Add parallel Print Page Options

Ang pagkatuyo, at ang panalangin sa paghingi ng awa.

14 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias tungkol sa pagkakatuyo.

Ang Juda ay tumatangis, at ang mga pintuang-bayan (A)niya ay nagsisihapay, mga bagsak na (B)nangingitim sa lupa; at ang daing ng Jerusalem ay umilanglang.

At sinugo ng mga mahal na tao ang kanilang mga bata sa tubig: sila'y nagsisiparoon sa mga balon, at hindi nangakasumpong ng tubig; sila'y nagsisibalik na may mga sisidlang walang laman; sila'y nangapapahiya at (C)nangalilito, at nangagtatakip ng kanilang mga ulo.

Dahil sa lupa na pumuputok, palibhasa't (D)hindi nagkaroon ng ulan sa lupain, ang mga mangbubukid ay nangapahiya, kanilang tinatakpan ang kanilang mga ulo.

Oo, ang usa sa parang naman ay nanganganak, at pinababayaan ang anak, sapagka't walang damo.

At (E)ang mga mailap na asno ay nagsisitayo sa mga luwal na kaitaasan, sila'y humihingal na parang mga chakal; sila ay nangangalumata, sapagka't walang pastulan.

Bagaman ang aming mga kasamaan ay sumasaksi laban sa amin, gumawa ka (F)alangalang sa iyong pangalan, Oh Panginoon; sapagka't ang aming mga pagtalikod ay marami; kami ay nangagkasala laban sa iyo.

Oh ikaw na pagasa ng Israel, na (G)Tagapagligtas sa kaniya sa panahon ng kabagabagan, bakit ka magiging parang nakikipamayan sa lupain, at parang gala na lumiliko na nagpaparaan ng gabi?

Bakit ka magiging parang taong natigilan, parang makapangyarihan (H)na hindi makapagligtas? gayon man (I)ikaw, Oh Panginoon, ay nasa gitna namin, at kami ay tinatawag sa iyong pangalan; (J)huwag mo kaming iwan.

Sinasabi ng Panginoon na ang pamamagitan ay walang kabuluhan.

10 Ganito ang sabi ng Panginoon sa bayang ito, Yamang kanilang inibig ang paglaboy; hindi nila pinigil ang kanilang mga paa: kaya't hindi sila tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan.

11 At sinabi ng Panginoon sa akin, (K)Huwag mong idalangin ang bayang ito sa kanilang ikabubuti.

12 (L)Pagka sila'y nangagaayuno, (M)hindi ko didinggin ang kanilang daing; at (N)pagka sila'y nangaghahandog ng handog na susunugin at ng alay, hindi ko tatanggapin; kundi aking lilipulin (O)sila ng tabak, at ng kagutom, at ng salot.

13 (P)Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, sinasabi ng mga propeta sa kanila, Kayo'y hindi makakakita ng tabak, o magkakaroon man kayo ng kagutom; kundi bibigyan ko kayo ng talagang kapayapaan sa dakong ito.

14 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang mga propeta ay nanghuhula (Q)ng kasinungalingan sa aking pangalan; hindi ko sila sinugo, o inutusan ko man sila, o nagsalita man ako sa kanila: sila'y nanganghuhula sa iyo ng sinungaling na pangitain, at (R)ng panghuhula, at ng bagay na wala, at ng daya ng kanilang sariling puso.

15 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nanghuhula sa aking pangalan, at hindi ko sila sinugo, na gayon ma'y (S)nagsasabi sila, Tabak at kagutom ay hindi sasapit sa lupaing ito: (T)Sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom ay malilipol ang mga propetang yaon.

16 At ang bayan na kanilang pinanghuhulaan ay ihahagis sa mga lansangan ng Jerusalem dahil sa kagutom at sa tabak; (U)at walang maglilibing sa kanila—sa kanila, sa kanilang mga asawa, o sa kanilang mga anak na lalake man, o babae man: sapagka't aking ibubuhos sa kanila ang kanilang kasamaan.

17 At iyong sasabihin ang salitang ito sa kanila, Daluyan ang aking mga mata ng mga luha gabi at araw, at huwag maglikat; sapagka't ang (V)anak na dalaga ng aking bayan ay nasira ng malaking pagkasira, na may totoong mabigat na sugat.

18 Kung ako'y lumabas (W)sa parang, narito, ang mga pinatay ng tabak! at kung ako'y pumasok sa bayan, narito, sila na mga may sakit ng pagkagutom! sapagka't ang propeta (X)at gayon din ang saserdote ay lumilibot sa lupain at walang kaalaman.

19 Iyo bagang lubos na itinakuwil ang Juda? kinapootan baga ng iyong kaluluwa ang Sion? bakit mo sinaktan kami, at walang kagalingan sa amin? Kami ay nangaghihintay ng kapayapaan, nguni't walang kabutihang dumating; at ng panahon ng kagalingan, at, narito, panglulupaypay!

20 Aming kinikilala, Oh Panginoon, ang aming kasamaan, at ang kasamaan ng aming mga magulang; (Y)sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo.

21 Huwag mo kaming kayamutan, (Z)alangalang sa iyong pangalan; huwag mong hamakin ang luklukan ng iyong kaluwalhatian: (AA)iyong alalahanin, huwag mong sirain ang iyong tipan sa amin.

22 Mayroon bagang sinoman (AB)sa gitna ng mga walang kabuluhan ng mga bansa na makapagpapaulan? o makapagpapaambon baga ang mga langit? (AC)Hindi baga ikaw ay siya, Oh Panginoon naming Dios? kaya't kami ay mangaghihintay sa iyo; sapagka't iyong ginawa ang lahat na bagay na ito.

Read full chapter

Ang Juda ay binabalaan tungkol sa paghatol ng hindi matuwid.

22 Ganito ang sabi ng Panginoon, Bumaba ka sa bahay ng hari sa Juda, at iyong salitain doon ang salitang ito,

At iyong sabihin, (A)Dinggin mo ang salita ng Panginoon, Oh hari sa Juda, na nauupo sa luklukan ni David, ikaw at ang iyong mga lingkod, at ang iyong bayan na pumapasok sa mga pintuang ito.

Ganito ang sabi ng Panginoon, (B)Mangagsagawa kayo ng kahatulan at ng katuwiran, at iligtas ninyo ang nanakawan sa kamay ng mamimighati: at huwag kayong magsigawa ng kamalian, huwag kayong magsigawa ng pangdadahas (C)sa mga nakikipamayan, sa ulila, o sa babaing bao man; o mangagbubo man ng walang salang dugo sa dakong ito.

Sapagka't kung tunay na inyong gawin ang bagay na ito, magsisipasok nga sa mga pintuang-daan ng bahay na ito (D)ang mga hari na nangauupo sa luklukan ni David, na nakasakay sa mga karo at sa mga kabayo, siya at ang kaniyang mga lingkod, at ang kaniyang bayan.

Nguni't kung hindi ninyo didinggin ang mga salitang ito, (E)ako'y susumpa sa aking sarili, sabi ng Panginoon, na ang bahay na ito ay masisira.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa sangbahayan ng hari sa Juda, Ikaw ay Galaad sa akin, at ulo ng Libano; gayon ma'y tunay na gagawin kitang isang ilang, at mga bayang hindi tinatahanan.

At ako'y maghahanda ng mga manglilipol laban sa iyo, bawa't isa'y may kaniyang mga almas; at kanilang puputulin ang (F)iyong mga piling cedro, at ipaghahagis sa apoy.

At maraming bansa'y magsisipagdaan sa bayang ito, at mangagsasabi bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, (G)Ano't gumawa ang Panginoon ng ganito sa dakilang bayang ito?

(H)Kung magkagayo'y magsisisagot sila, Sapagka't kanilang pinabayaan ang tipan ng Panginoon na kanilang Dios, at nagsisamba sa ibang mga dios, at mga pinaglingkuran.

Ang kalungkot-lungkot na katapusan ni Sallum.

10 Huwag ninyong iyakan (I)ang patay, o panaghuyan man ninyo siya; kundi iyakan ninyong mainam ang yumayaon; sapagka't (J)hindi na siya babalik, o makikita man niya ang kaniyang lupaing tinubuan.

11 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay (K)Sallum na anak ni Josias, na hari sa Juda, na nagharing kahalili ni Josias na kaniyang ama, (L)na lumabas sa dakong ito. Siya'y hindi na babalik pa rito:

12 Kundi sa dakong pinagdalhan sa kaniyang bihag, doon siya mamamatay, at hindi na niya makikita ang lupaing ito.

Ang katapusan ni Joacim.

13 (M)Sa aba niya na nagtatayo ng kaniyang bahay sa pamamagitan ng kalikuan, at ng kaniyang mga silid sa pamamagitan ng kalisyaan; na (N)pinapaglilingkod ng kaniyang kapuwa (O)na walang upa, at hindi niya binibigyan ng kaniyang kabayaran;

14 Na nagsasabi, Ako'y magtatayo ng maluwang na bahay at maluwang na mga silid, at nabubuksan ng mga dungawan; at nakikisamihan ng cedro, at nakukulayan ng pula.

15 Ikaw baga'y maghahari, sapagka't ikaw ay mayroong lalong maraming cedro? (P)hindi ba ang iyong ama ay kumain at uminom, at naglapat ng kahatulan at kaganapan? nang magkagayo'y ikinabuti niya.

16 Kaniyang hinatulan ang usap ng dukha at mapagkailangan; nang magkagayo'y ikinabuti nga. (Q)Hindi baga ito ang pagkilala sa akin? sabi ng Panginoon.

17 Nguni't ang iyong mga mata at ang iyong puso ay sa kasakiman lamang, at upang magbubo ng walang salang dugo, at sa kapighatian, at sa karahasan, upang gawin.

18 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay (R)Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, (S)Hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, (T)Ah kapatid kong lalake! o, Ah kapatid na babae! hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, Ah panginoon! o, Ah kaniyang kaluwalhatian!

19 Siya'y malilibing ng libing asno, na (U)hihilahin at itatapon sa labas ng mga pintuang-bayan ng Jerusalem.

20 Ikaw ay sumampa sa Libano, at humiyaw; at ilakas mo ang iyong tinig sa Basan, at ikaw ay humiyaw mula (V)sa Abarim; sapagka't lahat ng mangingibig sa iyo ay nalipol.

21 Ako'y nagsalita sa iyo sa iyong kaginhawahan; nguni't iyong sinabi, Hindi ko didinggin. Ito ang naging iyong paraan mula sa iyong kabataan, na hindi mo dininig ang aking tinig.

22 Lahat (W)mong pastor ay pakakanin ng hangin, at ang mga mangingibig sa iyo ay mapapapasok sa pagkabihag; kung magkagayon ikaw ay mapapahiya at malilito dahil sa lahat mong kasamaan.

23 Oh nananahan sa Libano, na ginagawa mo ang iyong pugad sa mga cedro, kahabaghabag ka nga pagka ang mga pagdaramdam ay dumating sa iyo, ang hirap na gaya ng sa babae sa pagdaramdam!

Ang katapusan ni Conias.

24 (X)Buhay ako, sabi ng Panginoon, bagaman si (Y)Conias na anak ni Joacim na hari sa Juda (Z)ay maging singsing na panatak sa aking kanang kamay, akin ngang huhugutin ka mula roon;

25 At aking ibibigay ka (AA)sa kamay ng nagsisiusig ng iyong buhay, at sa kamay nila na iyong kinatatakutan, sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng mga Caldeo.

26 At itataboy ka, at ang iyong ina na nanganak sa iyo, sa ibang lupain, na hindi pinapanganakan sa inyo; at doon kayo mangamamatay.

27 Nguni't sa lupain na pinagnanasaan ng kanilang kaluluwa na pagbalikan, doon hindi sila mababalik.

28 Ito bagang lalaking si Conias ay isang sisidlang basag na walang kabuluhan? (AB)siya baga'y sisidlan na hindi kinaluluguran? bakit kanilang itinataboy, siya at ang kaniyang angkan, at itinapon sa lupain na hindi nila kilala?

29 Oh lupa, (AC)lupa, lupa, iyong pakinggan ang salita ng Panginoon.

30 Ganito ang sabi ng Panginoon, Isulat ninyo (AD)ang lalaking ito na walang anak, ang lalake na hindi giginhawa sa kaniyang mga kaarawan; sapagka't walang tao sa kaniyang angkan na giginhawa pa, na (AE)nauupo sa luklukan ni David, hindi na magpupuno pa sa Juda.

Read full chapter