Isaias 28:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Narito, may inihanda na ang Panginoon, isang taong malakas at makapangyarihan;
sinlakas ito ng isang mapaminsalang bagyo,
taglay ang malakas na hangin, ulan at rumaragasang baha,
upang palubugin ang buong lupa.
3 Yuyurakan ang ipinagmamalaking karangalan
ng mga lasenggong pinuno ng Israel.
4 Mabilis ang pagkawala ng kanyang nagniningning na kagandahan
tulad ng pagkaubos ng mga unang bunga ng igos,
na agad kinukuha at kinakain kapag nahinog.
Isaias 28:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Narito, ang Panginoon ay may isang makapangyarihan at malakas na sugo (A)parang bagyo ng granizo, na manggigibang bagyo, parang unos ng bumubugsong tubig na bumabaha, ay ibubuwal niya sa lupa sa pamamagitan ng malakas na kamay.
3 Ang putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim ay mayayapakan ng paa:
4 At ang lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan, na nasa ulunan ng mainam na libis, magiging gaya ng maagang hinog na bunga ng igos bago magtaginit; na kung nakikita ng tumitingin, samantalang na sa kaniyang kamay pa, kinakain na niya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
