Add parallel Print Page Options

27 Kayong mga mamamayan ng Israel na lahi ni Jacob, bakit kayo nagrereklamo na ang inyong mga panukala at mga karapatan ay binalewala ng Dios? 28 Hindi nʼyo ba alam o hindi nʼyo ba narinig na ang Panginoon ay walang hanggang Dios na lumikha ng buong mundo?[a] Hindi siya napapagod o nanghihina at walang nakakaarok ng kanyang isip. 29 Pinalalakas niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod. 30 Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal, 31 ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Read full chapter

Footnotes

  1. 40:28 buong mundo: sa literal, sa pinakadulo ng mundo.