Add parallel Print Page Options

34 At(A) sasalantain ko ang buong lupain hanggang ito'y maging isang disyerto. Hindi na maririnig sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem ang mga himig ng kagalakan at katuwaan. Hindi na mapapakinggan ang masasayang tinig ng mga ikakasal.

Read full chapter
'Jeremias 7:34' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ako(A) si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel. Pakinggan mo ang aking sasabihin: Sasalantain ko ang lugar na ito. Hindi na maririnig pa ang mga himig ng kagalakan at katuwaan. Hindi na maririnig ang masasayang tinig ng mga ikakasal. Ang kaganapan ng mga bagay na ito'y masasaksihan ng mga narito.

Read full chapter
'Jeremias 16:9' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

22 Hindi(A)(B) na maririnig sa kanya ang tinig ng mga mang-aawit at ang himig ng mga tugtugan ng alpa, plauta at trumpeta! Wala nang makikita sa kanyang mga manggagawa at hindi na maririnig ang ingay ng mga gilingan! 23 Wala nang kahit isang ilaw na magliliwanag sa kanya. Hindi na maririnig ang masasayang tinig ng mga ikinakasal. Sapagkat naging makapangyarihan sa buong daigdig ang kanyang mangangalakal at dinaya niya ang lahat ng bansa sa pamamagitan ng pangkukulam.”

Read full chapter

22 at (A) (B) ang himig ng mga manunugtog ng alpa at ng mga musikero at ng mga manunugtog ng plauta, at ng trumpeta
    kailanma'y hindi na maririnig mula sa iyo;
at bawat manggagawa ng anumang kalakal
    kailanma'y hindi na matatagpuan sa iyo;
ang tunog ng gilingang bato
    kailanma'y hindi na maririnig sa iyo.
23 Ang liwanag ng ilawan
    kailanma'y hindi na tatanglaw sa iyo;
at ang tinig ng lalaki at babaing ikakasal
    kailanma'y hindi na maririnig sa iyo;
sapagkat ang iyong mga mangangalakal ay dating mga kilalang tao sa daigdig,
    at sapagkat sa pangkukulam mo ay nadaya ang lahat ng mga bansa.

Read full chapter