Font Size
Jeremias 4:3-5
Ang Biblia (1978)
Jeremias 4:3-5
Ang Biblia (1978)
Ang Juda ay nanganganib na salakayin.
3 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, sa mga tao ng Juda at ng Jerusalem, (A)Inyong bungkalin ang inyong binabayaang bukiran, at huwag kayong (B)maghasik sa gitna ng mga tinik.
4 Magsipagtuli kayo para sa Panginoon, (C)at inyong alisin ang mga kasamaan ng inyong puso, ninyong mga tao ng Juda at mga nananahan sa Jerusalem; baka ang aking kapootan ay sumigalbo na parang apoy, at magningas na walang makapatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.
5 Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin, Inyong hipan ang pakakak sa lupain: magsihiyaw kayo ng malakas, at inyong sabihin, (D)Magpisan kayo, at tayo'y magsipasok sa (E)mga bayang nakukutaan.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978