Isaias 44
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Panginoon Lamang ang Dios
44 “Pero ngayon, makinig ka, O Israel na aking lingkod, ang mga mamamayan na aking pinili, na mga lahi ni Jacob. 2 Ako, ang Panginoon, na lumikha at tumutulong sa iyo. Huwag kang matakot, ikaw na aking lingkod at pinili ko. 3 Sapagkat binigyan kita ng tubig na pamatid uhaw at babasa sa iyong lupang tigang. Ibibigay ko ang aking Espiritu sa iyong lahi at pagpapalain ko sila. 4 Lalago sila na parang halaman na nasa tabi ng masaganang tubig o mga puno sa tabi ng ilog. 5 May mga magsasabi, ‘Ako ay sa Panginoon.’ At mayroon ding magsasabi, ‘Akoʼy lahi ni Jacob.’ Mayroon ding mga maglalagay ng tatak sa kanilang kamay ng pangalan ng Panginoon, at ituturing ang sarili na kabilang sa mga mamamayan ng Israel.
Walang Kabuluhan ang mga Dios-diosan
6 “Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Hari at Tagapagligtas ng Israel, ang Panginoong Makapangyarihan: Ako ang simula at wakas ng lahat. Maliban sa akin ay wala nang iba pang Dios. 7 Sino ang kagaya ko? Sabihin niya sa harap ko kung ano ang mga nangyari mula nang itayo ko na maging isang bansa ang aking mga mamamayan noong unang panahon. At sabihin din niya kung ano ang mangyayari sa hinaharap. 8 Huwag kayong matakot o kabahan man. Hindi baʼt ipinaalam ko na sa inyo noong una pa ang layunin ko sa inyo? Kayo ang mga saksi ko. Mayroon pa bang ibang Dios maliban sa akin? Wala! Wala na akong alam na may iba pang Bato na kanlungan maliban sa akin.” 9 Walang kwentang tao ang mga gumagawa ng mga rebultong dios-diosan. At ang mga rebultong ito na labis nilang pinahahalagahan ay walang halaga. Sila rin ang makakapagpatunay na ang mga iyon ay wala ring halaga. Sapagkat ang mga iyon ay hindi nakakakita at walang nalalaman. Kaya nga napapahiya ang mga sumasamba sa mga iyon. 10 Hangal ang taong gumagawa ng mga rebultong hindi naman napapakinabangan. 11 Tandaan ninyo! Ang lahat ng sumasamba sa mga rebulto ay mapapahiya, dahil ang mga iyan ay gawa lang ng tao. Magsama-sama man sila at akoʼy harapin, matatakot sila at mapapahiya rin.
12 Ang panday ay kumukuha ng kapirasong bakal at isinasalang sa baga. Pagkatapos, pupukpukin niya ito ng maso para maghugis rebulto. Nanghihina siya sa gutom at halos mawalan ng malay dahil sa uhaw. 13 Ang karpintero naman ay sumusukat ng kaputol na kahoy. Ginuguhitan niya ito ng anyo ng tao. Pagkatapos, uukit siya ng magandang larawan ng tao sa pamamagitan ng kanyang mga gamit para ilagay sa isang templo. 14 At para may magamit siyang kahoy, pumuputol siya ng sedro, ensina, o sipres[a] na kanyang itinanim sa kagubatan. Nagtanim din siya ng puno ng abeto, at sa kadidilig ng ulan ay tumubo ito. 15 Ang ibang piraso ng kahoy ay ginagamit niyang panggatong para pampainit at panluto ng pagkain. At ang ibang piraso ng kahoy ay ginagawa niyang rebulto na niluluhuran at sinasamba. 16 Ang ibang piraso naman ay ipinanggagatong niya at sa baga nitoʼy nag-iihaw siya ng karne, pagkatapos ay kumakain at nabubusog. Nagpapainit din siya sa apoy at sinasabi niya, “Ang sarap ng init.” 17 At ang ibang piraso ay ginagawa niyang rebulto at sa rebultong itoʼy nananalangin siya ng ganito, “Iligtas mo ako, sapagkat ikaw ang aking dios.”
18 Hindi alam at hindi nauunawaan ng mga taong ito ang kanilang ginagawa. Tinakpan ang mga mata nila kaya hindi sila makakita. Tinakpan din ang kanilang mga isip, kaya hindi sila makaunawa. 19 Walang nakakaisip na magsabi, “Ang kaputol ng kahoy ay ipinangluto ko ng pagkain, ipinang-ihaw ng karne, at aking kinain. Gagawin ko bang kasuklam-suklam na rebulto ang natirang kahoy? Sasambahin ko ba ang isang pirasong kahoy?”
20 Ang mga gumagawa nitoʼy parang kumain ng abo. Ang hangal niyang isip ang nagligaw sa kanya, at hindi niya maililigtas ang kanyang sarili. At hindi siya papayag na ang rebultong nasa kanya ay hindi dios.
21 Sinabi pa ng Panginoon, “Israel, dahil sa ikaw ay aking lingkod, isipin mo ito: Ginawa kita para maglingkod sa akin. Hindi kita kalilimutan. 22 Ang mga kasalanan moʼy parang ulap o ambon na pinaglaho ko na. Manumbalik ka sa akin para mailigtas kita.”
23 O kalangitan, umawit ka sa tuwa! O mundo, sumigaw ka nang malakas! Umawit kayo, kayong mga bundok at mga kagubatan. Sapagkat Ililigtas ng Panginoon ang lahi ni Jacob; ipapakita niya ang kanyang kapangyarihan sa Israel. 24 Ito ang sinasabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas na lumikha sa inyo: Ako ang Panginoong lumikha ng lahat ng bagay. Ako lang mag-isa ang naglatag ng langit at ako lang din ang lumikha ng mundo. 25 Binigo ko ang mga hula ng mga huwad na propeta. At ginagawa kong mangmang ang mga nanghuhula. Binabaliktad ko ang sinasabi ng marurunong at ginagawa kong walang kabuluhan ang kanilang nalalaman. 26 Pero tinutupad ko ang propesiya ng aking mga lingkod at mga tagapagsalita. Sinabi kong ang Jerusalem ay muling titirhan, at ang iba pang bayan ng Juda na nagiba ay muling itatayo. 27 Kapag sinabi kong matutuyo ang ilog, matutuyo nga ito. 28 Sinabi ko kay Cyrus, “Ikaw ang tagapagbantay ng aking mga mamamayan at gagawin mo ang lahat ng nais ko. Mag-uutos ka na muling itayo ang Jerusalem at ang templo roon.”
Footnotes
- 44:14 sipres: o, “pine tree.”
Isaias 44
Ang Biblia (1978)
Ang Panginoon lamang ang iisang Dios.
44 Gayon ma'y dinggin mo ngayon, Oh (A)Jacob na aking lingkod, at Israel, na aking pinili:
2 Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo (B)sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; (C)Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw (D)Jeshurun, na aking pinili.
3 Sapagka't (E)ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi:
4 At sila'y sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis.
5 Sasabihin ng isa, Ako'y sa Panginoon; at magpapangalan ang iba ng pangalang Jacob; at magsusulat ang iba ng kaniyang kamay ng sa Panginoon, at magpapamagat (F)ng pangalan ng Israel.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, (G)Ako ang una, at ako ang huli; at (H)liban sa akin ay walang Dios.
7 At sino, na gaya ko, tatawag, at (I)magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.
8 Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: (J)hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at (K)kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.
Inilarawan ang kahangalan ng idolatria.
9 (L)Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay (M)hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya.
10 Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan (N)na di pakikinabangan sa anoman?
11 Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila'y mangatatakot, sila'y mangahihiyang magkakasama.
12 Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol, at (O)gumagawa sa mga baga, at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok, at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig: oo, siya'y gutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya'y hindi umiinom ng tubig, at patá.
13 Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay.
14 Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan.
15 Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at (P)pinagpapatirapaan.
16 Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy:
17 At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios.
18 (Q)Hindi sila mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka't ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang mangakaunawa.
19 At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako'y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy?
20 Siya'y kumain ng abo: iniligaw siya ng (R)nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang (S)kabulaanan sa aking kanang kamay?
Inililigtas ng Panginoon ang kaniyang bayan.
21 Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, Oh Jacob, at Israel; sapagka't (T)ikaw ay aking lingkod: aking inanyuan ka; ikaw ay aking lingkod: Oh Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan.
22 Aking pinawi na (U)parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos (V)kita.
23 Magsiawit, Oh (W)kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, (X)mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel.
24 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng (Y)iyong Manunubos, at niyang (Z)naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa;
25 Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling, at (AA)nagpapaging ulol sa mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at (AB)nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman;
26 Na nagpapatatag ng salita ng (AC)kaniyang lingkod, at nagsasagawa ng payo ng kaniyang mga sugo; na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, Siya'y tatahan; at tungkol sa mga bayan ng Juda, Mangatatayo, at aking ibabangon ang mga sirang dako niyaon:
27 Na nagsasabi sa kalaliman, (AD)Ikaw ay matuyo, at aking tutuyuin ang iyong mga ilog;
28 Na nagsasabi tungkol kay (AE)Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, (AF)Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.
Isaias 44
Ang Biblia, 2001
Walang Ibang Diyos
44 “Ngunit ngayo'y pakinggan mo, O Jacob na aking lingkod,
at Israel na aking pinili!
2 Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo,
at mula sa sinapupunan ay nagbigay sa iyo ng anyo, na siyang tutulong sa iyo:
Huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod;
Jeshurun, na aking pinili.
3 Sapagkat bubuhusan ko ng tubig ang uhaw na lupa,
at ng mga bukal ang tuyong lupa;
aking ibubuhos ang aking Espiritu sa lahi mo,
at ang aking pagpapala sa mga anak mo.
4 Sila'y sisibol sa gitna ng mga damo, gaya ng sauce,
tulad ng mga halaman sa dumadaloy na batis.
5 Sasabihin ng isang ito, ‘Ako'y sa Panginoon,’
at tatawaging Jacob ng iba ang kanyang sarili,
at isusulat ng iba sa kanyang kamay, ‘Sa Panginoon,’
at tatawagin ang kanyang sarili sa pangalang Israel.”
6 Ganito(A) ang sabi ng Panginoon, ang Hari ng Israel,
at ng kanyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo:
“Ako ang una at ang huli;
at liban sa akin ay walang Diyos.
7 At sino, na gaya ko, tatawag, at magpapahayag,
at mag-aayos sa ganang akin,
mula nang aking itatag ang matandang bayan?
At ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.
8 Kayo'y huwag matakot, o mangilabot man
hindi ko ba ipinahayag sa iyo nang una, at sinabi iyon?
At kayo ang aking mga saksi!
May Diyos ba liban sa akin?
Oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.”
Walang Kabuluhang Pagtitiwala
9 Lahat ng gumagawa ng mga diyus-diyosan ay walang kabuluhan, at ang mga bagay na kanilang kinalulugdan ay hindi mapapakinabangan. At ang kanilang mga saksi ay hindi nakakakita ni nakakaalam, upang sila'y mapahiya.
10 Sino ang nag-anyo sa isang diyos, o naghulma ng larawang inanyuan, na di pakikinabangan sa anuman?
11 Narito, lahat ng kanyang kasama ay mapapahiya; ang mga manggagawa ay mga tao lamang. Hayaang magtipon silang lahat, hayaan silang magsitayo; sila'y matatakot, sila'y sama-samang mapapahiya.
12 Ang panday na may kagamitang bakal ay gumagawa nito sa mga baga, at sa pamamagitan ng mga pamukpok, siya'y humuhugis sa pamamagitan ng malakas na bisig. Siya'y nagugutom, at ang kanyang lakas ay nawawala, siya'y hindi umiinom ng tubig, at nanghihina.
13 Ang karpintero ay nag-uunat ng isang pising panukat, kanyang tinatandaan iyon ng lapis, kanyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam at tinatandaan ng mga kompas. Hinuhugisan niya ito ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang manirahan sa bahay.
14 Pumuputol siya para sa kanya ng mga sedro, at kumukuha siya ng puno ng roble at ng ensina, pinapatibay niya para sa kanya sa gitna ng mga punungkahoy sa gubat. Siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at pinalalago iyon ng ulan.
15 Pagkatapos iyon ay magiging panggatong para sa tao; kumukuha siya ng bahagi nito upang ipagpainit sa sarili. Siya'y nagsisindi ng apoy at nagluluto ng tinapay. Gagawa rin siya ng isang diyos, at sasambahin iyon; ginagawa niya itong larawang inanyuan at lumuluhod sa harapan niyon.
16 Kanyang iginagatong ang kalahati niyon sa apoy, at ang kalahati nito ay ikinakain niya ng karne, siya'y nag-iihaw ng iihawin at nasisiyahan. Siya'y nagpapainit din at nagsasabi, “Aha, ako'y naiinitan, aking nakikita ang apoy!”
17 At ang nalabi ay ginagawa niyang diyos, ang kanyang diyus-diyosan. Kanya itong niluluhuran at sinasamba, dinadalanginan, at nagsasabi, “Iligtas mo ako; sapagkat ikaw ay aking diyos!”
18 Hindi nila nalalaman, o nauunawaan man; sapagkat ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag makakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang makaunawa.
19 At walang nakakaalala o mayroon mang kaalaman, o pang-unawa upang magsabi, “Aking sinunog ang kalahati niyon sa apoy; ako ay nagluto din ng tinapay sa mga baga niyon; ako'y nag-ihaw ng karne at kinain ko; at gagawin ko ba ang nalabi niyon na kasuklamsuklam? Magpapatirapa ba ako sa isang pirasong kahoy?”
20 Siya'y kumakain ng abo; iniligaw siya ng nadayang kaisipan, at hindi niya mailigtas ang kanyang kaluluwa, o makapagsabi, “Wala bang kasinungalingan sa aking kanang kamay?”
Ang Tagapagligtas ng Israel
21 Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, O Jacob,
at Israel, sapagkat ikaw ay aking lingkod;
aking inanyuan ka, ikaw ay aking lingkod;
O Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan.
22 Aking pinawi na parang ulap ang mga pagsuway mo,
at ang iyong mga kasalanan na gaya ng ambon,
manumbalik ka sa akin sapagkat ikaw ay tinubos ko.
23 Umawit ka, O langit, sapagkat ginawa iyon ng Panginoon;
kayo'y sumigaw, O mga mababang bahagi ng lupa;
kayo'y biglang mag-awitan, O mga bundok,
O gubat, at bawat punungkahoy doon!
Sapagkat tinubos ng Panginoon ang Jacob,
at luluwalhatiin ang kaniyang sarili sa Israel.
24 Ganito ang sabi ng Panginoon, ang iyong Manunubos,
at nag-anyo sa iyo mula sa sinapupunan:
“Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay;
na mag-isang nagladlad ng mga langit,
na naglatag ng lupa—sinong kasama ko?
25 na(B) bumibigo sa mga tanda ng mga sinungaling,
at ginagawang hangal ang mga manghuhula;
na nagpapaurong sa mga pantas,
at ginagawang kahangalan ang kanilang kaalaman;
26 na nagpapatunay sa salita ng kanyang lingkod,
at nagsasagawa ng payo ng kanyang mga sugo;
na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, ‘Siya'y paninirahan;’
at tungkol sa mga lunsod ng Juda, ‘Matatayo sila,
at aking ibabangon ang kanilang pagkaguho.’
27 Na nagsasabi sa kalaliman, ‘Ikaw ay matuyo,
aking tutuyuin ang iyong mga ilog;’
28 na(C) nagsasabi tungkol kay Ciro, ‘Siya'y aking pastol,
at kanyang tutuparin ang lahat ng aking kaligayahan’;
na nagsasabi tungkol sa Jerusalem, ‘Siya'y matatayo,’
at sa templo, ‘Ang iyong pundasyon ay ilalagay.’”
Isaiah 44
New International Version
Israel the Chosen
44 “But now listen, Jacob, my servant,(A)
Israel, whom I have chosen.(B)
2 This is what the Lord says—
he who made(C) you, who formed you in the womb,(D)
and who will help(E) you:
Do not be afraid,(F) Jacob, my servant,(G)
Jeshurun,[a](H) whom I have chosen.
3 For I will pour water(I) on the thirsty land,
and streams on the dry ground;(J)
I will pour out my Spirit(K) on your offspring,
and my blessing(L) on your descendants.(M)
4 They will spring up like grass(N) in a meadow,
like poplar trees(O) by flowing streams.(P)
5 Some will say, ‘I belong(Q) to the Lord’;
others will call themselves by the name of Jacob;
still others will write on their hand,(R) ‘The Lord’s,’(S)
and will take the name Israel.
The Lord, Not Idols
6 “This is what the Lord says—
Israel’s King(T) and Redeemer,(U) the Lord Almighty:
I am the first and I am the last;(V)
apart from me there is no God.(W)
7 Who then is like me?(X) Let him proclaim it.
Let him declare and lay out before me
what has happened since I established my ancient people,
and what is yet to come—
yes, let them foretell(Y) what will come.
8 Do not tremble, do not be afraid.
Did I not proclaim(Z) this and foretell it long ago?
You are my witnesses. Is there any God(AA) besides me?
No, there is no other Rock;(AB) I know not one.”
9 All who make idols(AC) are nothing,
and the things they treasure are worthless.(AD)
Those who would speak up for them are blind;(AE)
they are ignorant, to their own shame.(AF)
10 Who shapes a god and casts an idol,(AG)
which can profit nothing?(AH)
11 People who do that will be put to shame;(AI)
such craftsmen are only human beings.
Let them all come together and take their stand;
they will be brought down to terror and shame.(AJ)
12 The blacksmith(AK) takes a tool
and works with it in the coals;
he shapes an idol with hammers,
he forges it with the might of his arm.(AL)
He gets hungry and loses his strength;
he drinks no water and grows faint.(AM)
13 The carpenter(AN) measures with a line
and makes an outline with a marker;
he roughs it out with chisels
and marks it with compasses.
He shapes it in human form,(AO)
human form in all its glory,
that it may dwell in a shrine.(AP)
14 He cut down cedars,
or perhaps took a cypress or oak.
He let it grow among the trees of the forest,
or planted a pine,(AQ) and the rain made it grow.
15 It is used as fuel(AR) for burning;
some of it he takes and warms himself,
he kindles a fire and bakes bread.
But he also fashions a god and worships(AS) it;
he makes an idol and bows(AT) down to it.
16 Half of the wood he burns in the fire;
over it he prepares his meal,
he roasts his meat and eats his fill.
He also warms himself and says,
“Ah! I am warm; I see the fire.(AU)”
17 From the rest he makes a god, his idol;
he bows down to it and worships.(AV)
He prays(AW) to it and says,
“Save(AX) me! You are my god!”
18 They know nothing, they understand(AY) nothing;
their eyes(AZ) are plastered over so they cannot see,
and their minds closed so they cannot understand.
19 No one stops to think,
no one has the knowledge or understanding(BA) to say,
“Half of it I used for fuel;(BB)
I even baked bread over its coals,
I roasted meat and I ate.
Shall I make a detestable(BC) thing from what is left?
Shall I bow down to a block of wood?”(BD)
20 Such a person feeds on ashes;(BE) a deluded(BF) heart misleads him;
he cannot save himself, or say,
“Is not this thing in my right hand a lie?(BG)”
21 “Remember(BH) these things, Jacob,
for you, Israel, are my servant.(BI)
I have made you, you are my servant;(BJ)
Israel, I will not forget you.(BK)
22 I have swept away(BL) your offenses like a cloud,
your sins like the morning mist.
Return(BM) to me,
for I have redeemed(BN) you.”
23 Sing for joy,(BO) you heavens, for the Lord has done this;
shout aloud, you earth(BP) beneath.
Burst into song, you mountains,(BQ)
you forests and all your trees,(BR)
for the Lord has redeemed(BS) Jacob,
he displays his glory(BT) in Israel.
Jerusalem to Be Inhabited
I am the Lord,
the Maker of all things,
who stretches out the heavens,(BX)
who spreads out the earth(BY) by myself,
25 who foils(BZ) the signs of false prophets
and makes fools of diviners,(CA)
who overthrows the learning of the wise(CB)
and turns it into nonsense,(CC)
26 who carries out the words(CD) of his servants
and fulfills(CE) the predictions of his messengers,
who says of Jerusalem,(CF) ‘It shall be inhabited,’
of the towns of Judah, ‘They shall be rebuilt,’
and of their ruins,(CG) ‘I will restore them,’(CH)
27 who says to the watery deep, ‘Be dry,
and I will dry up(CI) your streams,’
28 who says of Cyrus,(CJ) ‘He is my shepherd
and will accomplish all that I please;
he will say of Jerusalem,(CK) “Let it be rebuilt,”
and of the temple,(CL) “Let its foundations(CM) be laid.”’
Footnotes
- Isaiah 44:2 Jeshurun means the upright one, that is, Israel.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

