Add parallel Print Page Options

Pababayaan ko itong malubog sa mga tinik at damo;
    hindi ko babawasan ng labis na dahon at sanga,
    hindi ko bubungkalin ang paligid ng mga puno nito;
at pati ang ulap ay uutusan ko na huwag magbigay ng ulan.
Ang ubasang ito ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat
    ay walang iba kundi ang bayang Israel,
at ang bayan ng Juda ang mga puno ng ubas na kanyang itinanim.
Umasa siyang gagawa ito ng makatarungan,
    ngunit sa halip ay naging mamamatay-tao,
inasahan niyang paiiralin nito'y katuwiran,
    ngunit panay pang-aapi ang kanilang ginawa.

Ang Kasamaan ng Tao

Kawawa kayo na laging naghahangad ng maraming bahay
    at malawak na mga bukirin,
hanggang mawalan na ng lugar ang ibang mga tao,
    at kayo na lamang ang naninirahan sa lupain.

Read full chapter
'Isaias 5:6-8' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

At aking pababayaang sira; hindi kakapunin o bubukirin man; kundi magsisitubo ay mga dawag at mga tinik: akin ding iuutos sa mga alapaap, na huwag nilang ulanan.

Sapagka't (A)ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo ay ang sangbahayan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ay ang kaniyang maligayang pananim: at siya'y naghihintay ng kahatulan, nguni't narito, kapighatian; ng katuwiran, nguni't narito, daing.

Ang mga Aba ay iniukol sa makasalanan.

Sa aba nila, na nangaguugpong ng (B)bahay sa bahay, na nangaglalagay ng bukid sa bukid hanggang sa mawalan ng pagitan, at kayo'y magsisitahang magisa sa gitna ng lupain!

Read full chapter