Add parallel Print Page Options

Pagkakasakit at pasalamat ni Ezechias.

38 Nang mga araw na yaon (A)ay may sakit na ikamamatay si Ezechias. At si Isaias na propeta na anak ni Amoz ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayusin mo ang iyong sangbahayan; sapagka't ikaw ay mamamatay, at hindi mabubuhay.

Nang magkagayo'y ipinihit ni Ezechias ang kaniyang mukha sa panig, at nanalangin sa Panginoon,

At nagsabi, Idinadalangin ko sa iyo; (B)Oh Panginoon, na iyong alalahanin, kung paanong ako'y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso, at gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak ng di kawasa.

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Isaias, na nagsasabi,

Ikaw ay yumaon, at sabihin mo kay Ezechias, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ni David na iyong magulang, Aking dininig ang iyong panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking idaragdag sa iyong mga kaarawan ang labing limang taon.

At aking ililigtas ikaw at ang bayang ito sa kamay ng hari sa Asiria: at aking ipagsasanggalang ang bayang (C)ito.

At ito ang magiging pinaka tanda sa iyo na mula sa Panginoon, na gagawin ng Panginoon ang bagay na ito na kaniyang sinalita,

(D)Narito, aking ipauurong ang anino sa mga baytang, ng sangpung baytang, na aninong pinababa sa mga baytang ni Ahaz sa pamamagitan ng araw, Sa gayo'y umurong ang araw ng sangpung baytang sa mga baytang na binabaan.

Ang sulat ni Ezechias na hari sa Juda, nang siya'y magkasakit, at gumaling sa kaniyang sakit.

10 Aking sinabi, Sa katanghalian ng aking mga kaarawan ay papasok ako sa mga pintuan ng Sheol:
Ako'y nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon.
11 Aking sinabi, hindi ko makikita ang Panginoon, ang Panginoon (E)sa lupain ng buháy:
Hindi ko na makikita pa ang tao, na kasama ng mga nananahan sa sanglibutan.
12 (F)Ang tirahan ko'y inaalis, at dinadala na (G)gaya ng tolda ng pastor:
Aking pinupulon ang aking buhay, na gaya ng pagpupulon ng manghahabi; kaniyang ihihiwalay ako sa habihan:
Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako.
13 Ako'y tumigil hanggang sa kinaumagahan; katulad ng leon, gayon niya binabali ang lahat kong mga buto:
Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako.
14 Gaya ng langaylangayan o ng tagak, humihibik ako;
(H)Ako'y tumangis na parang kalapati: (I)ang aking mga mata ay nangangalumata sa pagtingala;
Oh Panginoon, ako'y napipighati, ikaw nawa'y maging tangulan sa akin.
15 Anong aking sasabihin? siya'y nagsalita sa akin, at kaniya namang ginawa:
Ako'y yayaong marahan lahat kong taon, (J)dahil sa paghihirap ng aking kaluluwa.
16 Oh Panginoon, sa pamamagitan ng mga bagay na ito, nabubuhay ang mga tao;
At buong nasa ilalim niyan ang buhay ng aking diwa:
Kaya't pagalingin mo ako, at ako'y iyong buhayin.
17 Narito, sa aking ikapapayapa ay nagtamo ako ng malaking paghihirap:
Nguni't ikaw, sa pagibig mo sa aking kaluluwa ay iyong iniligtas sa hukay ng kabulukan;
Sapagka't iyong itinapon ang lahat ng aking mga kasalanan sa iyong likuran.
18 (K)Sapagka't hindi ka maaring purihin ng Sheol, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan!
(L)Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan.
19 Ang buháy, ang buháy, siya'y pupuri sa iyo, gaya ng ginagawa ko sa araw na ito:
(M)Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan.
20 Ang Panginoon ay handa upang iligtas ako:
Kaya't aming aawitin ang aming mga awit sa mga panugtog na kawad,
Lahat ng kaarawan ng aming buhay sa bahay ng Panginoon.

21 (N)Sinabi nga ni Isaias, Magsikuha sila ng isang binilong igos, at ilagay na pinakatapal sa bukol, at siya'y gagaling.

22 Sinabi rin ni (O)Ezechias, Ano ang tanda na ako'y sasampa sa bahay ng Panginoon?

38 ¶ Vè menm epòk sa a, Ezekyas tonbe malad, li te prèt pou l' mouri. Pwofèt Ezayi, pitit Amòz la, vin wè li, li di l' konsa: -Men sa Seyè a voye di ou: Ou mèt mete lòd nan zafè ou paske ou pral mouri. Pa gen rechap pou ou.

Ezekyas vire figi li bay panno a fas, li lapriyè Seyè a.

Li di: -Tanpri, Seyè! Chonje jan mwen te sèvi ou ak tout kè mwen san m' pa janm vire do ba ou! Mwen te toujou fè sa ou te vle m' fè. Epi li pran kriye kont kriye l'.

Lè sa a, Seyè a pale ak Ezayi, li di l' konsa:

-Tounen al jwenn Ezekyas. W'a di l' pou mwen, men sa Seyè a, Bondye David, zansèt ou a, voye di ou: Mwen tande lapriyè ou. Mwen wè jan sa fè ou mal. M'ap kite ou viv kenzan ankò.

M'ap delivre ou ansanm ak lavil Jerizalèm anba men wa Lasiri a. M'a pran defans lavil la.

Ezayi reponn li: -Men siy Seyè a pral fè ou wè pou ou ka konnen l'ap kenbe pawòl li.

Gade kadran solèy wa Akaz te fè a. Seyè a pral fè lonbraj la fè bak sou dis ti mak. Epi vre, lonbraj la mache fè bak sou dènye dis ti mak li te fin depase.

¶ Men kantik Ezekyas, wa a, te chante lè li refè apre maladi li a:

10 Mwen t'ap di nan kè m' se mwatye nan lavi m' ase mwen viv. Gade mwen gen tan pral mouri. Mwen rive nan pòt pou m' antre kote mò yo ye a. M'ap mouri anvan lè m'.

11 Mwen te kwè mwen pa t'ap janm gen chans ankò pou m' te wè Seyè a sou latè kote moun vivan yo ye a, ni pou m' te wè pesonn ankò nan moun k'ap viv sou latè.

12 Tankou yon ti kay jaden, yo rache m', yo demoli m' pote m' ale. Yo koupe lavi m' tankou yo koupe fil nan metye moun k'ap tise twal yo. Soti nan maten rive aswè, m'ap deperi.

13 Tout lannwit m'ap rele anba doulè. Tankou yon lyon, Bondye t'ap kraze tout zo nan kò m'. Soti nan maten rive nan aswè, m'ap deperi.

14 M'ap plenn tou piti tankou ranmye. M'ap plenyen tankou yon toutrèl. Je m' bouke tank m'ap gade syèl la. Seyè, mwen pa kapab ankò! Vin fè kichòy pou mwen non!

15 Kijan pou m' pale avè l'? Sa pou m' di l'? Se Seyè a k'ap fè travay li. Malgre tout lapenn sa a ki nan kè m' lan, m'a debat ak lavi a jouk mwen mouri.

16 Seyè! nan bon kè ou, ou fè m' jwi lavi. Souf lavi a nan mwen toujou. W'ap geri m', w'ap ban m' lavi.

17 Ou wete m' nan kè sere m' te ye a. Se ou menm ki wete m' nan bouch twou a. Ou voye tout peche m' yo jete dèyè do ou.

18 Yo pa fè lwanj ou kote mò yo ye a. Non. Moun mouri pa ka fè fèt pou ou! Moun ki deja desann kote mò yo ye a pa ka konte sou ou pou ou kenbe pawòl ou.

19 Se moun ki vivan ase ki ka fè lwanj ou tankou mwen menm jòdi a. Granmoun va fè pitit yo konnen jan ou toujou kenbe pawòl!

20 Seyè a delivre m'! N'a fè mizik sou tout enstriman mizik nou yo n'a chante nan kay Seyè a pandan tout lavi nou.

21 Ezayi mande pou yo fè yon kataplas ak fig frans mete sou kote wa a malad la, pou li ka geri.

22 Lè sa a, wa Ezekyas mande: -Kisa k'ap fè m' konnen m'a ka al nan tanp lan ankò?

'Isaias 38 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.