Add parallel Print Page Options

53 Sumagot(A) ang mga tao,

“Sino ang maniniwala sa ibinabalita naming ito?
    Kanino mo ipinakita ang iyong kapangyarihan?
Kalooban ni Yahweh na matulad sa isang halaman ang kanyang lingkod,
    parang ugat na natanim sa tuyong lupa.
Walang katangian o kagandahang makatawag-pansin,
    walang taglay na pang-akit para siya ay lapitan.
Hinamak siya ng mga tao at itinakwil.
    Nagdanas siya ng hapdi at hirap.
Wala man lang pumansin sa kanya.
    Binaliwala natin siya, na parang walang kabuluhan.

“Tunay(B) ngang inalis niya ang ating mga kahinaan,
    pinagaling niya ang ating mga karamdaman.
Subalit inakala nating iyo'y parusa ng Diyos sa kanya.
Ngunit(C) dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan;
    siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.
Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya
    at sa mga hampas na kanyang tinanggap.
Tayong(D) lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw;
    nagkanya-kanya tayo ng lakad.
Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya
    ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.

“Siya(E) (F) ay binugbog at pinahirapan,
    ngunit hindi kumibo kahit isang salita;
tulad ay tupang nakatakdang patayin,
parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan,
    at hindi umiimik kahit kaunti man.
Nang siya'y hulihin at hatulan upang mamatay,
    wala man lamang nagtanggol sa kanyang kalagayan.
Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan.
Siya'y(G) inilibing na kasama ng masasama at mayayaman,
kahit na siya'y walang kasalanan
    o nagsabi man ng kasinungalingan.”

10 Sinabi ni Yahweh,
“Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko;
    ang kanyang kamatayan ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan.
Dahil dito'y mabubuhay siya nang matagal,
    makikita ang lahing susunod sa kanya.
    At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking panukala.
11 Pagkatapos ng mahabang pagdurusa, muli siyang lalasap ng ligaya;
    malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang kanyang pagtitiis.
Ang tapat kong lingkod na lubos kong kinalulugdan
    ang siyang tatanggap sa parusa ng marami,
    at alang-alang sa kanya sila'y aking patatawarin.
12 Dahil(H) dito siya'y aking pararangalan,
    kasama ng mga dakila at makapangyarihan;
sapagkat kusang-loob niyang ibinigay ang sarili
    at nakibahagi sa parusa ng masasama.
Inako niya ang mga makasalanan
    at idinalanging sila'y patawarin.”

Ang lingkod ng Panginoon ay nagbabata. Ang kaniyang kamatayan at karangalan.

53 Sinong (A)naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang (B)bisig ng Panginoon?

(C)Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: (D)walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.

Siya'y hinamak at itinakuwil (E)ng mga tao; isang (F)taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y (G)hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.

Tunay na kaniyang (H)dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.

Nguni't siya'y nasugatan (I)dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa (J)ating kapayapaan ay nasa kaniya; (K)at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.

(L)Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan (M)sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.

Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay (N)hindi nagbuka ng kaniyang bibig; (O)gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.

Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, (P)sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.

At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama (Q)ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman (R)hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig.

10 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, (S)makikita niya ang kaniyang lahi, (T)pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.

11 Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: (U)sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng (V)aking matuwid na lingkod ang marami; at (W)dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.

12 (X)Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang (Y)hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at (Z)ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at (AA)namagitan sa mga mananalangsang.

53 Sinong(A) naniwala sa aming narinig?
    At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?
Sapagkat siya'y tumubo sa harapan niya na gaya ng sariwang pananim,
    at gaya ng ugat sa tuyong lupa.
Siya'y walang anyo o kagandahan man na dapat nating pagmasdan siya,
    at walang kagandahan na maiibigan natin sa kanya.
Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao;
    isang taong nagdurusa, at sanay sa kalungkutan;
at gaya ng isa na pinagkublihan ng mukha ng mga tao,
    siya'y hinamak, at hindi natin siya pinahalagahan.

Tunay(B) na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman,
    at dinala ang ating mga kalungkutan;
gayunma'y ating itinuring siya na hinampas,
    sinaktan ng Diyos at pinahirapan.
Ngunit(C) siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway,
    siya'y binugbog dahil sa ating mga kasamaan;
ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan,
    at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo.
Tayong(D) lahat ay gaya ng mga tupang naligaw;
    bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan;
at ipinasan sa kanya ng Panginoon
    ang lahat nating kasamaan.

Siya'y(E) (F) inapi, at siya'y sinaktan,
    gayunma'y hindi niya ibinuka ang kanyang bibig;
gaya ng kordero na dinadala sa katayan,
    at gaya ng tupa na sa harapan ng mga manggugupit sa kanya ay pipi,
    kaya't hindi niya ibinuka ang kanyang bibig.
Sa pamamagitan ng pang-aapi at paghatol ay inilayo siya;
    at tungkol sa kanyang salinlahi,
na itinuring na siya'y itiniwalag sa lupain ng mga buháy,
    at sinaktan dahil sa pagsalangsang ng aking bayan.
At(G) ginawa nila ang kanyang libingan na kasama ng masasama,
    at kasama ng isang lalaking mayaman sa kanyang kamatayan;
bagaman hindi siya gumawa ng karahasan,
    o walang anumang pandaraya sa kanyang bibig.

10 Gayunma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya;
    kanyang inilagay siya sa pagdaramdam;
kapag gagawin niya ang kanyang kaluluwa bilang handog pangkasalanan,
    makikita niya ang kanyang supling, pahahabain niya ang kanyang mga araw;
at ang kalooban ng Panginoon ay uunlad sa kanyang kamay.
11     Kanyang makikita ang bunga ng paghihirap ng kanyang kaluluwa,
at masisiyahan sa pamamagitan ng kanyang kaalaman.
    Aariing-ganap ng matuwid kong lingkod ang marami,
    at papasanin niya ang kanilang mga kasamaan.
12 Kaya't(H) hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila,
    at kanyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas;
sapagkat kanyang ibinuhos ang kanyang kaluluwa sa kamatayan,
    at ibinilang na kasama ng mga lumalabag;
gayunma'y pinasan niya ang kasalanan ng marami,
    at namagitan para sa mga lumalabag.

'Isaias 53 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.