Add parallel Print Page Options

21 Pero ngayon, pabayaan po ninyong mamatay ang mga anak nila sa gutom at digmaan. Pabayaan nʼyong mabiyuda ang mga babae at mawala ang mga anak nila. Pabayaan nʼyo pong mamatay ang kanilang mga lalaki sa sakit at ang mga kabataang lalaki sa digmaan. 22 Hayaan nʼyo silang mapasigaw sa takot kapag ipinasalakay nʼyo sa mga kaaway ang mga bahay nila. Sapagkat naghanda po sila ng hukay para mahulog ako roon, at naglagay sila ng bitag para mahuli ako. 23 Pero alam nʼyo po Panginoon ang lahat ng plano nilang pagpatay sa akin. Kaya huwag nʼyo silang patawarin sa mga kasalanan at kasamaan nila. Hayaan nʼyo silang matalo ng kanilang mga kaaway habang nakatingin kayo. Iparanas nʼyo sa kanila ang inyong galit.”

Read full chapter