Isaias 43
Ang Biblia, 2001
Ang Panginoon Lamang ang Makapagliligtas
43 Ngunit ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon,
siya na lumalang sa iyo, O Jacob,
siya na nag-anyo sa iyo, O Israel:
“Huwag kang matakot, sapagkat ikaw ay tinubos ko;
tinawag kita sa pangalan mo, ikaw ay akin.
2 Kapag ikaw ay dumaraan sa tubig, ako'y makakasama mo;
at sa pagtawid sa mga ilog ay hindi ka nila aapawan,
kapag ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog;
at hindi ka tutupukin ng apoy.
3 Sapagkat ako ang Panginoon mong Diyos,
ang Banal ng Israel, ang iyong Tagapagligtas.
Aking ibinigay ang Ehipto bilang pantubos sa iyo,
ang Etiopia at ang Seba bilang kapalit mo.
4 Sapagkat ikaw ay mahalaga sa aking paningin,
at kagalang-galang, at minamahal kita,
nagbibigay ako ng mga tao na pamalit sa iyo,
at mga bayan na kapalit ng buhay mo.
5 Huwag kang matakot, sapagkat ako'y kasama mo;
aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silangan,
at titipunin kita mula sa kanluran.
6 Aking sasabihin sa hilaga, Hayaan mo,
at sa timog, Huwag mong pigilin;
dalhin mo rito ang aking mga anak na lalaki na sa malayo nagmula,
at ang aking mga anak na babae na mula sa mga dulo ng lupa,
7 bawat tinatawag sa aking pangalan,
sila na aking nilikha ay para sa aking kaluwalhatian,
oo, yaong aking inanyuan, oo, yaong aking ginawa.”
Ang Israel ang Saksi ng Panginoon
8 Iyong ilabas ang mga taong bulag, gayunma'y may mga mata,
na mga bingi, gayunma'y may mga tainga!
9 Hayaang sama-samang magtipon ang lahat na bansa,
at magpulong ang mga bayan.
Sino sa kanila ang makapagpapahayag nito,
at makapagsasabi sa amin ng mga dating bagay?
Dalhin nila ang kanilang mga saksi, upang sila'y mapawalang-sala,
at dinggin nila, at sabihin, Katotohanan nga.
10 “Kayo'y aking mga saksi,” sabi ng Panginoon,
“at aking lingkod na aking pinili,
upang inyong malaman at manampalataya kayo sa akin,
at inyong maunawaan na Ako nga.
Walang diyos na inanyuan na una sa akin,
o magkakaroon man pagkatapos ko.
11 Ako, ako ang Panginoon,
at liban sa akin ay walang tagapagligtas.
12 Ako'y nagpahayag, ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala,
nang walang ibang diyos sa gitna ninyo;
at kayo ang aking mga saksi,” sabi ng Panginoon.
13 “Ako ang Diyos, at mula sa walang hanggan ay ako nga;
walang sinumang makapagliligtas mula sa aking kamay;
ako'y gumagawa at sinong pipigil?”
Ang Pagtakas mula sa Babilonia
14 Ganito ang sabi ng Panginoon,
na inyong Manunubos, ang Banal ng Israel:
“Dahil sa inyo ay magsusugo ako sa Babilonia,
at aking ibinaba silang lahat na parang mga palaboy,
at ang sigawan ng mga Caldeo ay magiging panaghoy.
15 Ako ang Panginoon, ang inyong Banal,
ang Maylalang ng Israel, ang inyong Hari.”
16 Ganito ang sabi ng Panginoon,
na gumagawa ng daan sa dagat,
at sa malalawak na tubig ay mga landas,
17 na nagpalabas ng karwahe at kabayo,
ng hukbo at ng mandirigma;
sila'y magkasamang humihiga, hindi sila makabangon,
sila'y namamatay, nauupos na parang mitsa.
18 “Huwag ninyong alalahanin ang mga dating bagay,
o isaalang-alang man ang mga bagay nang una.
19 Narito, ako'y gagawa ng isang bagong bagay;
ngayon iyon ay lalabas; hindi ba ninyo malalaman iyon?
Gagawa ako ng daan sa ilang,
at ng mga ilog sa disyerto.
20 Pararangalan ako ng mababangis na hayop
ng mga asong-gubat at ng mga avestruz;
sapagkat ako'y nagbibigay ng tubig sa ilang,
at ng mga ilog sa disyerto,
upang bigyan ng inumin ang pinili kong bayan,
21 ang bayan na aking inanyuan para sa aking sarili,
upang kanilang ipahayag ang aking kapurihan.
Ang Kasalanan ng Israel
22 “Gayunma'y hindi ka tumawag sa akin, O Jacob;
kundi ikaw ay nayamot sa akin, O Israel!
23 Hindi mo dinala sa akin ang iyong tupa para sa handog na sinusunog,
o pinarangalan mo man ako ng iyong mga handog.
Hindi ko ipinapasan sa iyo ang mga handog,
o pinahirapan ka man sa pamamagitan ng kamanyang.
24 Hindi mo ako ibinili ng mabangong kalamo sa halaga ng salapi,
o binusog mo man ako ng taba ng iyong mga handog.
Kundi pinagpasan mo ako ng iyong mga kasalanan,
iyong pinahirapan ako ng iyong mga kasamaan.
Ang Pagpapatawad ng Panginoon
25 Ako, ako nga
ang siyang pumapawi ng iyong mga pagsuway alang-alang sa akin,
at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan.
26 Ilagay mo ako sa alaala, tayo'y kapwa mangatuwiran;
sabihin mo upang ikaw ay mapatunayang matuwid.
27 Ang iyong unang ama ay nagkasala,
at ang iyong mga tagapagsalita ay nagsisalangsang laban sa akin.
28 Kaya't aking durungisan ang mga pinuno ng santuwaryo,
at dadalhin ko ang Jacob sa pagkawasak
at ang Israel sa pagkakutya.
Isaias 43
Ang Biblia (1978)
Ang Panginoon lamang ang makapagliligtas.
43 Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, (A)sapagka't tinubos kita; tinawag (B)kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.
2 Pagka ikaw ay dumaraan (C)sa tubig, (D)ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad (E)sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo.
3 Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas (F)sa iyo; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang (G)Egipto, ang Etiopia at ang Seba.
4 Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka; kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay.
5 Huwag kang matakot, (H)sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi (I)mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;
6 Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;
7 Bawa't (J)tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay (K)sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.
8 Iyong ilabas ang bulag na bayan (L)na may mga mata, at ang bingi may mga tainga.
9 Mapisan ang lahat na bansa, at magpulong ang mga bayan: (M)sino sa gitna nila ang makapagpapahayag nito, at makapagpapakita sa amin ng mga dating bagay? dalhin nila ang kanilang mga saksi, upang sila'y mapatotohanan: o dinggin nila, at magsabi, Katotohanan nga.
10 (N)Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, (O)at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; (P)walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.
11 Ako, sa makatuwid baga'y (Q)ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas.
12 Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala, at walang (R)ibang dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios.
13 (S)Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil?
Tagapagligtas mula sa Babilonia.
14 Ganito ang sabi ng Panginoon, na inyong (T)Manunubos, na Banal ng Israel, Dahil sa inyo ay nagsugo ako sa Babilonia, at aking ibababa silang lahat na parang mga palaboy, sa makatuwid baga'y ang mga Caldeo, sa mga sasakyang dagat ng kaniyang kagalakan.
15 Ako ang Panginoon, na inyong Banal, ang Maylalang ng Israel, na inyong Hari.
16 Ganito ang sabi ng Panginoon, na (U)gumagawa ng daan sa dagat, ng landas sa mga malawak na tubig;
17 (V)Na pinalabas ang karo at kabayo, ang hukbo at ang kapangyarihan (sila'y nangahihigang magkakasama, sila'y hindi na magsisibangon; sila'y nangamamatay na parang timsim):
18 Huwag ninyong alalahanin (W)ang mga dating bagay, o bulayin man ang mga bagay ng una.
19 Narito, ako'y gagawa ng bagong bagay; ngayon yao'y lalabas; hindi baga ninyo malalaman yaon? gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal, at (X)mga ilog sa ilang.
20 Pararangalan ako ng mga hayop sa parang, ng mga chakal at ng mga avestruz: sapagka't ako'y nagbibigay ng tubig sa lupaing masukal, at ng mga ilog sa ilang, upang painumin ang aking bayan, na aking pinili,
21 Ang bayan, na aking inanyuan para sa aking sarili, upang kanilang maihayag ang aking kapurihan.
22 Gayon ma'y hindi ka tumawag sa akin, Oh Jacob; kundi ikaw ay nayamot (Y)sa akin, Oh Israel.
23 Hindi mo dinala sa akin (Z)ang mga tupa't kambing na iyong mga pinakahandog na susunugin; o pinarangalan mo man ako ng iyong mga hain. Hindi kita pinapaglingkod ng mga handog, o niyamot man kita ng kamangyan.
24 Hindi mo ako ibinili ng mabangong kalamo sa halaga ng salapi, o binusog mo man ako ng taba ng iyong mga hain: kundi pinapaglingkod mo ako ng iyong mga kasalanan, iyong niyamot (AA)ako ng iyong mga kasamaan.
Ang pagpapatawad ng Panginoon.
25 Ako, (AB)ako nga ay siyang pumapawi ng iyong mga pagsalangsang alang-alang sa akin; at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan.
26 Ipaalaala mo ako; tayo'y kapuwa magkatuwiranan: ilabas mo ang iyong usap, upang ikaw ay mapatotohanan.
27 Ang iyong pangunang ama ay nagkasala, at ang iyong mga tagapagpaaninaw ay nagsisalangsang laban sa akin.
28 Kaya't (AC)aking dudumhan ang mga pangulo ng santuario, at gagawin kong sumpa ang Jacob, at isang kadustaan ang Israel.
Isaiah 43
New American Bible (Revised Edition)
Chapter 43
Promises of Redemption and Restoration
1 But now, thus says the Lord,
who created you, Jacob, and formed you, Israel:
Do not fear, for I have redeemed you;
I have called you by name: you are mine.
2 When you pass through waters, I will be with you;
through rivers, you shall not be swept away.
When you walk through fire, you shall not be burned,
nor will flames consume you.
3 For I, the Lord, am your God,
the Holy One of Israel, your savior.
I give Egypt as ransom for you,
Ethiopia and Seba[a] in exchange for you.
4 Because you are precious in my eyes
and honored, and I love you,
I give people in return for you
and nations in exchange for your life.(A)
5 Fear not, for I am with you;
from the east I will bring back your offspring,
from the west I will gather you.
6 I will say to the north: Give them up!
and to the south: Do not hold them!
Bring back my sons from afar,
and my daughters from the ends of the earth:(B)
7 All who are called by my name
I created for my glory;
I formed them, made them.
8 Lead out the people, blind though they have eyes,
deaf though they have ears.
9 Let all the nations gather together,
let the peoples assemble!
Who among them could have declared this,
or announced to us the earlier things?[b]
Let them produce witnesses to prove themselves right,
that one may hear and say, “It is true!”
10 You are my witnesses[c]—oracle of the Lord—
my servant whom I have chosen
To know and believe in me
and understand that I am he.
Before me no god was formed,
and after me there shall be none.
11 I, I am the Lord;
there is no savior but me.
12 It is I who declared, who saved,
who announced, not some strange god among you;
You are my witnesses—oracle of the Lord.
I am God,
13 yes, from eternity I am he;
There is none who can deliver from my hand:
I act and who can cancel it?(C)
14 Thus says the Lord, your redeemer,[d]
the Holy One of Israel:
For your sake I send to Babylon;
I will bring down all her defenses,
and the Chaldeans shall cry out in lamentation.
15 I am the Lord, your Holy One,
the creator of Israel, your King.
16 Thus says the Lord,
who opens a way in the sea,
a path in the mighty waters,(D)
17 Who leads out chariots and horsemen,
a powerful army,
Till they lie prostrate together, never to rise,
snuffed out, quenched like a wick.(E)
18 Remember not[e] the events of the past,
the things of long ago consider not;
19 See, I am doing something new!
Now it springs forth, do you not perceive it?
In the wilderness I make a way,
in the wasteland, rivers.
20 Wild beasts honor me,
jackals and ostriches,
For I put water in the wilderness
and rivers in the wasteland
for my chosen people to drink,
21 The people whom I formed for myself,
that they might recount my praise.
22 Yet you did not call upon me, Jacob,[f]
for you grew weary of me, Israel.
23 You did not bring me sheep for your burnt offerings,
nor honor me with your sacrifices.
I did not exact from you the service of offerings,
nor weary you for frankincense.(F)
24 You did not buy me sweet cane,[g]
nor did you fill me with the fat of your sacrifices;
Instead, you burdened me with your sins,
wearied me with your crimes.
25 It is I, I, who wipe out,
for my own sake, your offenses;
your sins I remember no more.
26 Would you have me remember, have us come to trial?
Speak up, prove your innocence!
27 Your first father[h] sinned;
your spokesmen rebelled against me
28 Till I repudiated the holy princes,
put Jacob under the ban,
exposed Israel to scorn.
Footnotes
- 43:3–4 Egypt…Ethiopia and Seba: countries which God permitted the Persians to conquer in return for having given Israel its freedom.
- 43:9 Who among them…?: God, and only God, can foretell the future because it is he who brings it to pass. The argument from prediction is an important theme in Second Isaiah and occurs also in 41:22; 43:10; 44:7–8, 26.
- 43:10 You are my witnesses: Israel’s role as chosen people now takes a new turn as they are given the active role of bearing witness before humankind to the Lord’s role in history by proclaiming events beforehand and bringing them to pass; see also 44:8. The false gods, on the other hand, cannot produce such witnesses (v. 9; cf. 44:9). I am he: this formula of self-identification, repeated in vv. 13 and 25, is used here to support the assertion that the Lord alone is God; see also 41:4; 46:4; 48:12; 51:12; 52:6. This expression in part may be behind the self-identification formula used by Jesus in John’s gospel (cf. Jn 8:58). Before…after: another example of the same assertion, that the Lord alone is God; see also note on 44:6.
- 43:14–17 The destruction of Babylon is described in language that recalls the drowning of the Egyptian army in the Red Sea (Ex 14–15).
- 43:18 Remember not: God’s new act of delivering Israel from the Babylonian captivity is presented as so great a marvel as to eclipse even the memory of the exodus from Egypt. This comparison of the return from Babylon to the exodus from Egypt recurs throughout Second Isaiah (cf. 41:17–20; 43:18–21; 48:20–21; 49:8–13; 51:9–11).
- 43:22–28 The reason for the liberation of the Israelites is not their constancy but rather God’s faithfulness to his promise (cf. 40:6–8).
- 43:24 Sweet cane: a fragrant substance used in making incense and the sacred anointing oil; cf. Ex 30:23; Jer 6:20.
- 43:27 First father: Jacob. Spokesmen: leaders, priests, prophets.
Isaiah 43
New International Version
Israel’s Only Savior
43 But now, this is what the Lord says—
he who created(A) you, Jacob,
he who formed(B) you, Israel:(C)
“Do not fear, for I have redeemed(D) you;
I have summoned you by name;(E) you are mine.(F)
2 When you pass through the waters,(G)
I will be with you;(H)
and when you pass through the rivers,
they will not sweep over you.
When you walk through the fire,(I)
you will not be burned;
the flames will not set you ablaze.(J)
3 For I am the Lord your God,(K)
the Holy One(L) of Israel, your Savior;(M)
I give Egypt(N) for your ransom,
Cush[a](O) and Seba(P) in your stead.(Q)
4 Since you are precious and honored(R) in my sight,
and because I love(S) you,
I will give people in exchange for you,
nations in exchange for your life.
5 Do not be afraid,(T) for I am with you;(U)
I will bring your children(V) from the east
and gather(W) you from the west.(X)
6 I will say to the north, ‘Give them up!’
and to the south,(Y) ‘Do not hold them back.’
Bring my sons from afar
and my daughters(Z) from the ends of the earth(AA)—
7 everyone who is called by my name,(AB)
whom I created(AC) for my glory,(AD)
whom I formed and made.(AE)”
8 Lead out those who have eyes but are blind,(AF)
who have ears but are deaf.(AG)
9 All the nations gather together(AH)
and the peoples assemble.
Which of their gods foretold(AI) this
and proclaimed to us the former things?
Let them bring in their witnesses to prove they were right,
so that others may hear and say, “It is true.”
10 “You are my witnesses,(AJ)” declares the Lord,
“and my servant(AK) whom I have chosen,
so that you may know(AL) and believe me
and understand that I am he.
Before me no god(AM) was formed,
nor will there be one after me.(AN)
11 I, even I, am the Lord,(AO)
and apart from me there is no savior.(AP)
12 I have revealed and saved and proclaimed—
I, and not some foreign god(AQ) among you.
You are my witnesses,(AR)” declares the Lord, “that I am God.
13 Yes, and from ancient days(AS) I am he.(AT)
No one can deliver out of my hand.
When I act, who can reverse it?”(AU)
God’s Mercy and Israel’s Unfaithfulness
14 This is what the Lord says—
your Redeemer,(AV) the Holy One(AW) of Israel:
“For your sake I will send to Babylon
and bring down as fugitives(AX) all the Babylonians,[b](AY)
in the ships in which they took pride.
15 I am the Lord,(AZ) your Holy One,
Israel’s Creator,(BA) your King.(BB)”
16 This is what the Lord says—
he who made a way through the sea,
a path through the mighty waters,(BC)
17 who drew out(BD) the chariots and horses,(BE)
the army and reinforcements together,(BF)
and they lay(BG) there, never to rise again,
extinguished, snuffed out like a wick:(BH)
18 “Forget the former things;(BI)
do not dwell on the past.
19 See, I am doing a new thing!(BJ)
Now it springs up; do you not perceive it?
I am making a way in the wilderness(BK)
and streams in the wasteland.(BL)
20 The wild animals(BM) honor me,
the jackals(BN) and the owls,
because I provide water(BO) in the wilderness
and streams in the wasteland,
to give drink to my people, my chosen,
21 the people I formed(BP) for myself(BQ)
that they may proclaim my praise.(BR)
22 “Yet you have not called on me, Jacob,
you have not wearied(BS) yourselves for[c] me, Israel.(BT)
23 You have not brought me sheep for burnt offerings,(BU)
nor honored(BV) me with your sacrifices.(BW)
I have not burdened(BX) you with grain offerings
nor wearied you with demands(BY) for incense.(BZ)
24 You have not bought any fragrant calamus(CA) for me,
or lavished on me the fat(CB) of your sacrifices.
But you have burdened me with your sins
and wearied(CC) me with your offenses.(CD)
25 “I, even I, am he who blots out
your transgressions,(CE) for my own sake,(CF)
and remembers your sins(CG) no more.(CH)
26 Review the past for me,
let us argue the matter together;(CI)
state the case(CJ) for your innocence.
27 Your first father(CK) sinned;
those I sent to teach(CL) you rebelled(CM) against me.
28 So I disgraced the dignitaries of your temple;
I consigned Jacob to destruction[d](CN)
and Israel to scorn.(CO)
Footnotes
- Isaiah 43:3 That is, the upper Nile region
- Isaiah 43:14 Or Chaldeans
- Isaiah 43:22 Or Jacob; / surely you have grown weary of
- Isaiah 43:28 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord, often by totally destroying them.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Scripture texts, prefaces, introductions, footnotes and cross references used in this work are taken from the New American Bible, revised edition © 2010, 1991, 1986, 1970 Confraternity of Christian Doctrine, Inc., Washington, DC All Rights Reserved. No part of this work may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without permission in writing from the copyright owner.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

