkat kanyang dinurog at pinabayaan ang dukha;
    kanyang kinamkam ang isang bahay na hindi niya itinayo.

20 “Sapagkat hindi nakakilala ng katahimikan ang kanyang kasakiman,
    hindi siya makapag-iimpok ng anuman sa kanyang kinaluluguran.
21 Walang naiwan pagkatapos niyang kumain;
    kaya't ang kanyang kasaganaan ay hindi mananatili.
22 Sa lubos niyang kasaganaan ay mapipighati sila,
    lahat ng lakas ng kahirapan ay darating sa kanya.
23 Upang ganap na mapuno ang kanyang tiyan,
    ihuhulog ng Diyos ang kanyang mabangis na poot sa kanya,
    at pauulanin sa kanya bilang pagkain niya.
24 Kanyang tatakasan ang bakal na sandata,
    isang panang tanso ang tatama sa kanya.
25 Ito ay binunot, at lumabas sa kanyang katawan,
    oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa apdo niya;
    ang panghihilakbot ang dumating sa kanya.
26 Lubos na kadiliman ang nakahanda para sa kanyang kayamanan;
    ang tutupok sa kanya ay apoy na hindi hinipan,
    tutupukin niyon ang sa kanyang tolda ay naiwan.
27 Ihahayag ng mga langit ang kanyang kasamaan,
    at ang lupa ay babangon na sa kanya ay laban.
28 Ang bunga ng kanyang bahay ay kukunin,
    sa araw ng poot ng Diyos ay kakaladkarin.
29 Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Diyos,
    at ang manang itinakda sa kanya ng Diyos.”