Isaias 16
Ang Dating Biblia (1905)
16 Ipadadala ninyo ang mga kordero na ukol sa pinuno ng lupain mula sa Selah na nasa dakong ilang, hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion.
2 Sapagka't mangyayari, na gaya ng mga ibong nagsisigala, na gaya ng kalat na pugad, magiging gayon ang mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng Arnon.
3 Magpayo ka, magsagawa ka ng kahatulan; iyong gawin ang iyong anino na gaya ng gabi sa gitna ng katanghaliang tapat: ikubli mo ang mga tapon; huwag mong ilitaw ang palaboy.
4 Patirahin mong kasama mo ang aking natapon; tungkol sa Moab, maging kanlungan ka niya sa mukha ng mananamsam: sapagka't ang mamimighati ay mauuwi sa wala, ang pagsamsam ay matitigil, ang mga mamimighati ay malilipol sa lupain.
5 At ang luklukan ay matatatag sa kagandahang-loob, at isa'y uupo roon sa katotohanan, sa tabernakulo ni David; na humahatol at humahanap ng kahatulan, at nagmamadaling nagsasagawa ng katuwiran.
6 Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang kahambugan, at ang kaniyang kapalaluan, at ang kaniyang poot, ang kaniyang paghahambog ay nauuwi sa wala.
7 Kaya't aangal ang Moab dahil sa Moab, bawa't isa'y aangal: dahil sa mga binilong pasas ng Kirhareseth ay mananangis kayong lubha na nangamamanglaw.
8 Sapagka't ang mga bukid ng Hesbon ay nanghihina, at ang ubasan ng Sibma; sinira ng mga mahal na tao ng mga bansa ang mga piling pananim niyaon; sila'y nagsisapit hanggang sa Jazer, sila'y nagsilaboy sa ilang; ang kaniyang mga sanga ay nangalaladlad, sila'y nagsitawid sa dagat.
9 Kaya't iiyak ako ng iyak ng Jazer dahil sa puno ng ubas ng Sibma: aking didiligin ka ng aking mga luha, Oh Hesbon, at Eleale; sapagka't sa iyong mga bunga ng taginit at sa iyong pagaani, dumating ang hiyaw sa pakikipagbaka.
10 At ang kasayahan ay naalis, at ang kagalakan sa mainam na bukid; at sa mga ubasan ay hindi magkakaroon ng mga awitan, o masayang kaingay man: walang manyayapak na gagawa ng alak sa alakan; aking pinatigil ang awitan sa pagaani.
11 Kaya't ang aking tiyan ay tumutunog na parang alpa dahil sa Moab, at ang aking mga lamang-loob dahil sa Kir-hares.
12 At mangyayari, pagka ang Moab ay humarap, pagka siya'y napagod sa mataas na dako, at paroroon sa kaniyang santuario upang dumalangin, ay hindi siya mananaig.
13 Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Moab sa panahong nakaraan.
14 Nguni't ngayo'y nagsalita ang Panginoon, na nagsasabi, Sa loob ng tatlong taon, na gaya ng mga taon ng isang upahan, ay mawawalang kabuluhan ang kaluwalhatian ng Moab sangpu ng lahat niyang karamihan; at ang nalabi ay mangangaunti at walang halaga.
Isaias 16
Ang Biblia, 2001
16 Nagpadala sila ng mga kordero
sa pinuno ng lupain,
mula sa Sela, sa daan ng ilang,
hanggang sa bundok ng anak na babae ng Zion.
2 Sapagkat gaya ng kalat na pugad,
ng mga nagsisigalang ibon,
gayon ang mga anak na babae ng Moab
sa mga tawiran ng Arnon.
3 “Magpayo ka,
magbigay ka ng katarungan,
gawin mo ang iyong lilim na gaya ng gabi
sa gitna ng katanghaliang-tapat;
ikubli mo ang mga itinapon,
huwag mong ipagkanulo ang takas.
4 Patirahin mong kasama mo ang itinapon mula sa Moab,
maging kanlungan ka niya
mula sa mangwawasak.
Kapag wala nang mang-aapi,
at huminto na ang pagkawasak,
at ang yumayapak sa ilalim ng paa ay wala na sa lupain,
5 kung magkagayo'y matatatag ang trono sa tapat na pag-ibig,
at uupo roon sa katapatan,
sa tabernakulo ni David
ang isa na humahatol at humahanap ng katarungan,
at mabilis na nagsasagawa ng katuwiran.”
6 Aming nabalitaan ang pagyayabang ng Moab,
na siya'y totoong mapagmataas;
ang kanyang kahambugan, at ang kanyang kapalaluan, at ang kanyang poot—
ang kanyang paghahambog ay huwad.
7 Kaya't hayaang tumangis ang Moab,
bawat isa'y tumangis para sa Moab.
Manangis kayong lubha
dahil sa mga tinapay na pasas ng Kir-hareseth.
8 Sapagkat ang mga bukid ng Hesbon ay nanghihina,
at ang ubasan ng Sibma;
sinira ng mga panginoon ng mga bansa ang mga piling pananim niyon;
na nakarating hanggang sa Jazer,
at sa ilang ay lumaboy;
ang kanyang mga sanga ay kumalat,
at nagsitawid sa dagat.
9 Kaya't iiyak ako ng iyak ng Jazer
dahil sa puno ng ubas ng Sibma;
didiligin kita ng aking mga luha,
O Hesbon at Eleale;
sapagkat ang sigawan sa iyong bunga
at sa iyong pag-aani ay nahinto.
10 At ang kasayahan at kagalakan ay inalis
mula sa mabungang lupain,
at sa mga ubasan ay hindi inawit ang mga awitin,
walang ginawang mga pagsigaw,
walang manyayapak na gumagawa ng alak sa pisaan;
aking pinatigil ang awitan sa pag-aani.
11 Kaya't ang aking kaluluwa ay tumataghoy na parang alpa para sa Moab,
at ang aking puso para sa Kir-heres.
12 At kapag ang Moab ay humarap, kapag siya'y pagod na sa mataas na dako, kapag siya'y pumaroon sa kanyang santuwaryo upang manalangin, ay hindi siya mananaig.
13 Ito ang salita na sinabi ng Panginoon tungkol sa Moab noong nakaraan.
14 Ngunit ngayo'y nagsalita ang Panginoon, na nagsasabi, “Sa loob ng tatlong taon, na gaya ng mga taon ng isang upahan, ay mawawalang kabuluhan ang kaluwalhatian ng Moab, sampu ng lahat niyang karamihan; at ang mga nalabi ay magiging kakaunti at mahihina.”
Isaias 16
Ang Biblia (1978)
Ang pagsamsam sa Moab.
16 Ipadadala ninyo ang mga (A)kordero na ukol sa pinuno ng lupain mula sa Selah na nasa dakong ilang, hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion.
2 Sapagka't mangyayari, na gaya ng mga ibong nagsisigala, na gaya ng kalat na pugad, magiging gayon ang mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng (B)Arnon.
3 Magpayo ka, magsagawa ka ng kahatulan; (C)iyong gawin ang iyong anino na gaya ng gabi sa gitna ng katanghaliang tapat: ikubli mo ang mga tapon; huwag mong ilitaw ang palaboy.
4 Patirahin mong kasama mo ang aking natapon; tungkol sa Moab, maging kanlungan ka niya sa mukha ng mananamsam: sapagka't ang mamimighati ay mauuwi sa wala, ang pagsamsam ay matitigil, ang mga mamimighati ay malilipol sa lupain.
5 At ang luklukan ay matatatag sa kagandahang-loob, at isa'y uupo (D)roon sa katotohanan, sa tabernakulo ni David; (E)na humahatol at humahanap ng kahatulan, at nagmamadaling nagsasagawa ng katuwiran.
6 (F)Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang kahambugan, at ang kaniyang kapalaluan, at ang kaniyang poot, ang (G)kaniyang paghahambog ay nauuwi sa wala.
7 Kaya't aangal ang (H)Moab dahil sa Moab, bawa't isa'y aangal: dahil sa mga binilong pasas ng (I)Kirhareseth ay mananangis kayong lubha na nangamamanglaw.
8 Sapagka't ang mga bukid (J)ng Hesbon ay nanghihina, at ang ubasan ng Sibma; sinira ng mga mahal na tao ng mga bansa ang mga piling pananim niyaon; sila'y nagsisapit hanggang sa (K)Jazer, sila'y nagsilaboy sa ilang; ang kaniyang mga sanga ay nangalaladlad, sila'y nagsitawid sa dagat.
9 Kaya't iiyak ako ng iyak ng Jazer dahil sa puno ng ubas ng Sibma: aking didiligin ka ng aking mga luha, Oh Hesbon, at Eleale; sapagka't sa iyong mga bunga ng taginit at sa iyong pagaani, dumating ang hiyaw sa pakikipagbaka.
10 At ang kasayahan ay naalis, (L)at ang kagalakan sa mainam na bukid; at sa mga ubasan ay hindi magkakaroon ng mga awitan, o masayang kaingay man: walang manyayapak na gagawa ng alak sa alakan; aking pinatigil ang awitan sa pagaani.
11 Kaya't ang (M)aking tiyan ay tumutunog na parang alpa dahil sa Moab, at ang aking mga lamang-loob dahil sa Kir-hares.
12 At mangyayari, pagka ang Moab ay humarap, pagka siya'y napagod (N)sa mataas na dako, at paroroon sa kaniyang santuario upang dumalangin, ay hindi siya mananaig.
13 Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Moab (O)sa panahong nakaraan.
14 Nguni't ngayo'y nagsalita ang Panginoon, na nagsasabi, Sa loob ng tatlong taon, (P)na gaya ng mga taon ng isang upahan, ay mawawalang kabuluhan ang kaluwalhatian ng Moab sangpu ng lahat niyang karamihan; at ang nalabi ay mangangaunti at walang halaga.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
