Isaias 40:7-9
Ang Biblia (1978)
7 Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't (A)ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon; tunay na ang bayan ay damo.
8 Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; (B)nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man.
9 Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Sion, sumampa ka sa mataas na bundok; Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Jerusalem, ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan; ilakas mo, huwag kang matakot; sabihin mo sa mga bayan ng Juda, Tingnan ang inyong Dios!
Read full chapter
Isaias 40:7-9
Ang Biblia, 2001
7 Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta,
kapag ang hininga ng Panginoon ay humihihip doon;
tunay na ang mga tao ay damo.
8 Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta;
ngunit ang salita ng ating Diyos ay mamamalagi magpakailanman.
9 Umakyat ka sa mataas na bundok,
O Zion, tagapagdala ng mabubuting balita;
itaas mo ang iyong tinig na may kalakasan,
O Jerusalem, tagapagdala ng mabubuting balita,
itaas mo, huwag kang matakot;
sabihin mo sa mga lunsod ng Juda,
“Tingnan ang inyong Diyos!”
Isaias 40:7-9
Ang Dating Biblia (1905)
7 Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon; tunay na ang bayan ay damo.
8 Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man.
9 Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Sion, sumampa ka sa mataas na bundok; Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Jerusalem, ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan; ilakas mo, huwag kang matakot; sabihin mo sa mga bayan ng Juda, Tingnan ang inyong Dios!
Read full chapter
Isaias 40:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
7 Ang damo ay nalalanta at ang bulaklak nito ay nalalaglag kapag hinipan ng hanging mula sa Panginoon. 8 Ang damo ay nalalanta at ang bulaklak nito ay nalalaglag, pero ang salita ng ating Dios ay mananatili magpakailanman.”
9 Kayong mga nagdadala ng magandang balita sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem, umakyat kayo sa mataas na bundok, at isigaw ninyo ang magandang balita. Huwag kayong matakot, sabihin ninyo sa mga bayan ng Juda na nandiyan na ang kanilang Dios.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
