Add parallel Print Page Options

Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas.
    Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot.
    Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit.
    Kayo nga ang nagligtas sa akin.”

Kung paanong ang malamig na tubig ay nagbibigay kagalakan sa nauuhaw, kayo naman ay magagalak kapag iniligtas na kayo ng Panginoon. Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo:

    “Purihin ninyo ang Panginoon!
    Sambahin nʼyo siya!
    Sabihin nʼyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa.
    Sabihin nʼyo na karapat-dapat siyang purihin.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:4 purihin: o, pasalamatan.

“Ang(A) Diyos ay aking kaligtasan;
    ako'y magtitiwala, at hindi ako matatakot
sapagkat ang Panginoong Diyos ay aking kalakasan at awit;
    at siya'y naging aking kaligtasan.”

Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.

At sa araw na iyon ay inyong sasabihin,

“Magpasalamat kayo sa Panginoon,
    kayo'y tumawag sa kanyang pangalan,
ipaalam ninyo ang kanyang mga gawa sa mga bansa,
    ipahayag ninyo na ang kanyang pangalan ay marangal.

Read full chapter
'Isaias 12:2-4' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.