Job 10
Magandang Balita Biblia
Idinaing ni Job ang Kanyang Kalagayan
10 “Ako'y nagsasawa na sa buhay kong ito,
sasabihin ko nang lahat, mapapait kong reklamo.
2 Aking Diyos, huwag n'yo muna akong hatulan,
sabihin ninyo sa akin ang inyong paratang.
3 Tama ba namang iyong pagmalupitan,
parusahan at itakwil ang likha ng iyong kamay?
At ang gawain ba ng masamang tao ang iyong magugustuhan?
4 Ang iyo bang nakikita'y tulad din ng nakikita namin?
5 Ang iyo bang buhay ay maikling tulad ng sa amin?
6 Kung gayo'y bakit mo ako hinahanapan
ng pagkakasala at kamalian?
7 Alam(A) mo namang wala akong kasalanan,
at walang makakapagligtas sa akin mula sa iyong mga kamay.
8 “Ang mga kamay mo ang sa aki'y lumikha,
ngayo'y kamay mo rin ang sa aki'y sumisira.
9 Di ba't mula sa lupa ay ginawa mo ako,
ngayon ba'y pupulbusin at ibabalik dito?
10 Niloob(B) mong ako'y manggaling sa aking ama,
inaruga, pinalaki sa tiyan ng aking ina.
11 Nilagyan mo ng buto at litid ang aking katawan,
saka binalutan ng balat at kalamnan.
12 Ako'y binigyan mo ng buhay at wagas na pagmamahal,
at ang pagkalinga mo ang sa aki'y bumuhay.
13 Ngunit ngayo'y alam ko na, ang iyong balak,
matagal nang panahong gusto akong ipahamak.
14 Kapag ako'y nagkasala, ito'y iyong tinatandaan,
upang ipagkait mo sa akin ang kapatawaran.
15 Kapag ako'y nagkasala, may katapat itong parusa,
kapag gumawa ako ng mabuti, wala namang gantimpala.
Punung-puno ng kahihiyan, itong aking abang buhay.
16 Kung ako'y magtagumpay,
parang leon mong tutugisin,
gumagamit ka pa ng himala upang ako'y kalabanin.
17 Palagi kang may testigo laban sa akin,
ang galit mo sa aki'y tumitindi bawat oras,
palagi kang may naiisip na panibagong bitag.
18 “Bakit mo hinayaang ako ay isilang pa?
Namatay na sana ako bago pa mayroong sa aki'y nakakita.
19 Bago ako isinilang ako sana'y namatay na,
sa libingan sana nagtuloy mula sa tiyan ng aking ina.
20 Maikli na ang aking buhay kaya't ako'y tigilan mo na
upang sa aking natitirang araw makadama ng kaunting ginhawa.
21 Ako'y malapit nang pumanaw, at hindi na magbabalik;
ang pupuntahan ko'y madilim at mapanglaw na daigdig.
22 Isang lupain ng anino at kaguluhan,
na ang pinakailaw ay ang kadiliman.”
Job 10
Ang Biblia (1978)
Siya ay tumututol sa kalabisang parusa ng Panginoon.
10 Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay;
(A)Aking palalayain ang aking daing;
(B)Ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa.
2 Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan;
Ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin.
3 (C)Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati,
Na iyong (D)itakuwil ang (E)gawa ng iyong mga kaaway,
At iyong pasilangin ang payo ng masama?
4 (F)Ikaw ba'y may mga matang laman,
O (G)nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao?
5 Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao,
O ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao,
6 Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan,
At magusisa ng aking kasalanan,
7 Bagaman iyong nalalaman na ako'y hindi masama;
At walang makapagliligtas sa iyong kamay?
8 (H)Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin
(I)Sa buong palibot; gayon ma'y pinahihirapan mo ako.
9 Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, na ako'y iyong binigyang anyo na (J)gaya ng putik;
At iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok?
10 Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas,
At binuo mo akong parang keso?
11 Ako'y binihisan mo ng balat at laman,
At sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid.
12 Ako'y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob,
At pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw.
13 Gayon ma'y ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso;
Talastas ko na (K)ito'y sa iyo:
14 Kung ako'y magkasala, (L)iyo nga akong tinatandaan,
At hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan.
15 Kung ako'y maging masama, sa aba ko;
At kung ako'y maging matuwid, hindi ko man (M)itataas ang aking ulo;
Yamang puspos ng kakutyaan,
At ng pagmamasid niring kadalamhatian.
16 At kung ang aking ulo ay mataas, iyong hinuhuli akong parang (N)leon:
At napakikita ka uling kagilagilalas sa akin.
17 Iyong binabago ang iyong mga pagsaksi laban sa akin,
At dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin;
(O)Paninibago at pakikipagbaka ang sumasaakin.
18 (P)Bakit mo nga ako inilabas mula sa bahay-bata?
Napatid sana ang aking hininga, at wala nang matang nakakita pa sa akin.
19 Ako sana'y naging parang hindi nabuhay;
Nadala sana ako mula sa bahay-bata hanggang sa libingan,
20 (Q)Hindi ba kaunti ang aking mga araw? paglikatin mo nga,
At ako'y iyong bayaan, upang ako'y (R)maginhawahan ng kaunti,
21 (S)Bago ako manaw doon na hindi ako babalik,
(T)Sa lupain ng kadiliman at (U)ng lilim ng kamatayan;
22 Ang lupain na dilim, na gaya ng salimuot na kadiliman;
Lupain ng lilim ng kamatayan, na walang anomang ayos,
At doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman.
Job 10
Ang Biblia, 2001
Siya ay Tumututol sa Kalabisang Parusa ng Panginoon
10 “Kinasusuklaman ko ang aking buhay;
malaya kong bibigkasin ang aking karaingan;
ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa.
2 Sasabihin ko sa Diyos, Huwag mo akong hatulan;
ipaalam mo sa akin kung bakit mo ako kinakalaban.
3 Mabuti ba sa iyo na ikaw ay magpahirap,
na iyong hamakin ang gawa ng iyong mga kamay
at iyong sang-ayunan ang mga pakana ng masama?
4 Ikaw ba'y may mga matang laman?
Ikaw ba'y nakakakita tulad ng pagkakita ng tao?
5 Ang iyo bang mga araw ay gaya ng mga araw ng tao,
o ang iyong mga taon ay gaya ng mga taon ng tao,
6 upang ikaw ay maghanap ng kasamaan ko,
at mag-usisa ng kasalanan ko,
7 bagaman iyong nalalaman na ako'y hindi nagkasala,
at walang makapagliligtas mula sa iyong kamay?
8 Ang iyong mga kamay ang humugis at gumawa sa akin,
at ngayo'y pumipihit ka at pinupuksa ako.
9 Iyong alalahanin, na ako'y ginawa mo mula sa luwad,
at ibabalik mo ba akong muli sa alabok?
10 Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas,
at binuo mo akong parang keso?
11 Ako'y dinamitan mo ng balat at laman,
at ako'y hinabi mo ng mga buto at mga litid.
12 Ako'y pinagkalooban mo ng buhay at tapat na pag-ibig,
at ang iyong kalinga ang nag-ingat ng aking espiritu.
13 Gayunma'y ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso;
alam ko na ito ang layunin mo.
14 Kung ako'y magkasala, ako nga'y iyong tinatandaan,
at hindi mo ako pinawawalang-sala sa aking kasamaan.
15 Kung ako'y masama, kahabag-habag ako!
Kung ako'y matuwid, hindi ko maitaas ang aking ulo;
sapagkat ako'y puspos ng kahihiyan,
at tingnan mo ang aking kahirapan.
16 At kung itaas ko ang aking sarili, tinutugis mo akong parang leon;
at ipinapakita mong muli ang iyong kapangyarihan sa akin.
17 Pinanunumbalik mo ang iyong mga pagsaksi laban sa akin,
at dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin;
nagdadala ka ng mga bagong hukbo laban sa akin.
18 “Bakit mo pa ako inilabas sa sinapupunan?
Namatay na sana ako bago pa ako nakita ng alinmang mata.
19 Ako sana'y naging parang hindi nabuhay;
nadala sana ako mula sa sinapupunan hanggang sa libingan.
20 Hindi ba iilan ang mga araw ng aking buhay? Tapusin mo na nga!
Bayaan mo na ako, upang ako'y makatagpo ng kaunting kaginhawahan,
21 bago ako magtungo na mula roo'y hindi ako makakabalik,
sa lupain ng kapanglawan at ng pusikit na kadiliman,
22 sa lupain ng kapanglawan gaya ng kadiliman ng malalim na anino na walang kaayusan,
na doon ay nagliliwanag na gaya ng kadiliman.”
Job 10
Ang Dating Biblia (1905)
10 Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay; aking palalayain ang aking daing; ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa.
2 Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan; ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin.
3 Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati, na iyong itakuwil ang gawa ng iyong mga kaaway, at iyong pasilangin ang payo ng masama?
4 Ikaw ba'y may mga matang laman, o nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao?
5 Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao, o ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao,
6 Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan, at magusisa ng aking kasalanan,
7 Bagaman iyong nalalaman na ako'y hindi masama; at walang makapagliligtas sa iyong kamay?
8 Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin sa buong palibot; gayon ma'y pinahihirapan mo ako.
9 Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, na ako'y iyong binigyang anyo na gaya ng putik; at iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok?
10 Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas, at binuo mo akong parang keso?
11 Ako'y binihisan mo ng balat at laman, at sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid.
12 Ako'y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob, at pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw.
13 Gayon ma'y ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso; talastas ko na ito'y sa iyo:
14 Kung ako'y magkasala, iyo nga akong tinatandaan, at hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan.
15 Kung ako'y maging masama, sa aba ko; at kung ako'y maging matuwid, hindi ko man itataas ang aking ulo; yamang puspos ng kakutyaan, at ng pagmamasid niring kadalamhatian.
16 At kung ang aking ulo ay mataas, iyong hinuhuli akong parang leon: at napakikita ka uling kagilagilalas sa akin.
17 Iyong binabago ang iyong mga pagsaksi laban sa akin, at dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin; paninibago at pakikipagbaka ang sumasaakin.
18 Bakit mo nga ako inilabas mula sa bahay-bata? Napatid sana ang aking hininga, at wala nang matang nakakita pa sa akin.
19 Ako sana'y naging parang hindi nabuhay; nadala sana ako mula sa bahay-bata hanggang sa libingan,
20 Hindi ba kaunti ang aking mga araw? paglikatin mo nga, at ako'y iyong bayaan, upang ako'y maginhawahan ng kaunti,
21 Bago ako manaw doon na hindi ako babalik, sa lupain ng kadiliman at ng lilim ng kamatayan;
22 Ang lupain na dilim, na gaya ng salimuot na kadiliman; lupain ng lilim ng kamatayan, na walang anomang ayos, at doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978