Add parallel Print Page Options

21 Ang totoo, sasalakay ang Panginoon katulad ng ginawa niya sa Bundok ng Perazim at sa Lambak ng Gibeon. Gagawin niya ang hindi inaasahan ng kanyang mga mamamayan.

22 Kaya ngayon, huwag na kayong mangutya, baka dagdagan pa niya ang parusa niya sa inyo. Sapagkat napakinggan ko mismo ang utos ng Panginoong Dios na Makapangyarihan na wawasakin niya ang inyong buong lupain. 23 Pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko.

Read full chapter

21 Sapagka't ang Panginoon ay babangon na gaya sa bundok ng (A)Perasim, siya'y napopoot na gaya sa libis ng (B)Gabaon; upang kaniyang magawa ang kaniyang gawain, ang kaniyang kakaibang gawain, at papangyarihin ang kaniyang gawain, ang kaniyang kakaibang gawain.

22 Huwag nga kayong mapagtuya, baka ang mga panali sa inyo ay magsitibay: sapagka't (C)ang paglipol na ipinasiya, narinig ko sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, sa buong lupa.

23 Pakinggan ninyo, at dinggin ninyo ang aking tinig, inyong dinggin, at pakinggan ang aking pananalita.

Read full chapter

21 Sapagkat(A) ang Panginoon ay babangon na gaya sa Bundok ng Perasim,
    siya'y mapopoot na gaya sa libis ng Gibeon;
upang gawin ang kanyang gawain—kataka-taka ang kanyang gawa!
    at upang gawin ang kanyang gawain—kakaiba ang kanyang gawain!
22 Kaya't ngayo'y huwag kayong manuya,
    baka ang mga panali sa inyo ay magsitibay,
sapagkat ako'y nakarinig ng utos ng pagwasak,
    mula sa Panginoong Diyos ng mga hukbo, sa buong lupa.

23 Makinig kayo, at pakinggan ninyo ang aking tinig,
    inyong dinggin, at pakinggan ang aking pananalita.

Read full chapter
'Isaias 28:21-23' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.