Add parallel Print Page Options

Parurusahan ng Diyos ang Damasco

17 Isang(A) pahayag tungkol sa Damasco.

Narito, ang Damasco ay hindi na magiging lunsod,
    at magiging isang buntong sira.
Ang mga lunsod ng Aroer ay napapabayaan;[a]
    iyon ay magiging para sa mga kawan,
    na hihiga, at walang mananakit sa kanila.
Ang kuta ay mawawala sa Efraim,
    at ang kaharian sa Damasco;
at ang nalabi sa Siria ay magiging
    gaya ng kaluwalhatian ng mga anak ni Israel, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Sa araw na iyon,
    ang kaluwalhatian ng Jacob ay ibababa,
    at ang katabaan ng kanyang laman ay mangangayayat.
At ito'y magiging gaya nang kapag tinitipon ng mang-aani ang nakatayong trigo,
    at ginagapas ng kanyang kamay ang mga uhay;
oo, magiging gaya ng pamumulot ng mga uhay
    sa Libis ng Refaim.
Gayunma'y maiiwan doon ang mga pinulot,
    gaya ng kapag niyugyog ang puno ng olibo—
na dalawa o tatlong bunga
    ay naiiwan sa dulo ng kataas-taasang sanga,
apat o lima
    sa mga sanga ng mabungang punungkahoy, sabi ng Panginoong Diyos ng Israel.

Matatapos ang Pagsamba sa mga Diyus-diyosan

Sa araw na iyon ay pahahalagahan ng mga tao ang Maylalang sa kanila, ang kanilang mga mata ay titingin sa Banal ng Israel.

Hindi nila pahahalagahan ang mga dambana, na gawa ng kanilang mga kamay, at hindi sila titingin sa ginawa ng kanilang mga daliri, maging sa mga sagradong poste,[b] o sa mga altar ng insenso.

Sa araw na iyon, ang kanilang matitibay na lunsod ay magiging gaya ng mga dakong pinabayaan sa gubat, at sa taluktok ng bundok, na pinabayaan dahil sa mga anak ni Israel; at magiging wasak.

10 Sapagkat kinalimutan mo ang Diyos ng iyong kaligtasan,
    at hindi mo inalala ang Malaking Bato ng iyong kanlungan.
Kaya't bagaman nagtatanim ka ng mabubuting pananim,
    at naglagay ka ng ibang sangang pananim.
11 Bagaman sa araw ng iyong pagtatanim ay iyong inalagaan,
    at pinamumulaklak mo ang mga iyon sa kinaumagahan,
gayunma'y mawawala ang ani
    sa araw ng kalungkutan at walang lunas na hapdi.
12 Ah, ang ingay ng maraming bansa,
    na umuugong na gaya ng ugong ng mga dagat;
Ah, ang ingay ng mga bansa,
    na nagsisiugong na parang ugong ng bugso ng malakas na mga tubig!
13 Ang mga bansa ay umuugong na parang agos ng maraming tubig,
    ngunit sila'y sasawayin niya, at sila'y magsisitakas sa malayo,
at papaspasin na gaya ng ipa sa mga bundok sa harap ng hangin,
    at gaya ng ipu-ipong alabok sa harap ng bagyo.
14 Sa gabi, ay narito ang nakakatakot!
    At bago dumating ang umaga, ay wala na sila!
Ito ang bahagi nila na nagsisisamsam sa atin,
    at ang kapalaran nila na nagnakaw sa atin.

Footnotes

  1. Isaias 17:2 Sa Hebreo ay may magpakailanman .
  2. Isaias 17:8 Sa Hebreo ay Ashera .
'Isaias 17 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

17 Ang hula tungkol sa Damasco. Narito, ang Damasco ay naalis sa pagkabayan, at magiging isang buntong ginto.

Ang mga bayan ng Aroer ay napabayaan: yao'y magiging sa mga kawan, na hihiga, at walang tatakot.

Ang moog sa kuta naman ay mawawala sa Ephraim, at mawawalan ng kaharian ang Damasco, at ang nalabi sa Siria; sila'y magiging gaya ng kaluwalhatian ng mga anak ni Israel, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

At mangyayari sa araw na yaon, na ang kaluwalhatian ng Jacob ay mangliliit, at ang katabaan ng kaniyang laman ay mangangayayat.

At mangyayari na gaya ng pamumulot ng mangaani ng nakatayong trigo, at ng panggapas ng kaniyang kamay ng mga uhay; oo, magiging gaya ng pamumulot ng mga uhay sa libis ng Ephraim.

Gayon ma'y maiiwan doon ang mga pinulot, gaya ng pagugog sa puno ng olibo na dalawa o tatlong bunga ay naiiwan sa dulo ng kataastaasang sanga, apat o lima sa kaduluduluhang mga sanga ng mabungang punong kahoy, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel.

Sa araw na yaon ay titingin ang mga tao sa Maylalang sa kanila, ang kanilang mga mata ay magkakaroon ng pitagan sa Banal ng Israel.

At sila'y hindi titingin sa mga dambana, na gawa ng kanilang mga kamay, o magkakaroon man sila ng pitagan sa ginawa ng kanilang mga daliri, maging sa mga Asera, o sa mga larawang araw.

Sa araw na yao'y ang kanilang mga matibay na bayan ay magiging gaya ng mga dakong pinabayaan sa gubat, at sa taluktok ng bundok, na pinabayaan sa harap ng angkan ni Israel: at magiging sira.

10 Sapagka't iyong nilimot ang Dios ng inyong kaligtasan, at hindi mo inalaala ang malaking bato ng iyong kalakasan: kaya't nagtatanim ka ng mga maligayang pananim, at iyong ibinabaon ang punla ng iba:

11 Sa araw ng iyong pagtatanim ay iyong binabakuran, at sa kinaumagahan ay iyong pinamumulaklak ang iyong binhi; nguni't nawawalan ng ani sa araw ng kalumbayan at sa lubhang kahapisan.

12 Ah, ang kaingay ng maraming bayan, na nagsisiugong na gaya ng ugong ng mga dagat; at ang daluhong ng mga bansa, na nagsisiugong na parang ugong ng bugso ng tubig!

13 Ang mga bansa ay magsisihugos na parang agos ng maraming tubig nguni't sila'y sasawayin niya, at magsisitakas sa malayo, at papaspasin na gaya ng ipa sa mga bundok sa harap ng hangin, at gaya ng ipoipong alabok sa harap ng bagyo.

14 Sa gabi ay narito ang kakilabutan; at bago dumating ang umaga ay wala na sila. Ito ang bahagi nila na nagsisisamsam sa atin, at ang palad nila na nangagnanakaw sa atin.

God’s Message to Aram

17 This is a ·message [prophecy; oracle; burden] about Damascus:

[L Look; T Behold] The city of Damascus will ·be destroyed [L cease to be];
    only ruins will remain.
The cities of Aroer will be ·abandoned [deserted; desolate].
    ·Flocks will wander freely in those empty towns [L They will be for flocks];
    they will lie down and no one will ·bother [disturb; frighten] them.
The ·strong, walled [fortified] cities of ·Israel [L Ephraim; C the most influential tribe of the northern kingdom of Israel] will be destroyed.
    The ·government in Damascus will end [L kingdom from Damascus; C the capital of Syria].
·Those left alive [The remnant] of Aram [C Syria] will be
    like the glory of Israel,” says the Lord ·All-Powerful [Almighty; of Heaven’s Armies; T of hosts].

“·At that time [L In that day] ·Israel’s wealth [L Jacob’s glory] will ·all be gone [or fade; wane].
    ·Israel will be like a body wasting away from sickness [L The fatness of his flesh will grow lean].
That time will be like the grain harvest in the Valley of Rephaim.
    The workers cut the wheat.
    Then they cut the heads of grain from the plants
    and collect the grain.
That time will also be like ·the olive harvest [when an olive tree is beaten],
    when ·a few olives [L gleanings] are left [24:13].
Two or three olives are left in the top branches.
    Four or five olives are left on full branches,” says the Lord, the God of Israel.

·At that time [L In that day] people will look to their Maker;
    their eyes will ·see [or L look toward] the Holy One of Israel [1:4].
They will not trust the altars ·they have made [L the work of their hands],
    nor will they trust what their ·hands [L fingers] have made,
not even the ·Asherah idols [L Asherahs; C sacred trees or poles dedicated to the goddess Asherah] and ·altars [incense altars].

·At that time [L In that day] all their strong cities will be empty. They will be like the ·cities the Hivites and [or wooded heights] the Amorites left when the ·Israelites [L sons/T children of Israel] came to take the land. Everything will be ruined.

10 You have forgotten the God who ·saves [rescues] you;
    you have not remembered ·that God is your place of safety [L the Rock, your stronghold/strength].
You plant ·the finest [beautiful; pleasant] plants
    and grapevines from ·faraway [exotic; foreign] places.
11 You plant your grapevines one day and try to make them grow,
    and ·the next day [in the morning] you make them blossom.
But ·at harvest time everything will be dead [L the harvest will be a heap/disaster];
    ·a sickness will kill all the plants [L in the day of disease and incurable pain].

12 ·Listen [or Woe] to the many people!
    ·Their crying is like the noise from the sea [They rage/roar like the raging/roaring sea].
·Listen [or Woe] to the nations!
    Their ·crying [roar] is like the ·crashing [roaring] of great ·waves [waters].
13 The people roar like the ·waves [roaring of many waters],
    but when ·God [L he] ·speaks harshly to [shouts at; rebukes] them, they will ·run [flee far] away.
They will be like chaff on the hills being blown by the wind,
    or like ·tumbleweeds [L a rolling thing] blown away by a storm.
14 ·At night [L In the time of evening] ·the people will be very frightened [L look/T behold, terror!].
    Before morning, ·no one will be left [the enemy will be gone; L he is no more].
This is the ·fate [portion] of those who ·steal from [plunder] us,
    and ·what happens to [the lot of] those who ·rob [loot] us.