Print Page Options

Ang awit ng pananagumpay.

14 Sapagka't ang Panginoon ay (A)maaawa sa Jacob, at kaniyang pipiliin (B)pa ang Israel, at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain: (C)at ang taga ibang lupa ay lalakip sa kanila, at sila'y masasanib sa sangbahayan ni Jacob.

At kukunin sila ng mga tao, (D)at dadalhin sila sa kanilang dako: at aariin sila ng sangbahayan ng Israel sa lupain ng Panginoon, na mga pinakaaliping lalake at babae: at kanilang bibihagin sila, na nagsibihag sa kanila; (E)at mangagpupuno sila sa mga mamimighati sa kanila.

At mangyayari, sa araw na bibigyan ka ng Panginoon ng kapahingahan sa iyong kapanglawan, at sa iyong kabagabagan, at sa mabigat na paglilingkod na ipinapaglingkod sa iyo,

Na (F)iyong gagamitin ang talinghagang ito laban sa hari sa Babilonia, at iyong sasabihin, Kung paano ang mamimighati ay naglikat! (G)ang bayang ginto ay naglikat!

Binali ng Panginoon ang tungkod ng masama, (H)ang cetro ng mga pinuno;

Siya na sumakit ng mga tao sa poot ng walang likat na bugbog, na nagpuno sa mga bansa sa galit, na may pag-uusig na hindi pinigil ng sinoman.

Ang buong lupa ay nasa katiwasayan, at tahimik: sila'y biglang (I)nagsisiawit.

Oo, ang mga puno ng cipres ay nagagalak dahil sa iyo, at ang mga cedro sa Libano, na nangagsasabi, Mula nang ikaw ay malugmok wala nang mamumutol na umaahon laban sa amin.

Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa.

10 Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo, Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin? ikaw ba'y naging gaya namin?

11 Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod.

12 (J)Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!

13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y (K)sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas (L)ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa (M)bundok ng kapisanan, (N)sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:

14 Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.

15 Gayon ma'y (O)mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay.

16 Silang nangakakakita sa iyo ay magsisititig sa iyo, kanilang mamasdan ka, na mangagsasabi, Ito baga ang lalake na nagpayanig ng lupa, na nagpauga ng mga kaharian;

17 Na ginawang gaya ng ilang ang sanglibutan, at gumiba ng mga bayan nito; na hindi nagpakawala ng kaniyang mga bilanggo upang magsiuwi?

18 Lahat ng mga hari ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian, bawa't isa'y sa kaniyang sariling bahay.

19 Nguni't ikaw ay natapon mula sa iyong libingan na gaya ng kasuklamsuklam na sanga, gaya ng bihisan ng mga patay, na tinaga ng tabak, na bumaba sa mga bato ng hukay: gaya ng bangkay na nayapakan ng paa.

20 (P)Ikaw ay hindi malalakip sa kanila sa libingan, sapagka't iyong sinira ang iyong lupain, iyong pinatay ang iyong bayan; ang angkan ng mga manggagawa ng kasamaan (Q)ay hindi lalagi magpakailan man.

21 Mangaghanda kayo na pumatay sa kanilang mga anak dahil sa (R)kasamaan ng kanilang mga magulang; upang sila'y (S)huwag magsibangon, at ariin ang lupain, at punuin ang ibabaw ng lupa ng mga bayan.

22 At ako'y babangon laban sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ihihiwalay ko sa Babilonia (T)ang pangalan at ang nalabi, at ang anak at ang anak ng anak, sabi ng Panginoon.

23 Akin namang gagawing pinakaari ng hayop na erizo, at mga lawa ng tubig: at aking papalisin ng pangpalis na kagibaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

24 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang iniisip ko, gayon ang mangyayari; at kung ano ang aking pinanukala, gayon mananayo:

25 (U)Na aking lalansagin ang taga Asiria sa aking lupain, at sa aking mga bundok ay yayapakan ko siya sa ilalim ng paa; kung magkagayo'y mahihiwalay ang (V)kaniyang atang sa kanila, at ang ipinasan niya ay mahihiwalay sa kanilang balikat.

26 Ito ang panukala na aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na umunat sa lahat ng mga bansa.

27 Sapagka't pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, at sinong wawala ng kabuluhan? at ang kaniyang kamay na nakaunat, at sinong maguurong?

Ang hula sa Filistia.

28 Nagkaroon ng hulang (W)ito nang taong mamatay ang (X)haring Achaz.

29 Ikaw ay huwag magalak, ikaw na buong (Y)Filistia, sa pagkabali ng pamalo na sumakit sa iyo: sapagka't sa ahas ay lalabas ang ulupong, at ang kaniyang anak ay magiging mabangis na ahas na lumilipad.

30 At ang panganay ng dukha ay kakain, at ang mapagkailangan ay mahihigang tiwasay: at aking papatayin ng gutom ang iyong angkan, at ang nalabi sa iyo ay papatayin.

31 Ikaw ay umungal, Oh pintuang bayan; ikaw ay humiyaw, Oh bayan; ikaw ay napugnaw, Oh ikaw na buong Filistia; sapagka't lumalabas ang usok na mula sa hilagaan, at walang malalabi sa kaniyang mga takdang panahon.

32 Ano nga ang isasagot sa mga sugo ng bansa? Na itinayo ng (Z)Panginoon ang Sion, at doon nanganganlong (AA)ang nagdadalamhati sa kaniyang bayan.

'Isaias 14 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Babalik ang mga Israelita mula sa Pagkabihag

14 Kaaawaan ng Panginoon ang Israel at muli niyang pipiliin bilang mga mamamayan niya. Muli niyang patitirahin ang mga ito sa sarili nilang lupain, at may mga dayuhang maninirahang kasama nila. Tutulungan ng ibang bansa ang Israel para makabalik sila sa lupaing ibinigay sa kanila ng Panginoon. At magiging alipin nila roon ang mga dayuhan. Bibihagin nila ang mga bumihag sa kanila noon, at sasakupin nila ang mga umapi sa kanila.

Mamamatay ang Hari ng Babilonia

Mga Israelita, sa araw na pagpapahingahin kayo ng Panginoon sa inyong mga paghihirap, pagtitiis at pagkaalipin, kukutyain ninyo ng ganito ang hari ng Babilonia:

“Bumagsak na ang mapang-aping hari. Tapos na ang kanyang pagpapahirap. Winakasan na ng Panginoon ang kapangyarihan ng masasamang pinuno, na sa galit nilaʼy walang tigil ang pagpapahirap nila sa mga tao, at matindi kung umusig ng mga bansa. Sa wakas ay magiging payapa na rin ang buong mundo. At mag-aawitan ang mga tao sa tuwa. Magagalak pati ang mga puno ng sipres[a] at sedro sa Lebanon dahil sa nangyari sa hari. Para silang tao na nagsasabi, ‘Ngayong wala ka na, wala nang puputol sa amin.’

“Nagkakagulo ang mga patay sa iyong pagdating at handang-handa na silang salubungin ka. Ang kaluluwa ng mga dating makapangyarihan sa mundo ay nagkakagulo sa pagbati sa iyo. Tumatayo sa kanilang mga trono ang kaluluwa ng mga hari para salubungin ka. 10 Sasabihin nilang lahat sa iyo, ‘Humina ka na rin pala katulad namin. Pare-pareho na tayo. 11 Ngayong patay ka na, wala ka nang kapangyarihan, at wala na rin ang mga tugtugan ng mga alpa para parangalan ka. Uod na ang higaan at ang kumot mo.’

12 “Nahulog ka mula sa langit, ikaw na tinatawag na tala sa umaga. Ibinagsak ka sa lupa, ikaw na nagpasuko ng mga bansa. 13 Sinabi mo sa iyong sarili, ‘Aakyat ako sa langit, at ilalagay ko ang aking trono sa itaas ng mga bituin ng Dios. Uupo ako sa itaas ng bundok na pinagtitipunan ng mga dios sa bandang hilaga. 14 Aakyat ako sa itaas ng mga ulap, at magiging gaya ng Kataas-taasang Dios.’

15 “Pero ano ang nangyari sa iyo? Dinala ka sa lugar ng mga patay, sa pinakamalalim na hukay. 16 Tititigan kang mabuti ng mga patay at sasabihin nila, ‘Hindi baʼt ito ang taong kinatatakutan ng mga tao sa mundo, at ang yumanig ng mga kaharian? 17 Hindi baʼt siya ang nagwasak ng mga lungsod, ginawang parang ilang ang buong mundo, at hindi nagpalaya sa kanyang mga bihag?’

18 “Ang lahat ng hari sa mundo ay marangal na nakahimlay sa sarili nilang libingan. 19 Pero ikaw naman ay itatapon na parang sanga na walang silbi. Tatambakan ka ng mga bangkay ng mga sundalong namatay sa digmaan. Ihuhulog ka sa hukay kasama nila at tatambakan ng mga bato. Matutulad ka sa bangkay na tinatapak-tapakan ng mga tao. 20 Hindi ka ililibing na katulad ng ibang hari, dahil winasak mo ang sarili mong bansa at pinatay ang mga mamamayan mo. Walang matitira sa masamang lahi mo.

21 “Ihanda na ang lugar kung saan papatayin ang mga anak niya dahil sa kasalanan ng kanilang mga ninuno. Hindi na sila papayagang sumakop pa ng mga lupain o magtayo ng mga lungsod sa buong mundo.”

22 Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, “Lulusubin ko at wawasakin ang Babilonia. Wala akong ititirang buhay sa lugar na ito. Walang matitira sa kanilang mga lahi. 23 Gagawin ko itong ilang, na may maraming latian, at gigibain ko na parang winalisan. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

Ang Mensahe tungkol sa Asiria

24 Nanumpa ang Panginoong Makapangyarihan at sinabi, “Mangyayari ang plano ko; matutupad ang desisyon ko. 25 Lilipulin ko ang mga taga-Asiria sa lupain ng Israel. Dudurugin ko sila sa aking mga bundok. Hindi na nila maaaring alipinin ang mga mamamayan ko. 26 Ito ang binabalak kong gawin sa buong mundo. Ganito ang parusang ipapakita ko sa lahat ng bansa.” 27 Sino ang makakapagbago ng plano ng Panginoong Makapangyarihan? Sino ang makakapigil sa kanyang pagpaparusa?

Ang Mensahe tungkol sa mga Filisteo

28 Ang mensaheng itoʼy sinabi ng Dios noong namatay si Haring Ahaz:

29 Mga Filisteo, huwag muna kayong magalak sa pagkamatay ng haring sumalakay sa inyo. Sapagkat ang anak niyang papalit ay mas mabagsik kaysa sa kanya, parang isang ahas na namatay pero nagkaanak ng mas makamandag na ahas na tila lumilipad. 30 Ang mga mahihirap kong mamamayan ay pakakainin ko at bibigyan ng kapahingahan nang walang anumang kinatatakutan. Pero pababayaan kong mamatay sa gutom ang mga lahi mo, at ang matitira sa kanila ay papatayin ko pa rin. 31 Umiyak kayo nang malakas, kayong mga mamamayan ng mga bayan ng Filistia. Sapagkat sasalakay sa inyo ang inyong mga kaaway na parang usok mula sa hilaga at silaʼy pawang matatapang.

32 Ano ang isasagot natin sa mga sugo ng bansang iyon? Sabihin natin sa kanila na ang Panginoon ang nagtayo ng Zion, at dito manganganlong ang nahihirapan niyang mga mamamayan.

Footnotes

  1. 14:8 sipres: o, “pine tree.”

Israel’s Taunt against Babylon

14 When the Lord (A)has compassion on Jacob and again (B)chooses Israel, and settles them on their own land, then (C)strangers will join them and attach themselves to the house of Jacob. The peoples will take them along and bring them to their place, and the (D)house of Israel will make them their own possession in the land of the Lord (E)as male and female servants; and [a]they will take their captors captive and will rule over their oppressors.

And it will be on the day when the Lord gives you (F)rest from your hardship, your turmoil, and from the harsh service in which you have been enslaved, that you will (G)take up this [b]taunt against the king of Babylon, and say,

“How (H)the oppressor has ceased,
And how the [c]onslaught has ceased!
The Lord has broken the staff of the wicked,
The scepter of rulers,
(I)Which used to strike the peoples in fury with unceasing strokes,
Which [d]subdued the nations in anger with unrestrained persecution.
The whole earth is at rest and is quiet;
They (J)break forth into shouts of joy.
Even the (K)juniper trees rejoice over you, and the cedars of Lebanon, saying,
‘Since you have been laid low, no tree cutter comes up against us.’
(L)Sheol below is excited about you, to meet you when you come;
It stirs the [e]spirits of the dead for you, all the [f]leaders of the earth;
It raises all the kings of the nations from their thrones.
10 (M)They will all respond and say to you,
‘Even you have become weak as we,
You have become like us.
11 Your (N)pride and the music of your harps
Have been brought down to Sheol;
Maggots are spread out as your bed beneath you
And worms are your covering.’
12 How you have (O)fallen from heaven,
You [g](P)star of the morning, son of the dawn!
You have been cut down to the earth,
You who defeated the nations!
13 But you said in your heart,
‘I will (Q)ascend to heaven;
I will (R)raise my throne above the stars of God,
And I will sit on the mount of assembly
In the recesses of the north.
14 I will ascend above the heights of the clouds;
(S)I will make myself like the Most High.’
15 Nevertheless you (T)will be brought down to Sheol,
To the recesses of the pit.
16 Those who see you will stare at you,
They will [h]closely examine you, saying,
‘Is this the man who made the earth tremble,
Who shook kingdoms,
17 Who made the world like a (U)wilderness
And overthrew its cities,
Who (V)did not [i]allow his prisoners to go home?’
18 All the kings of the nations lie in glory,
Each in his own [j]tomb.
19 But you have been (W)hurled out of your tomb
Like [k]a rejected branch,
[l]Clothed with those killed who have been pierced with a sword,
Who go down to the stones of the (X)pit
Like a (Y)trampled corpse.
20 You will not be united with them in burial,
Because you have ruined your country,
You have killed your people.
May the (Z)descendants of evildoers never be mentioned.
21 Prepare a place of slaughter for his sons
Because of the (AA)wrongdoing of their fathers.
They must not arise and take possession of the earth,
And fill the surface of the world with cities.”

22 “I will rise up against them,” declares the Lord of armies, “and eliminate from Babylon (AB)name and survivors, (AC)offspring and descendants,” declares the Lord. 23 “I will also make it the property of the (AD)hedgehog and swamps of water, and I will sweep it away with the broom of (AE)destruction,” declares the Lord of armies.

Judgment on Assyria

24 The Lord of armies has sworn, saying, “Certainly, (AF)just as I have intended, so it has happened, and just as I have planned, so it will stand, 25 to (AG)break Assyria in My land, and I will trample him on My mountains. Then his (AH)yoke will be removed from them, and his burden removed from their shoulders. 26 This is the (AI)plan [m]devised against the entire earth; and this is the (AJ)hand that is stretched out against all the nations. 27 For (AK)the Lord of armies has planned, and who can frustrate it? And as for His stretched-out hand, who can turn it back?”

Judgment on Philistia

28 In the (AL)year that King Ahaz died, this (AM)pronouncement came:

29 “Do not rejoice, (AN)Philistia, all of you,
Because the rod that (AO)struck you is broken;
For from the serpent’s root a (AP)viper will come out,
And its fruit will be a (AQ)winged serpent.
30 [n]Those who are most (AR)helpless will eat,
And the poor will lie down in security;
I will kill your root with (AS)famine,
And it will kill your survivors.
31 Wail, you (AT)gate; cry, you city;
[o]Melt away, (AU)Philistia, all of you!
For smoke comes from the (AV)north,
And (AW)there is no straggler in his ranks.
32 What answer will one give the (AX)messengers of the nation?
That (AY)the Lord has founded Zion,
And (AZ)the poor of His people will take refuge in it.”

Footnotes

  1. Isaiah 14:2 Lit the captors will become their captives
  2. Isaiah 14:4 Or proverb
  3. Isaiah 14:4 As in DSS and ancient versions; MT uncertain
  4. Isaiah 14:6 Or ruled
  5. Isaiah 14:9 Or shades (Heb Repha’im)
  6. Isaiah 14:9 Lit male goats
  7. Isaiah 14:12 Heb Helel; i.e., shining one
  8. Isaiah 14:16 Lit show themselves attentive to
  9. Isaiah 14:17 Lit open
  10. Isaiah 14:18 Lit house
  11. Isaiah 14:19 Lit an abhorred branch
  12. Isaiah 14:19 Or As the clothing of those who are slain
  13. Isaiah 14:26 Lit planned
  14. Isaiah 14:30 Lit The firstborn of the helpless
  15. Isaiah 14:31 Or Become demoralized

Compassion for Jacob

14 The Lord will have compassion on Jacob, will again choose Israel, and will give them rest in their own land. Immigrants will join them, and attach themselves to the house of Jacob. The peoples will take them and will bring them to their own place. The house of Israel will possess them as male and female slaves in the Lord’s land, making captives of their captors and ruling their oppressors.

Mockery of a tyrant

When the Lord has given you rest from pain and trouble and from the hard labor that you perform, you will take up this taunt against the king of Babylon:

How the oppressor[a] has ceased!
    How the flood[b] has receded!
The Lord has broken the staff of the wicked,
    the rod of tyrants that struck peoples in rage with ceaseless blows,
    that ruled nations with anger,
        with relentless aggression.

All the earth rests quietly,
    then it breaks into song.
Even the cypresses rejoice over you,
    the cedars of Lebanon:
    “Since you were laid low,
        no logger comes up against us!”

The underworld[c] beneath becomes restless to greet your arrival.
It awakens the ghosts,
    all the leaders of earth;
it makes the kings of the nations rise from their thrones.
10 All of them speak and say to you:
    “Even you’ve become weak like we are!
    You are the same as us!”
11 Your majesty has been brought down to the underworld,[d]
    along with the sound of your harps.
Under you is a bed of maggots,
    and worms are your blanket.

12 How you’ve fallen from heaven,
    morning star, son of dawn!
You are cut down to earth,
    helpless on your back!
13 You said to yourself, I will climb up to heaven;
    above God’s stars, I will raise my throne.
I’ll sit on the mount of assembly,
    on the heights of Zaphon.
14 I’ll go up to the cloud tops;
    I’ll be like the Most High!
15 But down to the underworld[e] you are brought,
    to the depths of the pit.

16 Those who see you will stare at you;
        they will examine you closely:
    “Is this the man who rattled the earth,
        who shook kingdoms,
17         who made the world a wasteland
        and tore down its cities,
        and wouldn’t let his prisoners go home?”
18 All the kings of the nations lie down honored,
        all of them, each in his own tomb.
19     But you are cast away from your own grave
        like a rejected branch,
        covered by the dead
        and those pierced by the sword—
        who go down to the stony pit—
        like a trampled corpse.
20 You won’t join them in burial,
    for you destroyed your own land;
    you killed your own people.
Such evil offspring will never be mentioned again!

21 Prepare a place to slaughter his sons for the guilt of their father. Don’t let them arise to take over the earth or fill the world with cities.

22 I will arise against them, says the Lord of heavenly forces. I will cut off Babylon’s renown and remnant, offshoot and offspring. 23 I will make it the home of herons, a swampland. I will sweep it away with the broom of destruction, says the Lord of heavenly forces.

Promise for oppressed Judah

24 The Lord of heavenly forces has promised:
As I intended, so it will be;
    and as I have planned, so it will happen:
25 I will break Assyria in my land;
    on my mountains I will trample it
    and remove its yoke from my people;[f]
    his burden will be taken from their shoulders.
26 This is the plan that has been made for all the earth;
    this is the hand extended over all the nations.
27 The Lord of heavenly forces has created a plan;
    who can stop it?
God’s hand is extended;
    who will stop it?

An oracle concerning the Philistines

28 This oracle came in the year of King Ahaz’s death:

29 Don’t rejoice, all you Philistines, that the rod that struck you is broken,
    because from the snake’s root a viper will grow,
    and it will produce a winged creature.
30 The oldest offspring of the poor will graze;
    their needy will lie down secure.
But he will starve your offspring to death,
    and murder all who remain.
31 Wail, gate! Cry out, city!
        Melt in terror, all you Philistines!
    Smoke is coming from the north;
        there is no straggler in its ranks.[g]
32 What will one say to that nation’s messengers?
    The Lord has founded Zion;
        the oppressed among God’s people will find refuge there.

Footnotes

  1. Isaiah 14:4 Heb uncertain
  2. Isaiah 14:4 DSS (1QIsaa), LXX, Syr, Tg; MT fury
  3. Isaiah 14:9 Heb Sheol
  4. Isaiah 14:11 Heb Sheol
  5. Isaiah 14:15 Heb Sheol
  6. Isaiah 14:25 Or them
  7. Isaiah 14:31 Heb uncertain