Add parallel Print Page Options

Ang Mensahe tungkol sa Babilonia

21 Ang mensaheng itoʼy tungkol sa Babilonia:[a]

Sasalakay ang mga kaaway na parang buhawi. Dadaan ito sa Negev mula sa ilang, sa nakakapangilabot na lupain. Nakita ko ang isang kakila-kilabot na pangitain tungkol sa kataksilan at kapahamakan.

Kayong mga taga-Elam at taga-Media, palibutan ninyo ang Babilonia at salakayin. Wawakasan na ng Dios ang pagpapahirap niya sa ibang bansa.

Ang nakita kong ito sa pangitain ay nagdulot sa akin ng matinding takot at nakadama ako ng pananakit ng katawan, na para bang babaeng naghihirap sa panganganak.

Read full chapter

Footnotes

  1. 21:1 Babilonia: sa literal, ilang na malapit sa tabing-dagat.