Isaias 45
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Hinirang ni Yahweh si Ciro
45 Ito ang ipinahayag ni Yahweh kay Ciro,
    ang pinunong kanyang pinili,
upang sakupin ang mga bansa
    at alisan ng kapangyarihan ang mga hari.
    Ibubukas ko ang mga pintuang-lunsod para sa kanya habang siya'y pumapasok.
2 “Ako ang maghahanda ng iyong daraanan,
    mga bundok doo'y aking papatagin.
At sa mga lunsod, mga pintong tanso'y aking wawasakin;
    pati kandadong bakal ay aking tatanggalin.
3 Ibibigay ko sa iyo ang nakatagong mga kayamanan at alahas;
    sa gayon, malalaman mong ako si Yahweh,
    ang Diyos ng Israel, ang siyang tumawag sa iyo.
4 Tinawag kita sa iyong pangalan,
    alang-alang sa aking lingkod na si Israel na aking hinirang.
Binigyan kita ng malaking karangalan,
    kahit hindi mo ako nakikilala.
5 Ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala nang iba;
    palalakasin kita, kahit hindi mo ako nakikilala.
6 Ginawa ko ito upang ako ay makilala
    mula sa silangan hanggang kanluran,
    at makilala nila na ako si Yahweh,
    ako lamang ang Diyos at wala nang iba.
7 Ako ang lumikha ng dilim at liwanag;
    ako ang nagpapahintulot ng kaginhawahan at kapahamakan.
    Akong si Yahweh ang nagpapasya ng lahat ng ito.
8 Padadalhan kita ng sunud-sunod na tagumpay,
    parang mga patak ng ulan na bumabagsak sa lupa;
    dahil dito'y maghahari sa daigdig ang kalayaan at katarungan.
Akong si Yahweh ang magsasagawa nito.”
Si Yahweh ng Buong Nilikha at Kasaysayan
9 Ang(A) palayok ba ay makakatutol sa gumawa sa kanya?
Maitatanong ba ng putik sa magpapalayok kung ano ang ginagawa nito?
    Masasabi ba ng palayok na hindi sanay ang gumawa sa kanya?
10 May anak bang magtatanong sa kanyang ama, “Bakit ikaw ang aking naging ama?”
    At sa kanyang ina, “Bakit mo ako ipinanganak?”
11 Ngunit ipinahayag ni Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, ang Lumalang sa kanila:
“Wala kayong karapatang magsabi sa akin tungkol sa aking mga anak
    at kung ano ang dapat kong gawin.
12 Ako ang lumikha ng buong daigdig,
    pati mga taong doo'y tumatahan.
Maging ang kalangitan, ako ang nagladlad,
    ako ang may kapangyarihan sa araw, buwan at mga bituin.
13 Ako ang tumawag kay Ciro upang isagawa ang aking layunin at isaayos ang lahat ng bagay.
Aking tutuwirin ang kanyang daraanan;
    muli niyang itatayo ang Jerusalem na aking lunsod,
    at kanyang palalayain ang aking bayan.
Walang sinumang nagbayad o nanuhol sa kanya upang ito'y isagawa.”
Ang Makapangyarihang si Yahweh ang nagsabi nito.
14 Ang sabi ni Yahweh sa Israel,
“Mapapasaiyo ang kayamanan ng Egipto at Etiopia.
    Magiging alipin mo ang matatangkad na lalaki ng Seba;
    sila'y magiging sunud-sunuran sa iyo.
Yuyukuran ka nila at sasabihin:
    ‘Sumasaiyo ang Diyos, siya lamang ang Diyos at wala nang iba pa.’”
15 Ang Diyos ng Israel ang Tagapagligtas ng kanyang bayan;
    mahiwaga siya kaya hindi kayang unawain.
16 Hahamakin at mapapahiya
    ang lahat ng gumagawa ng mga diyus-diyosan.
17 Ngunit ang Israel ay iyong ililigtas,
    ang tagumpay nila ay sa habang panahon
    at kailanma'y hindi mapapahiya.
18 Si Yahweh ang lumikha ng kalangitan,
    siya rin ang lumikha ng daigdig,
ginawa niya itong matatag at nananatili,
    at mainam na tirahan.
Siya ang maysabing, “Ako si Yahweh at wala nang iba pang diyos.
19 Lahat ng salita ko'y sinasabi nang hayagan,
    isa man sa layunin ko'y hindi inililihim.
Hindi ko pinahirapan ang Israel
    sa paghanap sa akin.
Ako si Yahweh, sinasabi kong lahat ang katotohanan,
    at inihahayag ko kung ano ang tama.”
Si Yahweh ng Sanlibutan at ang mga Diyus-diyosan ng Babilonia
20 Sinabi ni Yahweh,
“Halikayong lahat na mga natitirang buháy mula sa lahat ng bansa;
kayong mga mangmang na nagpapasan ng mga imaheng kahoy
at dumadalangin sa mga diyus-diyosan na hindi makakapagligtas.
    Ang mga taong ito'y walang nalalaman.
21 Ipagtanggol ninyo ang inyong panig.
    Magsanggunian kayo.
Sino ang makakapagsabi ng mga bagay na magaganap?
Hindi ba akong si Yahweh, ang Diyos na nagliligtas sa kanyang bayan?
    Walang ibang diyos maliban sa akin.
22 Lumapit kayo sa akin at kayo ay maliligtas,
    kayong mga tao sa buong daigdig.
Walang ibang diyos maliban sa akin.
23 Ako(B) ay tapat sa aking pangako
    at hindi magbabago,
at tutuparin ko ang aking mga pangako:
    ‘Lahat ng tao ay luluhod sa aking harapan,
    at mangangakong sila'y magiging tapat sa akin!’
24 “Sasabihin nila, si Yahweh lamang ang matuwid at malakas;
    at mapapahiya ang sinumang sa kanya'y maghimagsik.
25 Akong si Yahweh ang magliligtas sa lahi ni Israel;
    sila'y magtatagumpay at magpupuri sa akin.”
Jesaja 45
Hoffnung für Alle
Der Herr ruft Kyrus in seinen Dienst
45 Gott hat Kyrus für eine besondere Aufgabe erwählt: Er wird ihn an seiner rechten Hand nehmen und ihm zum Sieg über viele Völker verhelfen; er wird die feindlichen Könige entwaffnen und ihm überall Tür und Tor öffnen.
So spricht der Herr zu Kyrus: 2 »Ich gehe vor dir her und räume dir alle Hindernisse aus dem Weg. Ich zertrümmere die bronzenen Stadttore und zerbreche ihre eisernen Riegel. 3 Die verborgenen Schätze und die versteckten Reichtümer gebe ich dir. Daran sollst du erkennen, dass ich der Herr bin, der Gott Israels, der dich, Kyrus, in seinen Dienst ruft. 4 Warum berufe ich dich und verleihe dir einen Ehrentitel, obwohl du mich gar nicht kennst? Ich tue es für Israel, mein Volk, das ich erwählt habe, damit es mir dient. 5 Ich bin der Herr, ich allein. Außer mir gibt es keinen Gott. Ich rüste dich aus für deinen Eroberungszug, auch wenn du mich nicht kennst.
6 Der Westen und der Osten, ja, die ganze Welt soll daran erkennen, dass es außer mir keinen Gott gibt. Ich bin der Herr, ich allein. 7 Ich bilde das Licht und schaffe die Finsternis; ich wirke den Frieden, und auch das Unglück lasse ich kommen. Ich bin der Herr, dies alles vollbringe ich. 8 Ihr Wolken am Himmel, lasst Gerechtigkeit herabströmen; und du, Erde, sauge sie auf und lass Heil und Gerechtigkeit hervorsprießen! Ich, der Herr, bewirke dies alles.«
Wehe dem, der seinen Schöpfer anklagt!
9 Wehe dem, der seinen Schöpfer anklagt! Er ist doch in Gottes Augen nicht mehr als ein Tonkrug unter vielen anderen. Fragt denn ein Tonklumpen den Töpfer: »Was tust du da mit mir?« Oder macht er sich lustig und sagt: »Mein Meister hat zwei linke Hände«? 10 Wehe dem, der seinem Vater vorwirft: »Warum hast du mich gezeugt?«, und der Mutter: »Weshalb hast du mich in die Welt gesetzt?«!
11 So spricht der Herr, der heilige Gott und Schöpfer Israels: »Wie könnt ihr nur in Frage stellen, was ich mit meinen Kindern vorhabe? Wollt ihr mir etwa vorschreiben, wie ich mit meinen eigenen Geschöpfen umgehen muss?[a] 12 Ich habe die Erde gemacht; und die Menschen, die darauf leben, habe ich geschaffen. Eigenhändig habe ich den Himmel ausgespannt wie ein Zelt und jedem einzelnen Stern seinen Platz zugewiesen. 13 Ich bin es auch, der Kyrus berufen hat, meine gerechten Pläne in die Tat umzusetzen. Ich will ihm alle Hindernisse aus dem Weg räumen. Er wird meine Stadt Jerusalem wieder aufbauen und mein verschlepptes Volk freilassen, ohne Lösegeld oder Bestechungsgeschenke. Das verspreche ich, der Herr, der allmächtige Gott!«
Es gibt keinen Gott außer dem Herrn
14 So spricht der Herr zu seinem Volk: »Die Ägypter und Äthiopier werden zu euch kommen und ihren ganzen Reichtum bringen, allen Gewinn aus ihren Handelsgeschäften. Auch die hochgewachsenen Leute aus Seba unterwerfen sich euch und werden eure Sklaven. In Ketten ziehen sie hinter euch her. Sie werden vor euch auf die Knie fallen und bekennen: ›Wirklich, nur bei euch ist Gott! Außer ihm gibt es keinen anderen.‹« 15 Ja, Herr, du bist ein Gott, der sich verborgen hält, du Gott und Retter Israels. 16 Schämen müssen sich alle, die Götterstatuen anfertigen! Sie enden mit Schimpf und Schande. 17 Israel aber wird für alle Zeiten vom Herrn gerettet. Nie mehr müsst ihr euch schämen, in alle Ewigkeit werdet ihr bestehen.
18 Der Herr ist der einzige Gott. Er ist es, der den Himmel geschaffen hat. Er gab der Erde ihre Form und legte ihre Fundamente. Nicht als einsame Wüste hat er sie gebildet, sondern als Wohnraum für seine Geschöpfe. Dieser Gott spricht: »Ich bin der Herr, außer mir gibt es keinen Gott. 19 Ich habe nicht im Verborgenen geredet, nicht irgendwo im Dunkeln. Nie habe ich zu den Nachkommen von Jakob gesagt: ›Sucht mich vergeblich!‹ Ich bin der Herr, und was ich sage, das ist gerecht; was ich ankündige, das trifft ein!
20 Kommt alle her, die ihr den Untergang eurer Völker überlebt habt! Tretet noch einmal zu einer Gerichtsverhandlung an! Wer hölzerne Götterfiguren herumträgt, hat keinen Verstand. Er fleht einen Gott an, der ihm nicht helfen kann. 21 Berichtet von den Taten eurer Götter! Ja, beratet euch und bringt Beweise für ihre Gottheit vor! Wer hat vor langer Zeit angekündigt, was nun geschehen ist? Wer hat es längst vorausgesagt? War ich es nicht, der Herr? Es gibt keinen Gott außer mir, keinen, der gerecht ist und der rettet. Ich bin der einzige Gott.
22 Kommt zu mir und lasst euch retten, ihr Menschen aus allen Winkeln der Erde! Denn ich bin der einzige Gott. 23 Ich habe bei meinem Namen geschworen, ich sage die Wahrheit und nehme mein Wort nicht zurück: Vor mir werden alle niederknien, und alle werden bekennen: 24 ›Nur beim Herrn gibt es Rettung und Hilfe!‹«
Auch die, die den Herrn einmal gehasst haben, werden beschämt zu ihm kommen. 25 Dann wird der Herr das Recht der Nachkommen Israels wiederherstellen, und sie werden ihn dafür preisen.
Footnotes
- 45,11 Oder: Wenn ihr wissen wollt, was ich mit meinen Kindern vorhabe, dann kommt zu mir! Ich weiß, wie ich mit meinen eigenen Geschöpfen umgehen muss, darum vertraut euch mir an!
Isaias 45
Ang Biblia (1978)
Kaniyang sinugo si Ciro upang maging tagapagligtas ng mga nasa pagkakabihag.
45 Ganito ang sabi ng Panginoon sa (A)kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, (B)upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;
2 Ako'y magpapauna sa iyo, (C)at, papatagin ko ang mga bakobakong dako: (D)aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal:
3 At ibibigay ko sa iyo ang mga (E)kayamanang nasa kadiliman, at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon (F)na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan, sa makatuwid baga'y ang (G)Dios ng Israel.
4 Dahil sa Jacob na (H)aking lingkod, at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking (I)pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako.
5 Ako ang Panginoon, (J)at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala,
6 Upang kanilang maalaman (K)mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.
7 Aking inilalagay ang liwanag, at nililikha ko ang kadiliman; ako'y gumagawa ng kapayapaan, at (L)lumilikha ako ng kasamaan; ako ang Panginoon, na gumagawa ng lahat na bagay na ito.
8 Maghulog, oh kayong mga langit mula sa itaas, at ang alapaap ay pumatak ng katuwiran: bumuka ang lupa, upang maglabas siya ng kaligtasan, at ang katuwiran ay lumabas na kasama niyaon; akong Panginoon ang lumikha.
9 Sa aba niya, na nakikipagpunyagi sa May-lalang sa kaniya! isang bibinga sa gitna ng mga bibinga sa lupa! (M)Magsasabi baga ang putik sa nagbibigay anyo sa kaniya, Anong ginagawa mo? o ang iyong gawa, Siya'y walang mga kamay?
10 Sa aba niya na nagsasabi sa ama, Ano ang naging anak mo? o sa babae, Ano ang ipinagdamdam mo?
11 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Banal ng Israel, at ng May-lalang sa kaniya, Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating; tungkol (N)sa aking mga anak, at tungkol (O)sa gawa ng aking mga kamay, magutos kayo sa akin.
12 Aking ginawa ang lupa, at (P)nilalang ko ang tao rito: ako, sa makatuwid baga'y ang aking mga kamay, nagladlad ng langit, at (Q)sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako.
13 Aking ibinangon (R)siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; (S)kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, (T)hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Ang Panginoon lamang ang tagapagligtas.
14 Ganito ang sabi ng Panginoon, (U)Ang yari ng Egipto, at ang kalakal ng Etiopia, at ang mga Sabeo, sa mga taong matatangkad, ay magsisiparito sa iyo, at sila'y magiging iyo; sila'y magsisisunod sa iyo, sila'y (V)magsisidaang may tanikala; at sila'y mangagpapatirapa sa iyo, sila'y magsisipamanhik sa iyo, na mangagsasabi, (W)Tunay na ang Dios ay nasa iyo; at (X)walang ibang Dios.
15 Katotohanang ikaw ay Dios (Y)na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas.
16 Sila'y mangapapahiya, oo, mangalilito silang lahat; sila'y magsisipasok sa pagkalito na magkakasama na mga manggagawa ng mga diosdiosan.
17 Nguni't ang Israel ay ililigtas ng Panginoon ng walang hanggang kaligtasan: kayo'y hindi mangapapahiya o mangalilito man magpakailan man.
18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon (Z)na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon; at wala nang iba.
19 Ako'y hindi nagsalita (AA)ng lihim, sa dako ng lupain ng kadiliman; hindi ako nagsabi sa lahi ni Jacob, Hanapin ninyo ako ng walang kabuluhan: (AB)akong Panginoon ay nagsasalita ng katuwiran, (AC)ako'y nagpapahayag ng mga bagay na matuwid.
20 Kayo'y mangagpipisan at magsiparito; magsilapit kayong (AD)magkakasama, kayong mga nakatanan sa mga bansa: (AE)sila'y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan, at (AF)nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas.
21 Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at (AG)walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at (AH)Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.
22 Kayo'y magsitingin sa akin, (AI)at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin.
23 (AJ)Ako'y sumumpa ng aking sarili, ang salita ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran, at hindi babalik, (AK)na sa akin ay luluhod ang bawa't tuhod, (AL)bawa't dila ay susumpa.
24 Sa Panginoon lamang, sasabihin ng isa tungkol sa akin, ang katuwiran at kalakasan: sa makatuwid baga'y sa kaniya magsisiparoon ang mga tao, at ang lahat na nagiinit laban sa kaniya ay mangapapahiya.
25 Sa Panginoon ay aariing ganap ang buong lahi ng Israel, at luluwalhati.
Hoffnung für Alle® (Hope for All) Copyright © 1983, 1996, 2002 by Biblica, Inc.®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
