Add parallel Print Page Options

Magsipagtuli kayo para sa Panginoon, (A)at inyong alisin ang mga kasamaan ng inyong puso, ninyong mga tao ng Juda at mga nananahan sa Jerusalem; baka ang aking kapootan ay sumigalbo na parang apoy, at magningas na walang makapatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.

Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin, Inyong hipan ang pakakak sa lupain: magsihiyaw kayo ng malakas, at inyong sabihin, (B)Magpisan kayo, at tayo'y magsipasok sa (C)mga bayang nakukutaan.

Kayo'y mangagtaas ng watawat sa dako ng Sion: kayo'y magsitakas sa ikatitiwasay, huwag kayong magsitigil: (D)sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan mula sa hilagaan, at ng malaking paglipol.

Read full chapter