Add parallel Print Page Options

Kung ikaw ay manunumbalik, Oh Israel, sabi ng Panginoon, kung ikaw ay manunumbalik sa akin, at kung iyong aalisin ang iyong mga kasuklamsuklam sa aking paningin; hindi ka nga makikilos;

At ikaw ay susumpa, Buhay ang Panginoon, sa katotohanan, sa kahatulan, at sa katuwiran; at ang mga bansa ay magiging mapalad sa kaniya, at sa kaniya luluwalhati sila.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, sa mga tao ng Juda at ng Jerusalem, Inyong bungkalin ang inyong binabayaang bukiran, at huwag kayong maghasik sa gitna ng mga tinik.

Magsipagtuli kayo para sa Panginoon, at inyong alisin ang mga kasamaan ng inyong puso, ninyong mga tao ng Juda at mga nananahan sa Jerusalem; baka ang aking kapootan ay sumigalbo na parang apoy, at magningas na walang makapatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.

Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin, Inyong hipan ang pakakak sa lupain: magsihiyaw kayo ng malakas, at inyong sabihin, Magpisan kayo, at tayo'y magsipasok sa mga bayang nakukutaan.

Kayo'y mangagtaas ng watawat sa dako ng Sion: kayo'y magsitakas sa ikatitiwasay, huwag kayong magsitigil: sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan mula sa hilagaan, at ng malaking paglipol.

Ang isang leon ay sumampa mula sa kaniyang kagubatan, at ang manglilipol ng mga bansa; siya'y nasa kaniyang paglalakad, siya'y lumabas mula sa kaniyang dako, upang sirain ang iyong lupain, upang ang iyong mga bayan ay mangalagay na sira na walang mananahan.

Dahil dito ay mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, kayo'y magsipanaghoy at magsipanangis; sapagka't ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi humihiwalay sa atin.

At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na ang puso ng hari ay mapapahamak, at ang puso ng mga prinsipe: at ang mga saserdote ay mangatitigilan, at ang mga propeta ay mangamamangha.

10 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios: tunay na iyong dinayang lubha ang bayang ito at ang Jerusalem, na iyong sinabi, Kayo'y mangagkakaroon ng kapayapaan: gayon man ang tabak ay tumatalab sa buhay.

11 Sa panahong yaon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem, Isang mainit na hangin na mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan, hindi upang sumimoy, o maglinis man:

12 Isang malakas na hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin: ngayo'y magsasalita naman ako ng mga kahatulan laban sa kanila.

13 Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.

14 Oh Jerusalem, hugasan mo ang iyong puso sa kasamaan, upang ikaw ay maligtas. Hanggang kailan titigil sa loob mo ang iyong mga masamang pagiisip?

15 Sapagka't isang tinig ay nagpapahayag mula sa Dan, at nagbabalita ng kasamaan, mula sa mga burol ng Ephraim.

16 Inyong banggitin sa mga bansa: narito, inyong ibalita laban sa Jerusalem, na ang mga bantay ay nanggagaling sa malayong lupain, at inihihiyaw nila ang kanilang tinig laban sa mga bayan ng Juda.

17 Sila'y gaya ng mga bantay sa parang, laban sa kaniya sa palibot, sapagka't siya'y naging mapanghimagsik laban sa akin, sabi ng Panginoon.

18 Ang iyong lakad at ang iyong mga gawa ay nagsikap ng mga bagay na ito sa iyo: ito ang iyong kasamaan; sapagka't napakasama, sapagka't tinataglay ng iyong puso.

19 Ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.

20 Kagibaan at kagibaan ang inihihiyaw; sapagka't ang buong lupain ay nasira: biglang nangasira ang aking mga tolda, at ang aking mga tabing sa isang sandali.

21 Hanggang kailan makikita ko ang watawat, at maririnig ang tunog ng pakakak?

22 Sapagka't ang bayan ko ay hangal, hindi nila ako nakikilala; sila'y mga mangmang na anak, at sila'y walang unawa; sila'y pantas sa paggawa ng masama, nguni't sa paggawa ng mabuti ay wala silang kaalaman.

23 Aking minasdan ang lupa, at, narito, sira at walang laman; at ang langit ay walang liwanag.

24 Aking minasdan ang mga bundok, at narito, nagsisiyanig, at ang lahat na burol ay nagsisiindayon.

25 Ako'y nagmasid, at, narito, walang tao, at lahat ng mga ibon sa himpapawid ay nangakatakas.

26 Ako'y nagmasid, at, narito, ang mainam na parang ay ilang, at, lahat ng mga bayan niyaon ay nangasira sa harapan ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang mabangis na galit.

27 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang buong lupain ay magiging sira; gayon ma'y hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan.

28 Dahil dito ay tatangis ang lupa, at ang langit sa itaas ay magiging maitim: sapagka't aking sinalita, aking pinanukala, at hindi ako nagsisi, o akin mang tatalikuran.

29 Ang buong bayan ay tumakas dahil sa hugong ng mga mangangabayo at ng mga mamamana; sila'y nagsipasok sa mga kagubatan, at nangagukyabit sa mga malaking bato; bawa't bayan ay napabayaan, at walang tao na tumatahan doon.

30 At ikaw, pagka ikaw ay napahamak, anong iyong gagawin? Bagaman ikaw ay nananamit ng mainam na damit na mapula; bagaman ikaw ay gumagayak ng mga kagayakang ginto, bagaman iyong pinalalaki ang iyong mga mata ng pinta, sa walang kabuluhan nagpapakaganda ka; hinahamak ka ng mga mangingibig sa iyo, pinagsisikapan nila ang iyong buhay.

31 Sapagka't ako'y nakarinig ng tinig na gaya ng sa babaing nagdaramdam, ng daing ng gaya ng sa nanganganak sa panganay, ng tinig ng anak na babae ng Sion, na nagsisikip ang hininga, na naguunat ng kaniyang mga kamay, na nagsasabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang kaluluwa ko ay nanglulupaypay sa harap ng mga mamamatay tao.

'Jeremias 4 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Isinamo, at ipinayo sa Israel na magsisi.

Kung ikaw ay manunumbalik, Oh Israel, sabi ng Panginoon, kung ikaw ay (A)manunumbalik sa akin, at kung iyong aalisin ang iyong mga kasuklamsuklam sa aking paningin; (B)hindi ka nga makikilos;

At ikaw ay susumpa, Buháy ang Panginoon, sa katotohanan, sa kahatulan, at sa katuwiran; at ang mga bansa ay (C)magiging mapalad sa kaniya, at sa kaniya luluwalhati sila.

Ang Juda ay nanganganib na salakayin.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, sa mga tao ng Juda at ng Jerusalem, (D)Inyong bungkalin ang inyong binabayaang bukiran, at huwag kayong (E)maghasik sa gitna ng mga tinik.

Magsipagtuli kayo para sa Panginoon, (F)at inyong alisin ang mga kasamaan ng inyong puso, ninyong mga tao ng Juda at mga nananahan sa Jerusalem; baka ang aking kapootan ay sumigalbo na parang apoy, at magningas na walang makapatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.

Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin, Inyong hipan ang pakakak sa lupain: magsihiyaw kayo ng malakas, at inyong sabihin, (G)Magpisan kayo, at tayo'y magsipasok sa (H)mga bayang nakukutaan.

Kayo'y mangagtaas ng watawat sa dako ng Sion: kayo'y magsitakas sa ikatitiwasay, huwag kayong magsitigil: (I)sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan mula sa hilagaan, at ng malaking paglipol.

Ang isang leon ay (J)sumampa mula sa kaniyang kagubatan, at ang manglilipol ng mga bansa; siya'y nasa kaniyang paglalakad, siya'y lumabas mula sa kaniyang dako, upang sirain ang iyong lupain, upang ang iyong mga bayan ay mangalagay na sira na (K)walang mananahan.

Dahil dito ay mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, kayo'y magsipanaghoy at magsipanangis; sapagka't ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi humihiwalay sa atin.

At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na ang puso ng hari ay mapapahamak, at ang puso ng mga prinsipe: at ang mga saserdote ay mangatitigilan, at ang mga propeta ay mangamamangha.

10 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios: (L)tunay na iyong dinayang lubha ang bayang ito at ang Jerusalem, na iyong sinabi, Kayo'y mangagkakaroon ng kapayapaan: gayon man ang tabak ay tumatalab sa buhay.

11 Sa panahong yaon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem, (M)Isang mainit na hangin na mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan, hindi upang sumimoy, o maglinis man:

12 Isang malakas na hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin: ngayo'y magsasalita naman ako ng mga kahatulan laban sa kanila.

13 Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.

14 Oh Jerusalem, hugasan mo ang iyong puso sa kasamaan, upang ikaw ay maligtas. Hanggang kailan titigil sa loob mo ang iyong mga masamang pagiisip?

15 Sapagka't isang (N)tinig ay nagpapahayag (O)mula sa Dan, at nagbabalita ng kasamaan, mula sa mga burol ng Ephraim.

16 Inyong banggitin sa mga bansa: narito, inyong ibalita laban sa Jerusalem, na ang mga bantay ay nanggagaling sa malayong lupain, at inihihiyaw nila ang kanilang tinig laban sa mga bayan ng Juda.

17 Sila'y gaya ng mga bantay (P)sa parang, laban sa kaniya sa palibot, sapagka't siya'y naging mapanghimagsik laban sa akin, sabi ng Panginoon.

18 Ang iyong lakad at ang iyong mga gawa ay nagsikap ng mga bagay na ito (Q)sa iyo: ito ang iyong kasamaan; sapagka't napakasama, sapagka't tinataglay ng iyong puso.

Panaghoy sa pagkagiba ng Juda.

19 Ang hirap ko, ang hirap (R)ko! Ako'y nagdaramdam sa aking (S)puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.

20 Kagibaan (T)at kagibaan ang inihihiyaw; sapagka't ang buong lupain ay nasira: biglang (U)nangasira ang aking mga tolda, at ang aking mga tabing sa isang sandali.

21 Hanggang kailan makikita ko ang watawat, at maririnig ang tunog ng pakakak?

22 Sapagka't ang bayan ko ay hangal, hindi nila ako nakikilala; sila'y mga mangmang na anak, at sila'y walang unawa; (V)sila'y pantas sa paggawa ng masama, nguni't sa paggawa ng mabuti ay wala silang kaalaman.

23 Aking minasdan ang lupa, at, narito, (W)sira at walang laman; at ang langit ay (X)walang liwanag.

24 Aking minasdan ang mga bundok, (Y)at narito, nagsisiyanig, at ang lahat na burol ay nagsisiindayon.

25 Ako'y nagmasid, at, narito, walang tao, at (Z)lahat ng mga ibon sa himpapawid ay nangakatakas.

26 Ako'y nagmasid, at, narito, ang mainam na parang ay ilang, at, lahat ng mga bayan niyaon ay nangasira sa harapan ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang mabangis na galit.

27 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang buong lupain ay magiging sira; (AA)gayon ma'y hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan.

28 Dahil dito (AB)ay tatangis ang lupa, at (AC)ang langit sa itaas ay magiging maitim: sapagka't aking sinalita, aking pinanukala, (AD)at hindi ako nagsisi, o akin mang tatalikuran.

29 Ang buong bayan ay tumakas dahil sa hugong ng mga mangangabayo at ng mga mamamana; sila'y nagsipasok sa mga kagubatan, at nangagukyabit sa mga malaking bato; bawa't bayan ay napabayaan, at walang tao na tumatahan doon.

30 At ikaw, pagka ikaw ay napahamak, anong iyong gagawin? Bagaman ikaw ay nananamit ng mainam na damit na mapula; (AE)bagaman ikaw ay gumagayak ng mga kagayakang ginto, (AF)bagaman iyong pinalalaki ang iyong mga mata ng pinta, sa walang kabuluhan nagpapakaganda ka; (AG)hinahamak ka ng mga mangingibig sa iyo, pinagsisikapan nila ang iyong buhay.

31 Sapagka't ako'y nakarinig ng tinig na gaya ng sa (AH)babaing nagdaramdam, ng daing ng gaya ng sa nanganganak sa panganay, ng tinig ng anak na babae ng Sion, na nagsisikip ang hininga, na naguunat ng kaniyang mga kamay, na nagsasabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang kaluluwa ko ay nanglulupaypay sa harap ng mga mamamatay tao.

Panawagan upang Magsisi

“Kung ikaw ay manunumbalik, O Israel, sabi ng Panginoon,
    sa akin ka dapat manumbalik.
Kung iyong aalisin ang iyong mga karumaldumal sa aking harapan,
    at hindi ka mag-uurong-sulong,
at kung ikaw ay susumpa, ‘Habang buháy ang Panginoon,’
    sa katotohanan, sa katarungan, at sa katuwiran;
ang mga bansa ay pagpapalain sa pamamagitan niya,
    at sa kanya luluwalhati sila.”

Ang Juda ay Binalaang Sasalakayin

Sapagkat(A) ganito ang sabi ng Panginoon sa mga kalalakihan ng Juda at sa Jerusalem,

“Bungkalin ninyo ang inyong lupang tiwangwang,
    at huwag kayong maghasik sa mga tinikan.
Tuliin ninyo ang inyong mga sarili para sa Panginoon,
    at inyong alisin ang maruming balat ng inyong puso,
    O mga taga-Juda at mga mamamayan ng Jerusalem;
baka ang aking poot ay sumiklab na parang apoy,
    at magliyab na walang makakapatay nito,
    dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.”

Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin,

“Inyong hipan ang trumpeta sa buong lupain;
    sumigaw kayo nang malakas, at inyong sabihin,
‘Magtipun-tipon kayo, at tayo'y magsipasok
    sa mga lunsod na may kuta!’
Magtaas kayo ng watawat paharap sa Zion;
    kayo'y magsitakas upang maligtas, huwag kayong magsitigil;
sapagkat ako'y nagdadala ng kasamaan mula sa hilaga,
    at ng malaking pagkawasak.
Ang isang leon ay umahon mula sa sukal niya,
    at isang mangwawasak ng mga bansa ang naghanda;
    siya'y lumabas mula sa kanyang lugar,
upang wasakin ang iyong lupain,
    ang iyong mga lunsod ay magiging guho
    na walang maninirahan.
Dahil dito ay magbigkis kayo ng damit-sako,
    managhoy kayo at tumangis;
sapagkat ang mabangis na galit ng Panginoon
    ay hindi pa humihiwalay sa atin.”

“Mangyayari sa araw na iyon, sabi ng Panginoon, ang puso ng hari at ang puso ng mga pinuno ay manlulumo. Ang mga pari ay matitigilan at ang mga propeta ay mamamangha.”

10 Nang magkagayo'y sinabi ko, “Ah Panginoong Diyos, tunay na iyong lubos na dinaya ang sambayanang ito at ang Jerusalem, na iyong sinasabi, ‘Kayo'y magiging payapa,’ samantalang ang tabak ay nasa kanilang lalamunan!”

11 Sa panahong iyon ay sasabihin sa sambayanang ito at sa Jerusalem, “Isang mainit na hangin mula sa mga hubad na kaitaasan sa ilang ay patungo sa anak na babae ng aking bayan, hindi upang magtahip o maglinis man;

12 isang hanging napakalakas para dito ang darating dahil sa utos ko. Ngayon ako ay magsasalita ng mga hatol laban sa kanila.”

13 Pagmasdan ninyo, siya'y tumataas na parang mga ulap,
    at ang kanyang mga karwahe ay tulad ng ipu-ipo;
mas matulin kaysa mga agila ang kanyang mga kabayo—
    kahabag-habag tayo, sapagkat nawawasak tayo!
14 O Jerusalem, puso mo'y hugasan mula sa kasamaan,
    upang ikaw ay maligtas naman.
Hanggang kailan titigil sa iyong kalooban
    ang iyong pag-iisip na kasamaan?
15 Sapagkat isang tinig ang nagpapahayag mula sa Dan,
    at mula sa Bundok ng Efraim ay nagbabalita ng kasamaan.
16 Balaan ninyo ang mga bansa na siya ay darating;
    ibalita ninyo sa Jerusalem,
“Dumating ang mga mananakop mula sa malayong lupain,
    sila ay sumisigaw laban sa mga lunsod ng Juda.
17 Gaya ng mga bantay sa parang sila'y nakapalibot laban sa kanya
    sapagkat siya'y naghimagsik laban sa akin, sabi ng Panginoon.
18 Ang iyong mga lakad at ang iyong mga gawa
    ang nagdala ng mga bagay na ito sa iyo.
Ito ang iyong pagkasalanta, anong pait!
    Ito'y tumatagos sa iyong puso.”

Ang Kalungkutan ni Jeremias para sa Kanyang Bayan

19 Ang paghihirap ko, ang paghihirap ko! Ako'y namimilipit sa sakit!
    O ang pagdaramdam ng aking puso!
Ang aking puso ay kakaba-kaba,
    hindi ako matahimik;
sapagkat narinig mo, o kaluluwa ko, ang tunog ng trumpeta,
    ang hudyat ng digmaan.
20 Sunud-sunod ang mga pagkapinsala,
    ang buong lupain ay nasisira.
Ang aking mga tolda ay biglang nawasak,
    at ang aking mga tabing sa isang iglap.
21 Hanggang kailan ang watawat ay aking makikita
    at maririnig ang tunog ng trumpeta?
22 “Sapagkat ang bayan ko ay hangal,
    hindi nila ako nakikilala:
sila'y mga batang mangmang
    at sila'y walang pang-unawa.
Sa paggawa ng masama sila ay marunong,
    ngunit sa paggawa ng mabuti ay wala silang alam.”

23 Ako'y tumingin sa lupa, at narito, ito'y wasak at walang laman;
    at sa mga langit, at sila'y walang liwanag.
24 Ako'y tumingin sa mga bundok, at narito, sila ay nayayanig,
    at ang lahat ng burol ay nagpapabalik-balik.
25 Ako'y tumingin, at narito, walang tao,
    at lahat ng mga ibon sa himpapawid ay nagsialisan.
26 Ako'y tumingin, at narito, ang mabungang lupain ay naging disyerto,
    at lahat ng mga lunsod ay nakatiwangwang na guho
    sa harapan ng Panginoon, sa harapan ng kanyang mabangis na galit.

27 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon, “Ang buong lupain ay mawawasak; gayunma'y hindi ko isasagawa ang lubos na pagwasak.

28 Dahil dito ang lupa ay tatangis,
    at ang langit sa itaas ay magiging madilim;
sapagkat ako'y nagsalita, ako'y nagpanukala,
    at hindi ako magbabago ng isip ni ako'y uurong.”

29 Ang bawat bayan ay tumakas dahil sa ingay
    ng mga mangangabayo at ng mga mamamana;
sila'y pumapasok sa mga sukal, at umaakyat sa malalaking bato;
    lahat ng mga lunsod ay pinabayaan,
    at walang taong sa mga iyon ay naninirahan.
30 At ikaw, ikaw na nawasak, anong gagawin mo?
Magdamit ka man ng matingkad na pula,
    gayakan mo man ang iyong sarili ng mga palamuting ginto,
    palakihin mo man ang iyong mga mata sa pamamagitan ng pinta?
Sa walang kabuluhan ay nagpapaganda ka.
    Hinahamak ka ng iyong mga mangingibig,
    pinagbabantaan nila ang iyong buhay.
31 Sapagkat ako'y nakarinig ng isang sigaw na gaya ng sa babaing manganganak,
    ng daing na gaya ng isang magsisilang ng kanyang panganay,
ang daing ng anak na babae ng Zion, na hinahabol ang paghinga,
    na nag-uunat ng kanyang mga kamay,
“Kahabag-habag ako! Ako ay nanlulupaypay sa harap ng mga mamamatay-tao.”