Add parallel Print Page Options

25 Ang sagot ni Yahweh:
“Ganyan ang mangyayari.
Itatakas ng mga kawal ang kanilang bihag,
    at babawiin ang sinamsam ng malupit.
Ako ang haharap sa sinumang lalaban sa iyo,
    at ililigtas ko ang iyong mga anak.
26 Hihimukin kong magpatayan ang mga umaapi sa inyo.
    Mag-aalab ang kanilang poot, at mahuhumaling sa pagpatay.
Sa gayon makikilala ng sangkatauhan na akong si Yahweh ang Makapangyarihang Diyos,
    ang nagligtas sa Israel.”

Read full chapter