Add parallel Print Page Options

16 Kaya magiging malungkot ang lupain nila at hahamakin magpakailanman. Ang lahat ng dumadaan ay mapapailing at mangingilabot. 17 Pangangalatin ko sila sa harap ng mga kaaway nila na parang alikabok na tinatangay ng hangin mula sa silangan. Tatalikuran ko sila at hindi ko sila tutulungan sa araw na lilipulin na sila.”

18 Pagkatapos, sinabi ng mga tao, “Halikayo, gumawa tayo ng paraan para mapatigil natin si Jeremias! May mga pari rin tayong magtuturo sa atin ng kautusan, at may mga pantas din tayong magpapayo sa atin, at mga propetang magpapahayag sa atin ng mensahe ng Dios. Kaya gumawa tayo ng mga kwento laban sa kanya at huwag na nating pakinggan ang mga sinasabi niya.”

Read full chapter