Add parallel Print Page Options

Ang Mensahe tungkol sa Babilonia

21 Ang mensaheng itoʼy tungkol sa Babilonia:[a]

Sasalakay ang mga kaaway na parang buhawi. Dadaan ito sa Negev mula sa ilang, sa nakakapangilabot na lupain. Nakita ko ang isang kakila-kilabot na pangitain tungkol sa kataksilan at kapahamakan.

Kayong mga taga-Elam at taga-Media, palibutan ninyo ang Babilonia at salakayin. Wawakasan na ng Dios ang pagpapahirap niya sa ibang bansa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 21:1 Babilonia: sa literal, ilang na malapit sa tabing-dagat.