Isaias 45
Ang Biblia, 2001
Ang Paghirang kay Ciro
45 Ganito ang sabi ng Panginoon sa kanyang pinahiran ng langis, kay Ciro,
na ang kanang kamay ay aking hinawakan,
upang pasukuin ang mga bansa sa harap niya;
at kalagan ang mga balakang ng mga hari,
upang magbukas ng mga pintuan sa harapan niya,
upang ang mga pintuan ay hindi masarhan:
2 “Ako'y magpapauna sa iyo,
at papatagin ko ang mga baku-bakong dako,
ang mga pintuang tanso ay aking wawasakin,
at ang mga harang na bakal ay aking puputulin,
3 at ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanan ng kadiliman,
at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako,
upang inyong malaman na ako ang Panginoon,
ang Diyos ng Israel na tumatawag sa iyo sa iyong pangalan.
4 Alang-alang kay Jacob na aking lingkod,
at sa Israel na aking pinili,
sa iyong pangalan ay tinawag kita,
aking pinangalanan ka, bagaman hindi mo ako kilala.
5 Ako ang Panginoon, at walang iba;
liban sa akin ay walang Diyos.
Aking binibigkisan ka, bagaman hindi mo ako kilala,
6 upang malaman ng mga tao mula sa sikatan ng araw,
at mula sa kanluran, na walang iba liban sa akin;
ako ang Panginoon, at walang iba.
7 Aking inilagay ang liwanag at nililikha ko ang kadiliman;
ako'y gumagawa ng kaginhawahan at lumilikha ako ng kapahamakan;
ako ang Panginoon, na gumagawa ng lahat ng mga bagay na ito.
Ang Panginoon ang Manlilikha
8 “Maghulog ka, O mga langit, mula sa itaas,
at ang kalangitan ay magpaulan ng katuwiran;
bumuka ang lupa, at lumitaw ang kaligtasan,
at upang ang katuwiran ay lumitaw na kasama nito,
akong Panginoon ang lumikha nito.
9 “Kahabag-habag(A) siya na makikipagpunyagi sa Maylalang sa kanya!
Isang luwad na sisidlan sa isang magpapalayok!
Sinasabi ba ng luwad sa nagbibigay anyo sa kanya, ‘Anong ginagawa mo?’
o ‘ang iyong gawa ay walang mga kamay?’
10 Kahabag-habag siya na nagsasabi sa ama, ‘Ano ang naging anak mo?’
o sa babae, ‘Ano ang ipinaghihirap mo?’”
11 Ganito ang sabi ng Panginoon,
ng Banal ng Israel, at ng Maylalang sa kanya:
“Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating;
tungkol sa aking mga anak, at tungkol sa gawa ng aking mga kamay, mag-utos kayo sa akin.
12 Aking ginawa ang lupa,
at nilikha ko ang tao sa ibabaw nito;
ako, ang aking mga kamay ang nagladlad ng mga langit,
at inuutusan ko ang lahat ng naroroon.
13 Aking ibinangon siya sa katuwiran,
at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad;
kanyang itatayo ang aking lunsod,
at kanyang palalayain ang aking mga binihag,
hindi sa halaga o sa gantimpala man,”
sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Ang Panginoon Lamang ang Tagapagligtas
14 Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Ang yari ng Ehipto at ang kalakal ng Etiopia,
at ang mga Sabeo, mga taong matatangkad,
ay paparito sa iyo, at sila'y magiging iyo;
sila'y susunod sa iyo.
Sila'y darating na may tanikala at sila'y magpapatirapa sa iyo.
Sila'y makikiusap sa iyo, na nagsasabi,
‘Tunay na ang Diyos lamang ang nasa iyo, at walang iba,
walang ibang Diyos.’”
15 Katotohanang ikaw ay Diyos na nagkukubli,
O Diyos ng Israel, ang Tagapagligtas.
16 Silang lahat ay napahiya at nalito,
ang mga manggagawa ng mga diyus-diyosan ay magkakasamang nalilito.
17 Ngunit ang Israel ay ililigtas ng Panginoon
ng walang hanggang kaligtasan;
kayo'y hindi mapapahiya o malilito man
hanggang sa walang hanggan.
18 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon
na lumikha ng langit
(siya ay Diyos!),
na nag-anyo ng lupa at gumawa niyon,
(na kanyang itinatag;
hindi niya ito nilikha na sira,
ito ay kanyang inanyuan upang tirhan!):
“Ako ang Panginoon, at wala nang iba.
19 Ako'y hindi nagsalita ng lihim,
sa dako ng lupain ng kadiliman;
hindi ko sinabi sa lahi ni Jacob,
‘Hanapin ninyo ako nang walang kabuluhan.’
Akong Panginoon ay nagsasalita ng katuwiran,
ako'y nagpapahayag ng mga bagay na matuwid.
Ang Diyus-diyosan at ang Panginoon
20 “Kayo'y magtipon at pumarito,
magsilapit kayong magkakasama, kayong mga nakaligtas sa mga bansa!
Sila'y walang kaalaman
na nagdadala ng kanilang kahoy na larawang inanyuan,
at nananalangin sa diyos
na hindi makapagliligtas.
21 Kayo'y magpahayag at maglahad;
oo, magsanggunian silang magkakasama!
Sinong nagsabi nito nang unang panahon?
Sinong nagpahayag niyon nang una?
Hindi ba ako, na Panginoon?
At walang Diyos liban sa akin,
isang matuwid na Diyos at Tagapagligtas;
walang iba liban sa akin.
22 “Kayo'y bumaling sa akin, at kayo'y maliligtas,
lahat ng dulo ng lupa!
Sapagkat ako'y Diyos, at walang iba liban sa akin.
23 Aking(B) isinumpa sa aking sarili,
mula sa aking bibig ay lumabas sa katuwiran,
ang isang salita na hindi babalik:
‘Na sa akin ay luluhod ang bawat tuhod,
bawat dila ay susumpa.’
24 “Kanyang sasabihin sa Panginoon lamang,
ang katuwiran at kalakasan,
iyon ang sasabihin tungkol sa akin;
sa kanya'y magsisiparoon ang mga tao,
at ang lahat ng nagagalit sa kanya ay mapapahiya.
25 Sa Panginoon ang lahat ng anak ng Israel
ay aariing-ganap at luluwalhatiin.”
Isaias 45
Ang Dating Biblia (1905)
45 Ganito ang sabi ng Panginoon sa kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;
2 Ako'y magpapauna sa iyo, at, papatagin ko ang mga bakobakong dako: aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal:
3 At ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanang nasa kadiliman, at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan, sa makatuwid baga'y ang Dios ng Israel.
4 Dahil sa Jacob na aking lingkod, at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako.
5 Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala.
6 Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.
7 Aking inilalagay ang liwanag, at nililikha ko ang kadiliman; ako'y gumagawa ng kapayapaan, at lumilikha ako ng kasamaan; ako ang Panginoon, na gumagawa ng lahat na bagay na ito.
8 Maghulog, oh kayong mga langit mula sa itaas, at ang alapaap ay pumatak ng katuwiran: bumuka ang lupa, upang maglabas siya ng kaligtasan, at ang katuwiran ay lumabas na kasama niyaon; akong Panginoon ang lumikha.
9 Sa aba niya, na nakikipagpunyagi sa May-lalang sa kaniya! isang bibinga sa gitna ng mga bibinga sa lupa! Magsasabi baga ang putik sa nagbibigay anyo sa kaniya, Anong ginagawa mo? o ang iyong gawa, Siya'y walang mga kamay?
10 Sa aba niya na nagsasabi sa ama, Ano ang naging anak mo? o sa babae, Ano ang ipinagdamdam mo?
11 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Banal ng Israel, at ng May-lalang sa kaniya, Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating; tungkol sa aking mga anak, at tungkol sa gawa ng aking mga kamay, magutos kayo sa akin.
12 Aking ginawa ang lupa, at nilalang ko ang tao rito: ako, sa makatuwid baga'y ang aking mga kamay, nagladlad ng langit, at sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako.
13 Aking ibinangon siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
14 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang yari ng Egipto, at ang kalakal ng Etiopia, at ang mga Sabeo, sa mga taong matatangkad, ay magsisiparito sa iyo, at sila'y magiging iyo; sila'y magsisisunod sa iyo, sila'y magsisidaang may tanikala; at sila'y mangagpapatirapa sa iyo, sila'y magsisipamanhik sa iyo, na mangagsasabi, Tunay na ang Dios ay nasa iyo; at walang ibang Dios.
15 Katotohanang ikaw ay Dios na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas.
16 Sila'y mangapapahiya, oo, mangalilito silang lahat; sila'y magsisipasok sa pagkalito na magkakasama na mga manggagawa ng mga diosdiosan.
17 Nguni't ang Israel ay ililigtas ng Panginoon ng walang hanggang kaligtasan: kayo'y hindi mangapapahiya o mangalilito man magpakailan man.
18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon; at wala nang iba.
19 Ako'y hindi nagsalita ng lihim, sa dako ng lupain ng kadiliman; hindi ako nagsabi sa lahi ni Jacob, Hanapin ninyo ako ng walang kabuluhan: akong Panginoon ay nagsasalita ng katuwiran, ako'y nagpapahayag ng mga bagay na matuwid.
20 Kayo'y mangagpipisan at magsiparito; magsilapit kayong magkakasama, kayong mga nakatanan sa mga bansa: sila'y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan, at nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas.
21 Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.
22 Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin.
23 Ako'y sumumpa ng aking sarili, ang salita ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran, at hindi babalik, na sa akin ay luluhod ang bawa't tuhod, bawa't dila ay susumpa.
24 Sa Panginoon lamang, sasabihin ng isa tungkol sa akin, ang katuwiran at kalakasan: sa makatuwid baga'y sa kaniya magsisiparoon ang mga tao, at ang lahat na nagiinit laban sa kaniya ay mangapapahiya.
25 Sa Panginoon ay aariing ganap ang buong lahi ng Israel, at luluwalhati.
Isaias 45
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Pinili ng Dios si Cyrus
45 Ito ang sinabi ng Panginoon kay Cyrus na kanyang hinirang at pinalakas ang kapangyarihan, “Sakupin mo ang mga bansa at pasukuin mo ang mga hari. Buksan mo ang mga pintuan ng kanilang mga lungsod at agawin, at hindi na ito isasara. 2 Ako ang maghahanda ng iyong dadaanan, at papatagin ko ang mga bundok. Gigibain ko ang mga pintuang tanso at ang mga tarangkahang bakal nito. 3 Ibibigay ko sa iyo ang mga nakatagong kayamanan, para malaman mong ako ang Panginoon, ang Dios ng Israel na tumawag sa iyo. 4 Tinawag kita para tulungan mo ang Israel na aking lingkod at pinili. Pinarangalan kita kahit na hindi mo pa ako nakikilala. 5 Ako ang Panginoon, at wala nang iba pa; maliban sa akin ay wala nang ibang Dios. Palalakasin kita kahit na hindi mo pa ako nakikilala 6 para malaman ng lahat sa buong mundo na walang ibang Dios maliban sa akin. Ako ang Panginoon at wala nang iba pa. 7 Ako ang lumikha ng liwanag at ng dilim. Ako ang nagpapadala ng kabutihan at ng kapahamakan. Ako ang Panginoon na gumawa ng lahat ng ito. 8 Magbibigay ako ng tagumpay na parang ulan. Matatanggap ito ng mga tao sa mundo, at kakalat ang kaligtasan at tagumpay na parang tanim na tumutubo. Ako ang Panginoong gumawa nito. 9 Nakakaawa ang taong nakikipagtalo sa Dios na lumikha sa kanya. Ang katulad niyaʼy palayok lamang. Ang putik bang ginagawang palayok ay maaaring magsabi sa magpapalayok kung ano ang dapat niyang gawin? O makakapagreklamo ba siyang walang kakayahan ang magpapalayok? 10 Nakakaawa ang anak na nagsasabi sa kanyang mga magulang, ‘Bakit ba ninyo ako ginawang ganito?’ ”
11 Ito pa ang sinabi ng Panginoon, ang Banal na Dios ng Israel, na lumikha sa kanya, “Nagrereklamo ba kayo sa mga ginagawa ko? Inuutusan nʼyo ba ako sa mga dapat kong gawin? 12 Ako ang gumawa ng mundo at ng lahat ng naninirahan dito. Ang mga kamay ko ang nagladlad ng langit, at ako ang nag-utos sa araw, buwan at mga bituin na lumabas. 13 Ako ang tumawag kay Cyrus para isagawa ang aking layunin. Gagawin kong tama ang lahat ng pamamaraan niya. Itatayo niyang muli ang aking lungsod at palalayain niya ang mga mamamayan kong binihag. Gagawin niya ito hindi dahil sa binigyan siya ng suhol o regalo. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”
14 Sinabi ng Panginoon sa Israel, “Masasakop mo ang mga taga-Egipto, ang mga taga-Etiopia[a] at ang mga taga-Sabea na ang mga lalaki ay matatangkad. Paparito sila sa iyo na dala ang kanilang mga kayamanan at mga ani. Silaʼy magiging mga bihag mo. Luluhod sila sa iyo at magsasabi, ‘Ang Dios ay totoong kasama mo, at wala nang ibang Dios!’ ”
15 O Dios at Tagapagligtas ng Israel, hindi nʼyo ipinapakita ang inyong sarili. 16 Mapapahiya ang lahat ng gumagawa ng mga rebultong dios-diosan. 17 Pero ang Israel ay ililigtas nʼyo, Panginoon, at ang kaligtasan nila ay walang hanggan. Hindi na sila mapapahiya kahit kailan.
18 Kayo Panginoon ang Dios. Kayo ang lumikha ng langit at ng mundo. Hindi nʼyo ginawa ang mundo nang walang nabubuhay. Ginawa nʼyo ito para matirhan. Sinabi nʼyo, “Ako ang Panginoon at wala nang iba pa. 19 Hindi ako nagsalita nang lihim, nang walang nakakaalam. Hindi ko sinabi sa mga lahi ni Jacob na dumulog sila sa akin, na wala naman silang matatanggap sa akin. Ako ang Panginoon, nagsasalita ako ng katotohanan. Sinasabi ko kung ano ang dapat.”
20 Sinabi pa ng Panginoon, “Magtipon kayong lahat at lumapit sa akin, kayong mga tumakas mula sa mga bansa. Walang alam ang mga nagdadala ng mga dios-diosan nilang kahoy. Nananalangin sila sa mga dios-diosang ito, na hindi naman makapagliligtas sa kanila. 21 Isangguni ninyo sa isaʼt isa, at ihayag ang inyong usapin. Sino ang humula noon tungkol sa mga bagay na mangyayari? Hindi baʼt ako, ang Panginoon? Wala nang ibang Dios, ako lang, ang Dios na matuwid at Tagapagligtas.
22 “Lumapit kayo sa akin para maligtas kayo, kayong lahat sa buong mundo.[b] Sapagkat ako ang Dios at maliban sa akin ay wala nang iba pa. 23 Sumumpa ako sa aking sarili, at ang mga sinabi koʼy hindi na mababago. Ang lahat ay luluhod sa akin, at silaʼy mangangakong magiging tapat sa akin. 24 Sasabihin nila, ‘Tanging sa tulong lamang ng Panginoon ang taoʼy magkakaroon ng lakas at tagumpay na may katuwiran.’ ” Ang lahat ng napopoot sa Panginoon ay lalapit sa kanya at mapapahiya. 25 Sa tulong ng Panginoon ang lahat ng lahi ng Israel ay makakaranas ng tagumpay na may katuwiran at magpupuri sila sa kanya.
Isaiah 45
New International Version
45 “This is what the Lord says to his anointed,(A)
to Cyrus,(B) whose right hand I take hold(C) of
to subdue nations(D) before him
and to strip kings of their armor,
to open doors before him
so that gates will not be shut:
2 I will go before you(E)
and will level(F) the mountains[a];
I will break down gates(G) of bronze
and cut through bars of iron.(H)
3 I will give you hidden treasures,(I)
riches stored in secret places,(J)
so that you may know(K) that I am the Lord,
the God of Israel, who summons you by name.(L)
4 For the sake of Jacob my servant,(M)
of Israel my chosen,
I summon you by name
and bestow on you a title of honor,
though you do not acknowledge(N) me.
5 I am the Lord, and there is no other;(O)
apart from me there is no God.(P)
I will strengthen you,(Q)
though you have not acknowledged me,
6 so that from the rising of the sun
to the place of its setting(R)
people may know(S) there is none besides me.(T)
I am the Lord, and there is no other.
7 I form the light and create darkness,(U)
I bring prosperity and create disaster;(V)
I, the Lord, do all these things.
8 “You heavens above, rain(W) down my righteousness;(X)
let the clouds shower it down.
Let the earth open wide,
let salvation(Y) spring up,
let righteousness flourish with it;
I, the Lord, have created it.
9 “Woe to those who quarrel(Z) with their Maker,(AA)
those who are nothing but potsherds(AB)
among the potsherds on the ground.
Does the clay say to the potter,(AC)
‘What are you making?’(AD)
Does your work say,
‘The potter has no hands’?(AE)
10 Woe to the one who says to a father,
‘What have you begotten?’
or to a mother,
‘What have you brought to birth?’
11 “This is what the Lord says—
the Holy One(AF) of Israel, and its Maker:(AG)
Concerning things to come,
do you question me about my children,
or give me orders about the work of my hands?(AH)
12 It is I who made the earth(AI)
and created mankind on it.
My own hands stretched out the heavens;(AJ)
I marshaled their starry hosts.(AK)
13 I will raise up Cyrus[b](AL) in my righteousness:
I will make all his ways straight.(AM)
He will rebuild my city(AN)
and set my exiles free,
but not for a price or reward,(AO)
says the Lord Almighty.”
14 This is what the Lord says:
“The products(AP) of Egypt and the merchandise of Cush,[c]
and those tall Sabeans(AQ)—
they will come over to you(AR)
and will be yours;
they will trudge behind you,(AS)
coming over to you in chains.(AT)
They will bow down before you
and plead(AU) with you, saying,
‘Surely God is with you,(AV) and there is no other;
there is no other god.(AW)’”
15 Truly you are a God who has been hiding(AX) himself,
the God and Savior(AY) of Israel.
16 All the makers of idols will be put to shame and disgraced;(AZ)
they will go off into disgrace together.
17 But Israel will be saved(BA) by the Lord
with an everlasting salvation;(BB)
you will never be put to shame or disgraced,(BC)
to ages everlasting.
18 For this is what the Lord says—
he who created the heavens,
he is God;
he who fashioned and made the earth,(BD)
he founded it;
he did not create it to be empty,(BE)
but formed it to be inhabited(BF)—
he says:
“I am the Lord,
and there is no other.(BG)
19 I have not spoken in secret,(BH)
from somewhere in a land of darkness;(BI)
I have not said to Jacob’s descendants,(BJ)
‘Seek(BK) me in vain.’
I, the Lord, speak the truth;
I declare what is right.(BL)
20 “Gather together(BM) and come;
assemble, you fugitives from the nations.
Ignorant(BN) are those who carry(BO) about idols of wood,
who pray to gods that cannot save.(BP)
21 Declare what is to be, present it—
let them take counsel together.
Who foretold(BQ) this long ago,
who declared it from the distant past?(BR)
Was it not I, the Lord?
And there is no God apart from me,(BS)
a righteous God(BT) and a Savior;(BU)
there is none but me.
22 “Turn(BV) to me and be saved,(BW)
all you ends of the earth;(BX)
for I am God, and there is no other.(BY)
23 By myself I have sworn,(BZ)
my mouth has uttered in all integrity(CA)
a word that will not be revoked:(CB)
Before me every knee will bow;(CC)
by me every tongue will swear.(CD)
24 They will say of me, ‘In the Lord alone
are deliverance(CE) and strength.(CF)’”
All who have raged against him
will come to him and be put to shame.(CG)
25 But all the descendants(CH) of Israel
will find deliverance(CI) in the Lord
and will make their boast in him.(CJ)
Footnotes
- Isaiah 45:2 Dead Sea Scrolls and Septuagint; the meaning of the word in the Masoretic Text is uncertain.
- Isaiah 45:13 Hebrew him
- Isaiah 45:14 That is, the upper Nile region
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

