Isaias 5:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Ang dalawang ektaryang ubasan ay aani na lang ng anim na galong katas ng ubas. At ang sampung takal na binhi ay aani lang ng isang takal.”
11 Nakakaawa kayong maaagang bumangon para magsimulang mag-inuman at naglalasing hanggang gabi. 12 May mga banda pa kayo at mga alak sa inyong mga handaan. Pero hindi ninyo pinapansin ang ginagawa ng Panginoon.
Read full chapter
Isaias 5:10-12
Ang Biblia (1978)
10 Sapagka't sangpung acre ng ubasan ay mangagbubunga ng isang (A)bath, at isang homer na binhi ay magbubunga ng isang epa.
11 Sa aba nila (B)na nagsisibangong maaga sa umaga, upang sila'y makasunod sa nakalalasing na inumin; na nagtatagal hanggang sa kalaliman ng gabi, hanggang sa magalab ang alak sa kanila!
12 At ang alpa at ang viola, ang pandareta at ang plauta, at ang alak, ay nangasa kanilang mga kapistahan: nguni't (C)hindi nila pinakundanganan ang gawa ng Panginoon, o ginunita man nila (D)ang gawa ng kaniyang mga kamay.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
