Isaias 61:6-8
Ang Biblia (1978)
6 (A)Nguni't kayo'y tatawaging mga saserdote ng Panginoon; tatawagin kayo ng mga tao na mga tagapangasiwa ng ating Dios: (B)kayo'y magsikain ng kayamanan ng mga bansa, at sa kanilang kaluwalhatian ay mangagmamapuri kayo.
7 Kahalili ng (C)inyong kahihiyan ay nagtatamo kayo ng ibayong karangalan; at kahalili ng pagkalito ay magagalak sila sa kanilang bahagi: kaya't sa kanilang lupain ay mangagaari sila ng ibayong kasaganaan, walang hanggang kagalakan ang mapapasa kanila.
8 Sapagka't ako, ang Panginoon, ay umiibig ng kahatulan, (D)aking ipinagtatanim ang pagnanakaw sangpu ng kasamaan; at aking ibibigay sa kanila ang kanilang kagantihan sa katotohanan, at ako'y makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan.
Read full chapter
Isaias 61:6-8
Ang Biblia, 2001
6 Ngunit kayo'y tatawaging mga pari ng Panginoon,
tatawagin kayo ng mga tao bilang mga tagapaglingkod ng ating Diyos,
kayo'y kakain ng kayamanan ng mga bansa,
at sa kanilang kaluwalhatian ay magmamapuri kayo.
7 Magtatamo kayo ng dalawang bahagi sa halip na kahihiyan,
sa halip na paghamak ay magagalak kayo sa inyong kapalaran;
kaya't sa inyong lupain ay dalawang bahagi ang aariin ninyo,
walang hanggang kagalakan ang mapapasa inyo.
8 Sapagkat akong Panginoon ay umiibig sa katarungan,
kinapopootan ko ang pagnanakaw at handog na sinusunog;
at aking tapat na ibibigay sa kanila ang kanilang gantimpala,
at ako'y makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
