Add parallel Print Page Options

Ang Mensahe tungkol sa Babilonia

13 Ito ang mensahe tungkol sa Babilonia na ipinahayag ng Panginoon kay Isaias na anak ni Amoz:

Magtaas kayo ng isang bandila roon sa tuktok ng bundok na walang puno. Pagkatapos, sumigaw kayo nang malakas sa mga sundalo at senyasan ninyo sila para salakayin at pasukin ang lungsod ng mga kilala at makapangyarihang tao. Inutusan ko na ang mga itinalaga kong sundalo na magpaparusa sa mga taong kinapopootan ko. Ang mga sundalo na itoʼy natutuwa at umaasang isasagawa ko ang parusang ito.

Read full chapter
'Isaias 13:1-3' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Hula sa paglagpak ng Babilonia. Muling pagkatayo ng Israel.

13 (A)Ang hula tungkol sa Babilonia (B)na nakita ni Isaias na anak ni Amoz.

Kayo'y mangaglagay ng isang (C)watawa't (D)sa bundok, na walang punong kahoy, mangaglakas kayo ng tinig sa kanila, (E)inyong senyasan ng kamay, upang sila'y magsipasok sa mga pintuang-bayan ng mga mahal na tao.

Aking inutusan ang (F)aking mga itinalaga, oo, aking tinawag ang (G)aking mga makapangyarihang lalake dahil sa aking galit, sa makatuwid baga'y ang nangagagalak sa aking kamahalan.

Read full chapter